00:00Binawasan ng ilang aktividad sa Cope Thunder Exercises 2026 ng Philippines at US Air Force dahil sa mahal na presyo
00:08ng langis.
00:08May unang balita si Chino Gaston.
00:14Magkakasabay lumipad ng mga FA-50 fighter jet ng Philippine Air Force at F-22 Raptor fighter jets ng US
00:21sa pangatlong araw ng US-Philippine Cope Thunder Exercises sa Clark Air Base, Pampanga.
00:27Kumpara sa Air Superiority Fighter Jet ng US Air Force, higit na mas maliit ang gawang South Korea na fighter
00:34jet ng Pilipinas.
00:36Layo ng dalawang linggong military exercise ang pagsasanay sa aerial combat, maneuvers, communication at interoperability para sukatin ang kakayahan ng
00:45dalawang Air Force.
00:46This is purely to develop our readiness for any contingencies.
00:53So, this exercise elevates our capability with our partners.
00:58We've planned for quite a long time to be here as part of this exercise.
01:01And that's what we're doing just to continue to strengthen our relationship with the Philippines.
01:05Ang F-22 Raptor ang itinuturing na pinaka-advanced na Air Superiority Fighter Jet sa mundo.
01:11Gamit ito para puksain ang mga aeroplano at mga air defenses ng kalaban gamit ang stealth technology at mga makabagong
01:19missile at electronic warfare systems.
01:22Ayon sa Philippine Air Force, binawasan ang ilang aktibidad sa Cope Thunder bilang pagkilala sa epekto ng krisis sa langis
01:29sa ekonomiya ng bansa.
01:31Isa lang ang Cope Thunder sa mga joint military exercise ng Pilipinas, bunga ng mga defense agreement sa Amerika, Japan,
01:39Australia at France.
01:41Regular ding nagsasagawa ng joint aerial patrols o multilateral maritime cooperative activity ang US, Pilipinas at iba pang galyadong bansa
01:50sa maritime domain ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
01:53Ito ang unang balita. Chino Gaston, GMA News.
02:00Ito ang unang balita.
Comments