Skip to playerSkip to main content
  • 17 minutes ago
Special payout sa tricycle at jeepney drivers sa NCR, nagsimula na; malakihang rollback sa mga produktong petrolyo, epektibo na | ulat ni JM Thompson

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ramdam na mga jeepney driver ang ginhawa ng sabay na rollback sa presyo ng produktong petrolyo at 10 piso kada
00:06lito na fuel subsidy.
00:08Habang sasagawa naman ng special rollout ang Department of Social Welfare and Development o DSWD
00:14para sa mga driver na hindi nakatanggap ng cash aid noong unang ilunsyad ang programa.
00:19May report si GM Thompson.
00:24Nagsimula na ang special payout ng mga tricycle at jeepney driver sa iba't ibang lungsod sa Metro Manila.
00:30Ramdam ni Marvin Pusho ang pagpreno ng presyo ng gasolina kasabay ng tulong pinansyal na makukuha niya.
00:36May paglalaan na na ang ayuda at kahit papano'y malaking tulong ito sa pagpapagamot sa asawa niyang nagdadialisis.
00:43Yun nga sa gasolina at sa pangangailangan pagkain, pero kahit papano, malaking bagay na rin.
00:52Sa asawa ko po, kailangan ng gamot din dahil nagdadialisis sa ngayon.
00:57Kasabay nito, efektibo na rin ang big time rollback sa produktong petrolyo.
01:01Aabot sa 20 pesos kada litro ang ibinaba ng diesels habang 4.43 pesos naman ang ibinaba ng gasolina
01:08at ang kerosene ay bumaba na rin ng 8.50 pesos.
01:12Samantala, mayroon ding 10 pisong diskwento kada litro sa ilang gasolinahan sa Quezon City,
01:19Pasig City, Manila, Montenlupa at Malabon City.
01:23Si Virgilio Calma, mahigit dalawang dekada nang namamasada at dalawa na ang napagtapos na anak
01:30sa kabila ng kanyang mild stroke.
01:32Tuloy ang kanyang biyahe para sa kanyang isa pang anak na nasa kolehyo pa.
01:36Maaga siyang dumating sa payout site para maaga rin makakuha ng ayuda upang makabiyahe pa pagkatapos.
01:42Dagdag pa niya, ang mga diskwento, ayuda at pagbaba ng presyo ng gasolina ay malaking tulong para sa kanyang pamilya.
01:50Malaking tulong sa amin, lalo na siyempre nahihirapan ni kami sa panggasuli na arawan.
01:56Tuloy na rin, maga, hindi sa amin na sa amin, malaking bagay din sa mga kamukaan namin sa drivers.
02:02Noong mga nakaraang linggo, nakatanggap na ng cash relief assistance ang unang batch ng mga drivers sa loob at labas
02:09ng Metro Manila.
02:10Matatandaang may ilang mga driver ang hindi nakatanggap ng tulong penansyal dahil sa problema sa kanilang pangalan,
02:16birthday, o kaya naman hindi naisama sa unang listahan.
02:20Kaya naman tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD,
02:25katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB,
02:30na makakakuha ang lahat ng kwalifikadong driver sa mga special payout na ito.
02:36Para sa mga tricycle drivers sa NCR,
02:38ang petsya ng kanilang special payout ay simula ngayong April 14, April 15, April 17 at April 22.
02:47Upang masiguro nakasama ang inyong pangalan sa listahan sa mga araw ng payout,
02:52makipag-ugnayan sa inyong local government unit para malaman kung anong petsya kayo nakaschedule.
02:58Kaugnay rito, ayon kay DSWD Sekretary Rex Gatchalian,
03:02sa huling tala noong April 10, nakapagbahagi na ng 5,000 cash assistance sa mahigit 500,000 PUV drivers sa
03:10loob at labas ng NCR.
03:13Umaasa naman ang maraming motorista at mga namamasada na sana ay magtuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo
03:21upang kahit papano'y makaramdam sila ng kaginhawaan sa gitna ng nararanasang suliranin sa langis.
03:28Mabilis at maayos ang pamamahagi ng ayudang pinansyal dito sa Valenzuela City People's Park.
03:34Inaasahang mahigit sa isang libong tricycle drivers ang kukuha ng cash relief assistance na hindi nila nakuha noong unang payout.
03:42Payo ng DSWD, siguraduhin na dala ang mga dokumento gaya ng driver's license at photocopy nito para sa mas mabilis
03:50na proseso.
03:52J.M. Thompson, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended