00:00Mga magsasaka ng Maisa Isabela nakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa pamahalaan,
00:06ito ay matapos maapektuhan ng kanilang ani dulot ng matinding init,
00:11si April Racho ng Radio Pilipinas de Guedarao sa Sentro ng Balita.
00:17Masaya po ako dahil sa sobrang hirap.
00:25Meron na ibigay na ganitong supportan ng ating presidente sa hirap ngayon ng panahon.
00:31Hindi napigilan ni Ate Evelyn na maluha dahil sa labis na tuwa matapos matanggap ang tulong pinansyal
00:38mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD dito sa San Pablo, Isabela.
00:44Kabi-kabilaan na ngayon ang distribusyon ng tulong sa mga magsasaka ng mais sa iba't ibang bayan sa lalawigan
00:49bilang tugon ng pamahalaan sa labis na pinsala ng dry spell o kawalan ng ulan.
00:55Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
00:58makaraang maideklara ang State of Calamity sa buong Isabela.
01:02Paliwanag ng DSWD, ang financial assistance na ito ay laan sa mga lugar na naisa-ilalim ng State of Calamity,
01:09kung saan mula mismo sa mga lokal na pamahalaan ang listahan.
01:13Ang listahan po ay nagmula sa MAO po, na kung saan ang listahan po na sinubmit nila,
01:18ito na po yung validated from the MAO na kung saan sinubmit po nila sa DSWD
01:22at kung sino lang po yung sinubmit ng MAO sa DSWD,
01:26ito lang po yung bibigyan o mabababaan ng pondo para mabayaran.
01:31Once na po na-submit sa atin, ang gagawin lang po pala ni DSWD is yung deduplication na ginagawaan
01:38para makikita po kung may double entry.
01:41Base sa datos, mahigat 35,000 cornformers ang target na mabigyan ng tulong pinansyal
01:47na nagkakahalaga ng 10,125 pesos.
01:51Nagpaabot naman ang pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng San Pablo
01:54sa tulong na ito ng National Government.
01:56Saan tayo po sa probinsya ng Isabela ay napakapalad po natin dahil balita po po sa buong Pilipinas,
02:05tayo lamang po ang may ganitong tulong na bawat farmer na kung saan sila ay nag-ground yung kanilang mais
02:12ay may matatanggap na 10,125 pesos.
02:18Sa ngayon, sinisikap ng DSWD na mapabilis ang pamamahagi ng tulong
02:23para maibsan man lamang ang hirap na nararanasan ng mga magsasaka dito sa lalawigan.
02:29Mula rito sa Isabela para sa Integrated State Media, April, Salukan Ratio ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments