00:00Nauwi sa konfrontasyon ng pagparada ng isang lalaki ng kanyang sasakyan sa harap ng isang bahay sa Quezon City.
00:06Ang nag-viral na insidente sa pagsaksi ni Jamie Sanders.
00:14Viral sa social media ang video kung saan nagtatalo ang isang babae at isang lalaki.
00:19Ang ugat ng alitan ang umano'y pagparada ng sasakyan ng lalaki sa tapat ng bahay ng uploader sa bahagi
00:27ng barangay San Agustino Valiches, Quezon City.
00:30Ayon kay Lucille Pascua, umaga pa lamang, napansin na niya ang isang SUV na nakaparada malapit sa kanilang gate.
00:37Hindi niya raw ito agad pinansin, ngunit pagbalik nilang kinahaponan, nananatili pa rin umano'y ang sasakyan sa parehong pwesto.
00:45Dahil dito, napag-desisyonan daw niyang sulatan ang sasakyan.
00:49Sinulatan ko po yung sasakyan nila na huwag po kayo dito magpark, doon kayo sa tapat ng bahay nyo.
00:55Ilang sandali lamang ang lumipas, dumating ang may-ari ng sasakyan. Doon na raw nagsimula ang kompruntasyon.
01:03Nagalit po siya kasi of course sinulatan ko nga po yung sasakyan nila.
01:08And then tinanong niya ako kung ano, sa akin daw ba yun pagmamay-ari ko.
01:13Hindi ko naman inaangkin. Public road to eh.
01:17Aminado naman si Lucille sa kanyang pagkakamali.
01:20Aminado naman po ako sa mali ko na nagsulat ako sa sasakyan.
01:26Kaya ko naman po ang panagutan yun kung ano man ang gagawin nila, legally or whatever.
01:32Napasagot sa viral video si MMDA Special Operations Group Strike Force, said Gabriel Go.
01:37Paalala niya sa mga may-ari ng sasakyan, may umiiral daw na batas kung saan nakasaad na ipinagbabawa ng pagparada
01:46sa ilang lugar tulad ng mismong tapat ng gate na mga bahay o establishmento.
01:51Pag hinarangan po natin ang mga gates, napaka-delikado po nito.
01:56Tulad nga na sinasabi natin lagi, in cases of emergencies, hindi naman natin masasabi kailan yan.
02:02Paano na lang yung accessibility ng mga tao?
02:06Nagbigay rin ng pahayag ang panig ng may-ari ng pumaradang sasakyan.
02:10Kwento niya, napaparada lang daw siya sa area dahil may ginagawa sa kanilang kalsada.
02:15Pero nang kukuni na raw niya ang kanyang sasakyan para alisin doon, laking gulat niyang makitang may nakasulat na rito.
02:23Nagulat ako na yung sasakyan, taddad po ng bandalism.
02:30Yung bandal skuruletra na halos isang dangkal ang taas eh, kulang-kulang isang dangkal ang taas.
02:37So meron siyang bandalism sa driver's side, meron pa rin po sa likod.
02:42Kilala po ako rito ng malumanay na tao makipag-usap.
02:46Pumunta raw siya para makipag-usap pero mainit na ang kabilang panig.
02:50Kaya nauwi sila sa komprontasyon.
02:52Nang ipatawag daw sila ng pamunuan ng barangay,
02:55nagtungo rin daw sila para ipakita na bukas sila sa anumang pakikipag-usap.
03:00Kaya po ako nagpunta ng barangay kasi gusto ko pong mag-usap sa barangay.
03:04Ang totoo niya, naghintay po kami.
03:07Wala pong dumating.
03:08Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:17Kahit umulaan, todos suporta ang libo-libong fans kabilang ang Philo Army
03:22sa pag-umpisa ng BTS World Tour sa South Korea.
03:25Hindi po yan pinalagpas ng ilang kapusa celebrity.
03:28Ating saksihan!
03:34Inulan ng Goyang, South Korea.
03:36Pero di napigil ang bubos doon ng fans na Army ng K-pop superstars na BTS.
03:42D-Day na para sa opening ng ari-lang concert world tour.
03:45Nagmula pa sa iba't ibang bansa ang Army, kabilang ang Australia.
03:49I'm absolutely elated that they're finally coming back.
03:52It's been a long late.
03:54At Pilipinas.
03:55Rain or shine nga raw ang suporta ni Morning Sunshine Chira Diaz
03:59na bakas na ang excitement, papasok pa lang ng venue.
04:03Ayan na, sinuot ko na.
04:08Is this my only happening guys?
04:12Mapapasana all na lang ang mga team bahay dahil bilang VIP, may soundcheck akses si Shira.
04:18Pasilip sa Bangtan Boys bago ang mismong concert.
04:22This is it!
04:24Ito na, my team!
04:26I love you, Bangtan!
04:28At napakalapit ng upuan niya sa stage.
04:47Bangtan!
04:48Nagpasalamat din siya sa suporta ng asawa at kapwa GMA News reporter na si Rafi Tima.
04:55Di rin pinalampas ni Kapuso star Megan Young na makita ang minamahal na OT7.
05:01Nasa soundcheck din ang aktres na may close-up snap kay Jin as a certified Jin-biased army.
05:08Halos umapaw na nga ang stadium sa excitement ng libo-libong fans.
05:13Sabay kinukumpa sa mga kanta ang bit-bit na lightstick na Army Bomb.
05:18Itong Marso lang ay nag-comeback show ang BTS sa Seoul kung saan mahigit sandaang libong fans ang dumalong.
05:30Dito sa Pilipinas, nag-number one pa sa isang music chart ang title track na Swim ng comeback album nilang
05:36Arirang.
05:40Ako, si Obri Carampel, ang inyong saksi.
Comments