Skip to playerSkip to main content
Wala na nga halos kinikita ang mga magsasaka sa Atok, Benguet dahil sa mahal ng diesel, nagkakaubusan pa ang mga supply nito sa kanilang bayan.


Kaya ang ilang pananim doon, nanganganib na mabulok na lang dahil may ilang huminto na sa pag-aani.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wala na nga halos kinikita ang mga magsasaka sa Atok Benguet dahil sa mahal ng diesel.
00:05Nagkakaubusan pa ang mga supply nito sa kanilang bahayat.
00:08Kaya ang ilang pananim doon, nanganganib na mabulok na lang dahil may ilang kuminto na sa pag-aani.
00:15Wala pa rin sa Benguet. Nakatutok live si Ian Cruz. Ian!
00:21Emil, sa pagtungo nga natin sa mga farm sa Atok Benguet ay tumampad sa atin ang napakaraming mga pananim na
00:29gulay na nanganganib nga na mabulok
00:31matapos nga tumigil sa pag-aani ang mga magsasaka doon dahil sa oversupply ng gulay.
00:37Isa pa Emil, sa iniinda talaga ng mga magsasaka doon, wala nang mabiling diesel sa kanilang bayan na ginagamit pa
00:44naman nila sa pagdidilig at iba pang aspeto ng farming.
00:53Hindi makaani ng pananim na repolyo si El Mochuga sa Pauay Atok Benguet.
00:59Nanganib na itong mabulok na lang at maging pataba.
01:02Naghihintay kasi sila sa magandang presyo, lalot nung huling linggo ng Marso, wala silang kinita sa inihatid na ani sa
01:08bagsakan sa La Trinidad.
01:10Naipasa lang nila ito sa 4 to 8 pesos per kilo.
01:13Pero sa 15 pesos per kilo lang tatabla ang gastos nila sa pagtatanim, pag-ani at biyahe.
01:19Ganito po yung itsura nung nabubulok na repolyo sa isang farm dito sa Atok Benguet.
01:25At nakakalungkot na maaring ganito na rin yung sapitin nung napakaraming mga repolyo dito sa ating paligid.
01:32Tumigil na po sa pag-harvest ng kanilang mga pananim, yung mga magsasaka dito dahil kapag binala daw po nila
01:39sa trading post doon sa La Trinidad,
01:42eh wala rin kita na bumabalik dahil sa mataas na gastusin nila sa krudo at iba pang mga expenses na
01:50kaakibat ng kanilang pagsasaka.
01:52Wala na. Pag inani pa namin yan, kami din din napagod na nag-ani. Wala namang kahit kunti man lang
02:01na papunta sa amin.
02:04Tila pagpapagod lang daw ang pag-ani at paghatid sa trading post kung wala rin kikitain ngayong triple na ang
02:11presyo ng krudo.
02:12Pakiramdam nila, mas mataas pa ang benta nila ng gulay noong pandemia at maraming namamakyaw noon na pang-ayuda na
02:19gulay sa iba't ibang lugar.
02:21Masakit man sa pakiramdam na wala man lang makuhang kahit kunti para gagamitin ng mga pamilya, eh ganun na. Magtanim
02:35ulit kung talagang wala.
02:37Sa Halsema Highway sa Atok, nakilala ko si Lincoln Elias. Nalugi rin sa pagdadala ng repolyo sa trading post noong
02:45huling linggo ng Marso.
02:46Pero nag-ani pa rin siya ng repolyo sa pag-asang makapagsalyapa ng 15 to 20 pesos per kilo. Suntok
02:53man sa buwan, maiginarawang sumubok.
02:56Para hindi masira sa kalamanan, ibinta mo lang para may pagbili ka ng bigas lang.
03:06Ang 4th generation farmer na si PJ Heights, hindi mapaani ang nasa 5,000 kilo ng pechay dahil sa ibabayad
03:13pa lang sa mag-harvest, tracking, diesel at magpoproseso ng gulay sa trading post, lugi na raw siya agad.
03:20Sa S4, ay parang namigay ka na lang.
03:28Ano kung mangyayari dyan? Nabubulok na rin yan dyan?
03:32Nabubulok na talaga. Kasi hindi mo naman makonsume yan. Ang dami.
03:37Pero isa sa malaking problema ng maraming magsasaka rito at ibang bayan ng Benguet, wala nang nabibiling diesel.
03:44Sold out na mula March 21 pa ang diesel at gasolina sa dalawang gas station sa bayan nila.
03:50Sa umiinit na panahon, kailangan pa naman ng regular na pagdidilig na ginagamitan ng makinang de-diesel.
03:56Lalo silang naiipit sa lumulobong gaso sa diesel na kailangan pang bilhin sa La Trinidad o Baguio City kung saan
04:03limitado ang pwede nilang kunin.
04:05Mahirap daw kumuha. Tapos yung nakausap po kanina na may-ari, pupunta ka dun, ibibigay na prisyo daw sa kanila,
04:18yung prisyo na may patong na pang next week.
04:23Kaya nag-surrender.
04:25Kinukuha pa natin ang panig ng Department of Energy ukol sa kawalan ng krudo sa atok.
04:30Sinisikap na rin natin makuhang panig ng Department of Agriculture.
04:33Pero una nang sinabi ng DA, kailangan ng cold storage facility para sa oversupply at hindi mabenta ang gulay.
04:44Emil, yung katabing syudad nitong Benguet ang Baguio City, nagdeklara na ng state of calamity
04:49para nga matugunan ang pangailangan ng vulnerable sector dun sa kanilang lungsod ngayong nasa National Energy Emergency ang bansa.
04:56Dito naman sa Benguet, Emil, tiniyak ni Governor Melchor de Clas na kinakausap nila ang lahat ng labing tatlong LGU
05:04ng Benguet
05:04para yung hindi maabot ng tulong ng mga munisipyo, ang kapitolyo raw ang tutugon sa kanilang pangailangan.
05:10Yan ang latest mula rito sa La Trinidad Benguet. Balik sa'yo, Emil.
05:14Maraming salamat, Ian Cruz.
05:18Maraming salamat, Ian Cruz.
Comments

Recommended