Skip to playerSkip to main content
Sa mga mamimili na ng pang regalo sa mga bata, iwasan muna ang isang nauso pero pina-recall na laruan sa Amerika at UK.


Iyan ang squishy na ayon sa isang grupo ay posibleng delikado.


May babala rin ang Food and Drug Administration. #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa mga mamimili na ng pangregalo sa mga bata, iwasan muna yung isang nauso pero pinarecall na laruan sa Amerika
00:08at sa UK.
00:10Yan ang squishy na ayon sa isang grupo ay posibleng delikado.
00:15May babala rin ang Food and Drug Administration. Nakatutok si Dano Tingkungko.
00:23May iba't ibang hugis, kulay at texture. Yan ang patok na patok ngayong laruan na kung tawagin ay squishy.
00:32Mapabata o matanda, enjoy sa paglalaro nito.
00:35Pero may babala ang Food and Drug Administration sa publiko lalo ngayong magpapasko at marami ang mamimili ng pangregalo.
00:42Kabilang sa tinukoy ng FDA na wag bilhin at gamitin ang squishy na may pangalang Delicious Blue.
00:47Iturang dimsum ang lalagyan nito at mismong laruan.
00:52Ayon sa FDA, hindi ito otorizado at walang Certificate of Public Notification para payagang maibenta sa merkado.
00:59Hindi rin daw ito dumaan sa tamang pagsusuri at proseso kaya posibleng naglalaman ng mga kemikal na pwedeng magdulot ng
01:06endocrine disruption o kaya'y reproductive or development effect.
01:10Maari rin makaaksidente ang maliliit na parte nito.
01:14Pinuri ng grupong Ban Toxics ang advisory ng FDA pero bukod sa Delicious Blue, may iba pang squishy na hindi
01:20ligtas.
01:22Dati nang nagbabala ang grupo sa paglipanan ng naturang laruan dahil sa posibilidad na naglalaman nito ng kemikal na benzine
01:29na lubhang delikado sa mga bata.
01:31Sa Amerika at United Kingdom nga raw, nagkaroon na ng product recall sa mga squishy dahil sa benzine na irritant
01:37sa mata, ilong, lalamunan at digestive tract.
01:40Lumalabas din sa pag-aaral ng World Health Organization na maaaring magdulot ng epekto sa dugo at kanser ang benzine.
01:47Kaya bukod sa public advisory, panawagan ng grupo sa mga otoridad.
01:50Hinihikayat ang mga local government at iba pang mga regulatory agencies to act para kumpiskahin o alisin sa mga pamilihan
02:01itong squishy.
02:03Ang kailangan kasi natin madetermine dito ay alin dito yung mga sinasabing otorizado.
02:09Dito kasi sa mga nasuri ng ating FDA ay mga unauthorized ito.
02:14So yun yung kailangan madetermine eh.
02:16Sino ba rito? Sino ba sa mga iba't ibang klase ng squishy toys na mabibili natin o makikita natin sa
02:24ating pamilihan ang registered at notified ng ating regulatory agencies?
02:30Kung walang kompletong product info, walang maayos na information, huwag nang bilhin.
02:36Payo pa ng FDA maging mapanuri sa pagpili ng bibilhing laruan lalo para sa mga bata.
02:41Tingnan natin talaga yung packaging, yung label. Tingnan natin kung nagko-comply ito dun sa regulatory standards na manufacturer's name,
02:50address nito, ingredients as much as possible ay dapat nakalagayan sa pakete.
02:56Ihanapin natin yung license to operate number. Ito ay ibinibigay ng FDA doon sa mga registered and notified na mga
03:05produkto katulad nitong mga laruan.
03:07Kung may amoy ito, kakaiba man or sweet, kung medyo matamis, iwasan po natin dahil yun po yung karakteristik ng
03:15chemical na ito.
03:16Pwedeng tingnan sa FDA website na fda.gov.ph ang iba pang tips para masigurong ligtas ang squishy na bibilhin.
03:23Pag may nakitang kahinahinalang squishy o ibang laruan, pwede itong idulog sa isumbong ng gobyerno.
03:30Dano Tingkung, nakatutok 24 oras.

Recommended