00:00Nagpabot ng lubos na pasasalamat ng ilan nating overseas Filipino workers
00:04na natipatriate ng pamahalaan mula sa tension sa Middle East.
00:08Bukod kasi sa pagiging ligtas na pag-uwi sa bansa,
00:11napapakinabangan na nila ngayon ang natanggap na tulong at suporta mula sa gobyerno.
00:16Si Steph Vicente ng Radio Pilipinas, World Service, sa Detalye.
00:23Positibo pa rin ang pananaw sa buhay ng mga overseas Filipino worker mula sa Qatar.
00:28Ngayong nakabalik na sila sa Pilipinas.
00:31Pero kung ilan nating kababayan umuwi ng bansa ng dahil sa gulo,
00:35si Christopher mas piniling bumalik dito sa Pilipinas dahil sa hindi magandang karanasan sa dating employer sa Qatar.
00:42Sa panayam ng Radio Pilipinas World Service,
00:45ikinuwento ni Christopher na bago pa man ang tensyon sa Middle East, ay wala na siyang trabaho.
00:51Dalawang buwan na rin siyang naghihintay ng end-service salary mula sa kanyang dating employer bilang salesman.
00:58Nagkasundo po doon sa OWA at yung company namin na,
01:03pinausap kami ng HR manager namin doon sa office,
01:07o sige, bibigay ko yung sahod nyo,
01:09pero makakauwi kayo,
01:12pero yung end-service nyo ay hindi nyo makukuha.
01:23Bukod sa hindi na kuhang final pay, ay nagkaroon pa ng mga iniindang sakit si Christopher na maaaring nakuha niya.
01:29Mula sa stress sa kanyang pinagdaanan sa dating employer at ang pag-atake ng Iran sa ilang mga bansa sa
01:35gitnang silangan,
01:36kabilang na ang Qatar.
01:38Sa kabila nito, tuloy lang daw ang laban ni Christopher para makapagsimulang muli sa buhay sa tulong na rin ng
01:45kanyang pamilya.
01:46Okay naman po, nandito po yung pamilya ko dito sa amin.
01:50Nanay ko, busy doon, nagtitinda, nagbabantay doon sa palingki.
01:54Tapos yung anak ko na yun dyan, palaro-laro lang.
01:57Kasi yung anak ko po, nagbakasyon dito.
01:59At nagpapasalamat din po ako at nakatid po ako ng graduation ng aking anak na nag-graduate siya noong grade
02:056.
02:06At nakatid ako po.
02:08Ang pamahalaan naman natin patuloy na nakaalalay sa mga repatriated OFW gaya ni Christopher.
02:15Sa katunayan, bukod sa $200 bago ang repatriation, nakatanggap din si Christopher ng 20,000 pesos na cash assistance pagdating
02:24niya rito sa Pilipinas.
02:26Libre rin siyang nakapagpatingin sa tulong naman ng Department of Health.
02:29Sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. natitiyak ang kapakanan ng ating mga kababayang OFW na tinaguriang mga bagong
02:39bayani.
02:40Para sa Integrated State Media, Steph Vicente ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments