00:00Magkagirian sa demolition sa Nia Road sa Quezon City,
00:03nagmatigas kasi ang mga residente at pinigilan ang pag-iba sa kanilang mga tirahan.
00:08Saksi, si Maki Pulido.
00:18Nagliparan ang mga bote at bato sa clearing operation sa isang komunidad sa Nia Road, Quezon City,
00:24pasado alauna ng hapon kanina.
00:31Pinipigilan kasi ng ilang mga residente ang pag-iba sa kanilang mga tirahan.
00:37Isa-isang naaresto ng mga pulis ang mga naghagis ng bote.
00:42Bago magkagulo, kapit-bisig na hinarang ng mga residente ang mga gigiba sa kanilang mga bahay.
00:50Naumi ito sa tulakan sa pagitan ng mga pulis at mga residente hanggang napasok ng mga pulis ang lugar.
00:58Ang lolang ito, mag-isang hinarang ang backhoe na gagamitin sa demolisyon hanggat itinabi siya ng mga pulis.
01:05Pero ayon sa Quezon City LGU, kailangan na raw gibain ang mga nakatirik na bahay para masimulan ang in-city
01:12relocation housing project ng lungsod.
01:14Anin na gusali ang itatayo sa lugar na titirahan din ang mga residente kung tapos na ang proyekto bandang December
01:212027.
01:23Batay sa kanilang census, mahigit 2,300 illegal settler families ang nakatira dito ngayon na makikinabang sa in-city housing
01:31project.
01:32Ang target po namin na units ay nasa 2,500 to 2,600. So sobra po siya dun sa talagang
01:39nakatira po dito sa niya.
01:41Sa halip na relocation, habang itinatayo ang mga gusali, binigyan daw ng rental subsidy ang mga residente.
01:4860,000 pesos para sa mga may-ari ng bahay at 35,000 para sa mga nangungupahan.
01:54May dagdag pa raw itong 38,000 pesos kung may maipakita na silang lease agreement sa uupahan nilang bahay.
02:00Mga na po na ng pag-uupahan pansamantala at magtulungan po kami para makabalik po sila agad within the period
02:06of 18 months.
02:08Pero sabi ng mga nakausap naming residente, wala pa silang natatanggap na rental subsidy.
02:12Sa pagkakaalam nila, tulong ito nang masunugan sila noong March 6.
02:17Hindi po rental subsidy sinungaling itong ano natin.
02:19Nakalagay po doon financial assistance galing po sa national housing.
02:24Wala rin naman daw mauupahang kakasya sa kanilang budget.
02:27Lalo't hindi sila makalayo dahil nasa Quezon City ang kanilang mga trabaho't ikinabubuhay.
02:33Saan kami ngayong matutulog? Saan kami titira ngayon? Ang hirap mangupahan.
02:38Sabi ng Quezon City LGU na ipaliwanag daw sa mga residente na ang mga natanggap nila mga financial assistance ay
02:45para sa rental subsidy.
02:46Ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
02:49Ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
Comments