00:00Isang Food Security Task Force ang binuon ng Department of Agriculture
00:04upang tutukan ang naging epekto ng taas presyo ng langis
00:08sa supply at presyo ng mga agricultural products sa bansa.
00:12Si Carlo Luis Candelaria sa Sentro ng Balita.
00:18Tumulay na sa sektor ng agrikultura ang epekto ng energy emergency
00:22bunsod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa geopolitical tension sa gitnang silangan.
00:27Upang bantayan ang mga ito, itinatag ng Department of Agriculture ang Food Security Task Force.
00:33Layo ng task force, nabantayan ang supply at presyo ng mga pangunahing agricultural products,
00:38magkaroon ng mas sistematikong monitoring system,
00:41araw-araw na situational briefing sa Malacanang at Kongreso,
00:44subaybaya ng mga disruption sa global shipping,
00:47mag-consolidate ng mga datos, makipag-ugnayan sa financial institutions
00:51at magbukas ng mga alternatibong merkado para sa mga export products ng bansa.
00:56Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr.,
00:59apektado na rin ng sigalot sa Middle East ang mga exporter
01:02at mga pangunahing agri-exports ng bansa gaya ng saging at piña.
01:06Makikipag-ugnayan ang ahensya sa land bank at iba pang mga banko upang matulungan ang mga exporter.
01:12Tutuklasin din ang ilang mga posibling alternatibong merkado tulad ng Africa, Australia, Europe at Southeast Asia.
01:19Titiyaki ng Food Security Task Force na may sapat na impormasyon ang pamahalaan
01:23upang matugunan ang epekto ng krisis at maprotektahan ang mga mamimili at producers.
01:28Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments