Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Sandiganbayan, walang nakitang istruktura sa inspeksyon nito sa iniuugnay na flood control project kay Revilla | ulat ni Rod Lagusad

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, tanging mga talahib ang tumambad sa pag-inspeksyon na isinigawa ng Sandigan Bayan sa isang flood control project sa
00:08Pandi, Bulacan.
00:09Kung na'y ng kasumalversasyon na kinahaharap ni dating Sen. Bong Revilla at mga dating opisyal ng DPWH Bulacan,
00:17ang naturang proyekto, idiniklarang 95% ng tapos at 95% ng napayaran.
00:24Yan ang ulat ni Rod Lagusan.
00:27Naniniwala ang prosekusyon na lumakas pa ang kanilang kaso laban sa maakusado kaugnay ng umanig ghost flood control project sa
00:35Pandi, Bulacan.
00:36Ito'y matapos na anila ng isinagawang inspeksyon ng Sandigan Bayan sa lugar at walang nakitang istruktura.
00:42Personal na pinuntahan ng korte ang lugar, pinuntahan ng madumong bahagi na sinasabing lokasyon na naturang proyekto.
00:48Nandito ako ngayon sa sinasabing kinaroroonan ng isang flood control project dito sa bahagi ng Pandi, Bulacan
00:54na may contract ID number na 25CC-0299.
00:58Sa isinagawang inspeksyon ng Sandigan Bayan 3rd Division,
01:01sa pangunan ni Associate Justice Carl Miranda,
01:04ay wala silang nakitang istruktura mula sa sinasabing simula hanggang dulo ng proyekto.
01:09Masukal na daan na puno ng talahib ang nadatnan dito ng korte,
01:13kasama ng prosekusyon at abogado ng mga akusado.
01:16Ang naturang ocular inspeksyon na isinagawa ng Sandigan Bayan 3rd Division
01:20para maberipika ang existence o pagkakaroon ng naturang flood control project,
01:24kusan ang kontraktor ay ang SIMS Construction,
01:27na pagmamayari ni Sally Santos na isa sa state witness sa isyo ng flood control projects.
01:32Could you tell us if the status or the stage of this project is any?
01:39Based on visual, there's no seen accomplishment, your honor.
01:45None at all? Why do you say that?
01:49Because there's no structures seen, your honor.
01:52Kasama rin sa binaripika ng korte kung may overlap ba ito sa iba pang flood control projects sa lugar
01:58na may contract ID number 25CC0647.
02:01Ang naturang proyekto na pagalamang natapos,
02:04kusaan na ipakita rin ang project engineer na sabing proyekto ang simula at duli nito.
02:08Kasabay nito, nalinaw din na walang overlapping sa pagitan ng dalawang proyekto.
02:13Bukod dito, nagsagawa rin ang pagbubungkal sa lugar kusaan may nakitang sheet pala sa gilid ng ilog.
02:18Ayon sa prosekusyon, nakita ito sa pagitan ng natapos na proyekto
02:21at ang proyektong napunta sa SIMS Construction.
02:24Dagdag ng prosekusyon, hindi anila natukoy sa isinagawang inspeksyon
02:27kung sheet pile ba ang nakita o kung gaano ito kahaba.
02:30Lumalabas ang nila na matagal na itong nailagay sa lugar
02:33dahil kinakalawang na ito at natabunan na ito ng mga halaman.
02:36Base sa prosekusyon, idineklara itong nasa 95% ng tapos
02:40at nasa 95% na itong nabayaran.
02:42Pero ayon sa isang residente na nakakaranes ng pagbaha sa lugar.
02:45Hindi nga namin alam yan dyan eh.
02:48Nalaman lang namin yun, inimbestigahan yan dyan.
02:52Lumilikas lang kami dun sa Bonsuran 2.
02:56Pagka malalim na talaga kasi minsan tradis ang baha dito eh.
03:01Minsan pag panay ang ulan, buha-baha po talaga.
03:04Pumataas po talaga yung tubig.
03:06Anila, huling beses silang binha ay noong nakarang taon.
03:09Sa darating na biyernes,
03:10magpapatuloy ang pagdinig ng Sandigan Bayon 3rd Division
03:13sa bail petition
03:14ni na dating Senador Bong Revilla
03:15at mga dating opisyal ng DPWH Bulacan
03:17kaugnay ng kasang malversation.
03:19Rod Lagusad, para sa Pambansang TV
03:21sa Bagong Pintinas.
Comments

Recommended