00:00Wala nang buhay nang matagpuan ang isang bagong silang na sanggol na palutang-lutang sa ilog matapos umanong anurin sa
00:07Maynila.
00:08Nakatutok si Jomer Apresto.
00:24Bangkay na! Nang matagpuan palutang-lutang ang isang bagong silang na sanggol na lalaki sa Estero de San Lazaro, Barangay
00:30295, Binondo, Maynila, Martes ng Umaga.
00:32Ang biktima, nakita raw ng ilang estero ranger na naglilinis ng ilog noong mga oras na yun.
00:43Buna po eh. Bago pa lang siya, yung kinawa po namin, hindi naman gaano lobo.
00:47Ayon sa Barangay 295, hindi pa malinaw kung sino ang nagtapon ng sanggol.
00:51Nireview na rin daw nila mga CCTV camera at wala naman silang nakita na nagtapon sa estero.
00:56Kaya posibleng inanod lang daw ang bangkay mula sa kabilang barangay papunta sa kanila.
01:01Baka sa Ricto kasi papunta rito ang Agos ng Tubig eh.
01:04Sabi ng iba, may nakita silang matanda pero hindi man nila nakita na may hinagis.
01:10Daming nag-suggest na ilibing na lang, ilibing ka kung hindi pwede tao yan.
01:15Hindi pwede ilibing yan.
01:16Yung hayop nga may naghahanap eh.
01:19Dito sa bahaging ito ng Recto Avenue sa Barangay 294,
01:22pinaniniwalang itinapon ng sanggol sa estero at inanod papunta sa kabilang barangay.
01:28Pero ayon sa ilang residente rito, wala silang ideya sa nangyari.
01:32Sinubukan din i-review ang CCTV ng Barangay 294 pero wala rin nakitang nagtapon doon.
01:36Ayon sa Barangay 294, malabo rin na sa kanila itinapon ng sanggol.
01:40Kasi po, mayroon po kaming floater ng basura.
01:44So kung mayroon po magtapon ng fetus or ano, eh maaharang naman po siya.
01:49Makita po talaga ng aming mga barangay officials.
01:5224 hours naman kaming may CCTV rito.
01:54So anything na makatulong po sa pag-solve ng case po, eh open po ang Barangay 294.
01:59Patuloy ang investigasyon ng Manila Police District sa kung sino ang nagtapon ng sanggol.
02:04Hinihikaya din ang otoridad na agad ipagbigay alam sa kanila kung may impormasyon kung na isang pagkakakilanlan ng salarin.
02:10Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
Comments