00:00Binigyan na ng 15 araw na palugit ng Bureau of Customs sa mga Diskaya para patunayang hindi smuggled ang kanila mga luxury cars.
00:08Ayon kasi sa BOC, 8 sa mga ito ay natukwasan nung manong kulang sa dokumento.
00:13Si Patrick De Jesus sa report.
00:1815 sa 30 luxury cars ng pamilya Diskaya, ang controversial na contractor sa mga umano'y maanumalyang flood control projects,
00:26ay may kakulangan sa dokumento.
00:29Ito ang resulta ng pagsusuri ng Bureau of Customs na may kustodya ngayon ng mga naturang mamahaling sasakyana.
00:37Walo rito ang itinuturing bilang smuggled dahil walang payment certification, wala pang import entry.
00:44Kabilang dito ang Rolls Royce, Toyota Tundra, Toyota Sequoia, Mercedes Bench Brabos, Lincoln Navigator, Bentley Bentayga, at Toyota Land Cruiser 300 Series.
00:56Binigyan ng labing limang araw ang mga diskaya, pati na ang mga importer ng sasakyan para magpakita ng kaukulang dokumento bago maglabas ang BOC ng warrant of seizure and detention.
01:09Pag hindi kami satisfied o hindi maganda yung kanilang pagkakaliwanag, tutuloy po tayo ng seizure proceedings.
01:18At this point, mukhang doon na rin naman patungo yung direksyon na yan.
01:22Binibigyan lang natin ng pagkakataon yung consignees na pinagbilahan ito at yung mismong owners ngayon.
01:30Pwede din namang outright pinasok. Marami tayong shorelines. Pwedeng ipinasok yan through some other means.
01:38So, makikita namin yung complete picture, sabi nga ni Commissioner, once we get to the next phase of the investigation.
01:44Pito naman sa mga luxury vehicle ay may import entry na pumasok sa Batangas, Cebu, Manila, at MICP.
01:53Kaya lang walang payment certification. Kaya't posibleng may hindi tamang buwis na nabayaran.
01:58Isang sasakyan na isinuko kagabi ang sinusuri pa habang kumpleto ang dokumento ng labing apat na iba pa.
02:06Pero hindi pa rin lusot sa patuloy na pagsusuri ng BOC.
02:11Una-una, tama ba yung mga pinagbayaran? Kung yung pinagbayaran lang ang pinag-usapan natin, pwede na sana yun.
02:18Kaya lang kung mali ang mga dokumento na naging basehan ng pagbabayad kahit patama ang binayaran mo, hindi rin ganong kasimple.
02:29Merong criminal aspect yun. So, not that simple.
02:33Higit sa sampung tauhan din ngayon ng BOC ang iniimbestigahan upang alamin kung paano nakalusot ang mga sasakyan na ito na kulang ang dokumento.
02:42Again, persons of interest pa lang yan. At titignan natin, pagpapaliwanagin natin kung bakit nakalusot o dumaan sa kanila yung mga sasakyan
02:54ng hindi nagkaroon ng tamang dokumento at hindi nagbayad ng tamang. Doon sa mga ganun yung sitwasyon, we will have to make even our own people accountable.
03:06Kasama sa imbestigahan ng BOC, ang apat na opisyal ng Department of Public Works and Highways na sinasabing nagmamayari rin ng mga mamahaling sasakyan.
03:17Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.