00:00Ipinaliwanag na ng Korte Suprema kung bakit ibinasura ang hiling ni Sen. Bato de la Rosa na pigilan ang pag
00:08-aresto sa kanya.
00:09Sabi ng Korte, nasa imahinasyon lang ni de la Rosa ang sinasabi niyang paglabag-umano sa kanyang mga karapatan.
00:16Nakatutok si Maki Pulido.
00:46Korte Suprema
00:50Unang-una sa lahat, sabi ng Korte, wala naman daw malinaw na karapatang kailangang protektahan kay de la Rosa.
00:56Binigyan pangaraw siya ng protective custody ng Senado dahilan kung bakit hindi naisilbi ang warrant ng ICC at napigil ang
01:04kanyang pag-aresto.
01:06Biguraw si de la Rosa na ipakitang may matinding pangangailangan para sa pag-i-issue ng TRO upang mapigilan ng
01:12irreparable injury o matinding pinsala.
01:15Dahil wala naman daw malalabag na karapatan, wala raw mangyayaring irreparable injury.
01:20Dahil hindi naman daw na ipakita ni de la Rosa na nararapat siyang mabigyan ng TRO, hindi na rin nag
01:25-issue ng status quo anti-order.
01:28Sa labing limang mahistrado ng Korte Suprema, siyam ang pumabor na ibasura ang petisyon ni de la Rosa.
01:34Lima ang kontra sa desisyon at isa ang hindi bumoto.
01:38Sa concurring opinion ni Justice Alfredo Benjamin Cagliwa, sabi niya, hindi dapat sagipin ng Korte ang isang personalidad,
01:45lalo na isang public officer na humaharap sa kasong mass murder na kailangang maidala sa International Criminal Court.
01:53Hindi raw dapat magresulta ang mga aksyon ng Korte para protektahan ang mga nasa kapangyarihan.
01:58At hindi raw dapat hayaan ang impunity o kawalan ng pananagutan dahil Korte Suprema ang huling tanggulan para sa proteksyon
02:06ng walang kapangyarihan.
02:08Dapat mag-ingat din daw ang Korte na magamit na politikal na basahan para linisin ang mga taong may dugo
02:15sa kanilang mga kamay.
02:17Sabi pa ni Cagliwa, malinaw daw na hindi kailangan ng hiwalay na warrant mula sa isang hukom sa Pilipinas
02:22para ipatupad ang pag-aresto sa mga kasong hawak ng ICC, taliwas sa argumento ni De La Rosa.
02:29Sa separate concurring opinion ni Associate Justice Marvy Clionin,
02:33ipinunto niyang inukupan ni De La Rosa ang pinakamataas na posisyon ng institusyong inatasang protektahan ang mamamayan
02:40pero batay sa mga alegasyon, naging sentro ng programa sa mga pagpatay sa bansa.
02:45Hindi rin daw maaaring hining suspindihin ang operasyon ng batas
02:49sa ngalan ng patas na pagtrato nang hindi isinasang-alang-alang ang anyay voiceless dead.
02:56May mga judicial remedies naman daw sakaling maaresto si De La Rosa.
03:00Ang ilang dito, ipinunto ni Associate Justice Rodil Zalameda sa kanyang separate concurring opinion.
03:06Kung sumuku raw si De La Rosa sa ICC, maaari itong humingi sa ICC ng interim release
03:12o ibang provisional liberty tulad ng nakasaad sa Rome Statute.
03:15Sa dissenting opinion ni Justice Ricardo Rosario, sinabi niyang umatras na ang Pilipinas sa Rome Statute noong March 17, 2019
03:23kaya anumang warrant na in-issue matapos nito maituturing na paglabag sa soberanya ng bansa.
03:29Sinabi naman ni Justice Ramon Paul Hernando sa kanyang dissenting opinion
03:33na walang domestic judicial process na pinapayagan ng pag-aresto o pag-surrender ni De La Rosa.
03:39Kinukuha pa ng GMA News ang panig ni De La Rosa tungkol dito.
03:43Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.
Comments