Skip to playerSkip to main content
Lumabas ang isang dokumento na pirmado umano ng isang nagpakilalang dating aide ni Vice President Sara Duterte.


Laman nito ang plano umano noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patalsikin sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos sa taong 2025 para mapaupo sa pwesto ang anak niyang Bise.


At kung hindi magtagumpay, aabot pa umano ito sa assassination ni Marcos.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lumabas ang isang dokumento na pirmado umano ng isang nagpakilalang dating aid ni Vice President Sara Duterte.
00:06Laman ito ang plano umano noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patalisikin sa pwesto si Pangulong Bogbong Marcos sa
00:13taong 2025 para mapaupo sa pwesto ang anak niyang vice.
00:18At kung hindi magtagumpay, aabot pa umano ito sa assassination ni Marcos.
00:24Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:31Nakuha ng GMA News ang liham na ito mula sa isang reliable source sa kampo ni Ramil Madriaga.
00:38Sulat kamay, pirmado at may pechang April 11, 2026.
00:43Si Madriaga ang nagpakilalang dating aid at bagman umano ni Vice President Sara Duterte at isa sa mga pinahaharap na
00:51testigo sa impeachment proceedings na isinasagawa ng House Committee on Justice.
00:56Sa dokumento, tinukoy ni Madriaga si FPRRD ang initials ni former President Rodrigo Roa Duterte.
01:05Noong November 2021, binanggit daw sa kanya ng dating Pangulo na hahayaan daw tumakbo si Bongbong Marcos bilang Pangulo kasama
01:15si Sara Duterte.
01:16Pero kukuni nila ang pagkapangulo pagsapit ng taong 2025.
01:21Ito raw ay para mapalawig ang kontrol ni Duterte sa gobyerno at gagamitin lamang si Marcos bilang political tool.
01:29Pagkatapos daw manumpa sa tungkuli ni VP Sara noong taong 2022, sinabi ng dating Pangulo sa isa namang pulong kasama
01:38si Madriaga at ilang retiradong general,
01:41ang plano niyang alisin sa pwesto si Pangulong Marcos sa anumang paraan.
01:46Uupo bilang Pangulo ang anak niyang si Sara Duterte at maaari pa rin itong tumakbo sa 2028 Presidential Elections.
01:54Dagdag pa raw ng nakatatandang Duterte.
01:58Alam daw ni Pangulong Marcos na bababa siya sa pwesto sa 2025 at ibibigay ito kay VP Sara.
02:06Kwento ni Madriaga.
02:08Bago mapatalsik si Marcos, magkakaroon ng mass resignations ng government officials,
02:14mga rally, pagpaslang na mga opisyal ng gobyerno, civil disobedience at pagsalakay sa Malakanyang Palace
02:21na mga kinuha nilang mga grupo at individual.
02:25Ito raw ang assignment ni Madriaga, ang mag-recruit ng mga makikibahagi kabilang ang mga kriminal at kahit mga sindikato.
02:34At kapag nagkakagulo na, ito raw ang magiging daan para magsagawa ang militar ng coup data.
02:41Kung hindi raw kusang bababa sa pwesto si Marcos o mag-excel sa Amerika, papatayin daw ito.
02:48Hinihinga namin ang reaksyon dito si Vice President Duterte, pero dati na niyang itinanggi na nagtrabaho sa kanya si Madriaga.
02:57All systems go na sa hearing na isasagawa ng House Committee on Justice bukas sa impeachment complaints laban kay Vice
03:05President Sara Duterte,
03:06isa si Ramil Madriaga, sa mga haharap at sasagot sa clarificatory questions na mga kongresista.
03:14Tinanong namin kung kasama ito sa mga tatalakayin bukas.
03:18If it is irrelevant to the accusations against the Vice President, particularly dito po sa misuse of confidential funds,
03:26tingin ko hindi po yun may sasama doon po sa mga pwede pong pag-usapan.
03:31Mahalaga po na we remain focused on the specific allegations relating to the impeachable offenses against the Vice President.
03:40Pag hindi po ito within that parameter, hindi po yun dapat talakayin po ng komite.
03:47Kanina, nag-inspeksyon na ang NBI at BJMP kasama ang ilang security personnel ng Kamara sa pagdarausa ng hearing bilang
03:56paghahanda sa pangangalaga sa seguridad ni Madriaga.
04:00May natanggap naman ang House Committee on Justice na kopya ng petisyon ng asawa ng BISE na si Atty. Manz
04:07Carpio
04:08na humihiling sa Quezon City Regional Trial Court na pigilan ang paglalabas ng income tax returns nila ng BISE sa
04:16impeachment hearing.
04:17Maliban daw kasi sa walang horisdiksyon ng House Committee on Justice,
04:21labag din daw ito sa right to privacy ni Carpio na walang kinalaman sa impeachment.
04:27Pero kinontra ito ni Ridon.
04:29Hindi po yung totoo kasi ITRs are public documents.
04:33Kailangan po makita kung meron po ba ang unexplained wealth ang ating pangalawang Pangulo.
04:39Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended