00:00Samantala, binuksan naman ang Department of Health ang kanilang pintuan para magbigay ng medical services at iba't iba pang tulong
00:08sa mga PUV drivers.
00:10Silipin natin yan sa Sentro ng Balita ni Carlo Candelaria Live.
00:18Trixie, humigit kumulang 300 tricycle at jeepney drivers ang naging benepisyaryo ng isinagawang purok kalusugan dito sa DOH Gymnasium sa
00:27lungsod ng Maynila.
00:28Ibat-ibang primary health care services ang handog ng purok kalusugan para sa magsasaka, chuper at barangay health workers ng
00:35Department of Health.
00:36Kabilang dito ang konsultasyon, mga gamot sa PhilHealth Yakap, laboratory, x-ray, dental services, HIV testing at iba pa.
00:45Mayroon ding registration sa PhilHealth at PhilHealth Yakap.
00:48Samantala, binili ng DOH sa pamamagitan ng Sagip Saka ang ani na mga magsasaka mula sa Nueva Vizcaya Agriculture Terminal
00:55upang matulungan sila dahil hirap silang ibiyahe ang kanilang mga ani sa Maynila dahil sa taas ng presyo ng langis.
01:01Tiglabin limang kilo ng gulay ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo kasama ang sampung kilong bigas, itlog at kamatis.
01:08Sabi ni DOH Undersecretary Albert Domingo, tulong nila ito para sa mga magsasaka at mga chuper na kabilang sa mga
01:14vulnerable sector na lughang apektado ng energy crisis sa bansa.
01:18Trixie, nagpapatuloy pa ngayon dito sa DOH Stadium ang programa hanggang matapos iyong konsultasyon ng mga benepisyaryo. Trixie?
01:26Okay, maraming salamat, Carlo Candelaria.
Comments