00:00Inasahang tataas pa ang ani at kita ng mahigit 3,000 magsasaka sa Sabuanga
00:05matapos pasinayaan ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.
00:09ang mahayag dam na isinailalim sa rehabilitasyon ng pamahalaan.
00:13Namahagi rin ng 20 solar-powered pump irrigation projects ang pamahalaan
00:17para sa mahigit 600 magsasaka sa regyon.
00:20Ang detalye sa report ni Kenneth Paciente.
00:26Sa patuloy na pagpapalakas ng imprastruktura sa agrikultura,
00:30pinasinayaan ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.
00:33ang bagong bihis na mahayag dam sa barangay lower sa Lugdaku,
00:37Mahayag Zamboanga del Sur.
00:39Layunin ang proyekto na masiguro ang tuloy-tuloy na supply ng patubig
00:42at mapalakas ang produksyon ng mga produktong pangagrikultura sa regyon.
00:47Bahagi ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan para sa food security.
00:51Sa muling pagbubukas nito, mahigit 3,000 magsasaka mula sa mga bayan ng Mahayag,
00:57Molave, Ramon Magsaysay at Suminot ang direktang makikinabang.
01:01Inaasahan na magiging mas maaasahan ang daloy ng tubig sa kanilang mga sakahan.
01:06Sa pamamagitan ng proyektong ito,
01:08inaasahan natin mas mapapabuti ang water diversion,
01:12irigasyon at ipapanggawain pangagrikultura ng regyon.
01:17Ibig sabihin, magiging tuloy-tuloy na ang supply ng tubig.
01:21Hindi lamang mapaparami ang inyong mga ani,
01:24mapapanatang din kayo na matutugan na ninyo ang araw-araw ninyong pangangay lang.
01:29Bahagi ang Mahayag Dam ng Salug River Irrigation System
01:33na sumasaklaw sa mahigit 8,000 hektarya ng sakahan,
01:36kabilang ang higit 5,000 hektaryang direktang pinatutubigan nito.
01:40Ayon pa sa Pangulo,
01:41malaki rin ang maitutulong ng pagsasayos ng dam upang maiwasan ang pagbaha
01:45at mapanatiling ligtas sa mga karatig na komunidad tuwing tag-ulan.
01:49Ang nangyari po kasi dito na erode,
01:51na dumaan yung tubig sa ilalim,
01:54kaya't nasira, bumagsak.
01:55Ngayon, linagyan na natin ang bakal na 6 meters ang lalim
02:00para hindi na mangyari ulit yun.
02:02Tapos dinamin natin yung mga sluws.
02:04Dati, dalawa lang ito.
02:06Diba? Ngayon, apat na.
02:07Apat na.
02:08And pati, at saka yung meron sila,
02:12pagka tumaas masyado yung tubig,
02:14meron tayong release na sluws dito na bubuksan
02:18para kukunin yung tubig para dadalhin sa ibang mga irrigation system.
02:23Samantala na mahagi rin ang 20 solar-powered pump irrigation projects
02:27ang pamahalaan para sa mahigit 6 na raang magsasaka sa rehyon.
02:31Layon itong mapalakas ang ani sa mga liblib
02:33at drought-prone na lugar nakapos sa supply ng kuryente.
02:37Muling binigyang diin ng Pangulo
02:38ang suporta ng administrasyon sa sektor ng agrikultura,
02:41kabilang ang paglalaan ng mahigit 300 bilyong piso para sa agrikultura
02:45at 63 bilyong piso para sa mga proyektong irrigation.
02:50Kaisa ng DA, Department of Agriculture,
02:53at saka ng NIA, layunin natin at piyakin.
02:57Ang siguridad sa pagkain at sa kabuhayan sa buong bansa.
03:02Hangad din natin na mas mapadali ang pagbebenta ninyo ng mga ani
03:06at tumaas ang inyong kita sa tulong ng ating mga ibang-ibang programa.
03:11Muli namang kinilala ng Pangulo
03:13ang walang kapantay na ambag ng mga magsasaka
03:15sa pagsiguro ng supply ng pagkain sa bansa.
03:19Kenneth, Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments