00:00Kasabay naman ng pagunitan ng Araw ng Kagitingan, LRT-2 at MRT-3 may handog na libreng sakay ngayong araw.
00:08Si Elijah Canlas sa Sentro ng Balita.
00:13Sa gitna ng hamon sa mataas na gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay,
00:18sinisikap ng pamahalaan na maghatid ng agarang ginhawa para sa mga Pilipinong commuter ngayong Araw ng Kagitingan.
00:25Naabutan naming papasok sa trabaho si Ella, isang call center agent sa Ortigas.
00:30Hindi lamang aniya pamasahe ang kanyang natipid sa araw na ito, may pandagdag pa siya sa kanyang baon.
00:36For me, sobrang mahalaga siya kasi yung pamasahe for today, pangdagdag na lang pangkain, thank you din kay Pangulo.
00:47Hindi lamang mga manggagawa ang makikinabang sa naturang inisyatiba, kundi maging ang mga pamilyang may mahalagan lakad o okasyon ngayong
00:56araw.
00:57Gaya na lamang ng inang si Christine Joy Nestor, kasama ang kanyang mga anak na maagang babiyahe para makahabol sa
01:03isang mahalagang okasyon.
01:04Pupunta po kami sa Bulacan po, pagdating po ng graduation ng panganay ko po.
01:12Sobrang laking tulong po yung libring sakay sa tulad sa atin ngayon na sobrang mahal ng pamasahe, sobrang mahal ng
01:20lahat-lahat po.
01:21So malaking katipiran na po sa atin, especially po sa tulad po na may mga anak, may pinapaaral, ipamasahe na
01:31lang po, ibibigay na lang po na dagdag allowance po kapag may pasokan.
01:37Bahagi ito ng malawakang servisyo ng pamahalaan upang tiyakin ang mga subsidy at pondo ng bayan ay direktang nararamdaman ng
01:44mga pangkaraniwang mamamayan.
01:47Mula sa MRT Line 3 hanggang sa LRT Line 2, libo-libong pasahero ang inaasahang makakatipid ng kanilang gastusin sa
01:54transportasyon sa pagitan ng alas 7 hanggang alas 9 ng umaga at alas 5 ng hapon hanggang alas 7 ng
02:01gabi.
02:01Para sa mga padre de familia na gaya ni Edong, ang bawat piso ang natitipid mula sa libreng servisyong ito
02:07ay malaking ambag na sa pang-araw-araw na budget ng kanilang pamilya.
02:11Ako, napakalakang bagay sa amin yun ng mga commuters, no? So libre siya ngayon from 7 to 9 AM, then
02:195 PM to 7 PM. So malaking tipid yun. Salamat sa nag-organize.
02:25Ipinahiyag ng pangasiwaan ng MRT 3 at LRTA na bagaman dinadagsa ng maraming tao ang estasyon, nananatiling maayos at ligtas
02:34ang daloy ng mga pasahero sa tulong ng mga security personnel na nakahanda sa anumang aberya.
02:39Bilang pagpapalawig naman sa pagkilala sa mga veteranong bayani, binigyang diin ng Light Rail Transit Authority o LRTA na magpapatuloy
02:48ang libreng sakay para sa kanila sa buong linggo ng Philippine Veterans Week.
02:52Mula April 5 hanggang April 11, maaaring sumakay ng libre sa LRT Line 2 ang mga veteranong bayani.
03:00Bukas ito buong araw at maaaring magsama ng isang personal companion.
03:05Kinakailangan lamang magpakita ng valid ID mula sa Philippine Veterans Affairs Office o PIVAW sa mga security personnel ng estasyon.
03:13Tiniyak ng DOTR na ipagpapatuloy ang mga ganitong uri ng programa upang patuloy na maipadama ang malasakit at tugon ng
03:20administrasyon sa daing ng mga commuters sa Metro Manila.
03:24Sa panahon ngayon na pinagkakasya ni Juan ang bawat piso, laking tulong at kaginhawahan ng libreng sakay ng DOTR para
03:31sa sambayan ng Pilipino.
03:32Ito ang agarang tugon ng kagawaran upang matugunan ang araw-araw na pasani ng mga commuters sa kabila ng paglalatag
03:40ng mga solusyon para sa mas maayos ang sistema ng transportasyon.
03:45Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong, Pilipinas.
Comments