00:00TSTS, a ilang Maynilad customers sa Metro Manila at Cavite.
00:04Sumabay kasi sa mainit na panahon ng kawalan ng supply ng tubig dahil sa nasirang tubo sa Tondo, Maynila.
00:09At may unang balita live si Bea Binla. Bea, good morning.
00:17Maris, tuloy-tuloy ngayon pagkukumpune sa nasirang tubo ng tubig dito sa Tondo, Maynila,
00:21na inaasahan sanang matatapos kagabi, pero umabot na hanggang ngayong umaga.
00:30Bumulwak ang tubig sa bahagi ito ng Santa Maria Street, Corner Coral Street sa Tondo, Maynila kahapon
00:35dahil sa nasirang tubo ng Maynilad.
00:38Kaya nagsasagawa ng pressure management at leak repair work sa mga major pipeline ang water concessionaire.
00:45Kailangan makontrol ang pagtagas at maibalik ang servisyo sa lalong madaling panahon.
00:50Kanya-kanyang salok ng tubig ang mga residente.
00:53Ang iba, naligo na sa kalsada.
00:55Ayon sa Maynilad, nagkaroon ng emergency pipe breakage sa pangunahing water pipeline nila sa Santa Maria Street, Corner Coral Street.
01:04Dahil dito, nakararanas ang ilang customer sa mga bahagi ng Maynila ng low pressure hanggang sa walang tubig.
01:12Apektado rin ng water service interruption ang mga barangay sa Las Piñas, Paranaque at Pasay.
01:18Gayun din sa ilang lugar sa Baco or Cavite City, Imus, Kawit at Rosario sa Cavite.
01:24Ayon sa Maynilad, inaasahang aabot ng alas 11 ngayong umaga ang pagkukumpuni sa nasirang tubo.
01:31Maliligo pa uli sana yung isang anak ko eh. Kala ko mayroon pa eh.
01:34Talagang hirap po, matutulog ka ng napakainit tapos walang tubig.
01:39Hindi ka man lang makapagbuhos kahit konti man lang.
01:42Napakahirap ng walang tubig.
01:44Sabi nga, walang kuryente, mapagtitiisan po.
01:47Pero yung tubig, maraming gawain na kapakipakinabang po yung tubig.
01:55Ang nakimperwisyo rin yun, lalo't mga papasak sa trabaho.
01:59Ano lang ba yung nasalok namin dito?
02:02Pangbanyo, panghugas ng pinggan.
02:04Tamang buhus lang na, mapreskuhan lang.
02:07Lalo't makinit ang panahon nyo yun.
02:09Titisin na lang. Ganun talaga.
02:13Imbis na matulog, maraming residente ang pumila sa truck ng bombero at may daladalang timba
02:19para makaigib hanggang madaling araw kanina.
02:22Kasi nagtsatsaga kami kasi wala kami gagamitin.
02:26Siyempre nakaka-perhissue na wala kang magagamit, nakakainis.
02:31Hindi ko nakakahugas ng pinggan, siyempre nandunak, tainbak lang.
02:40Maris, ngayong umaga, na-restore na raw sa ilang bahay yung water service
02:43pero wala pa rin daw tubig sa iba.
02:45Sabi ng ilang residente, noong Sabado ng gabi pa, walang tubig sa kanila.
02:50Ayon sa Maynilad, meron silang mobile water tankers
02:52at may mga stationary water tanks sa piling lugar.
02:55Maaaring pagkuhanan ng tubig habang nagpapatuloy yung repair.
02:59Paalala ng Maynilad, manatili pong nakamonitor sa kanilang social media page
03:03para sa latest update tungkol sa pagkukumpunik.
03:06Yan ang latest mula rito sa Tondo, Maynila.
03:08Bea Pinlock, GMA News.
Comments