00:00Isang Food Security Task Force ang binoon ng Department of Agriculture
00:03upang tutukan ang naging epekto ng taas presyo ng langis
00:07sa supply at presyo ng mga agricultural products sa bansa.
00:11Yan ang report ni Carlo Luis Candelaria.
00:17Tumulay na sa sektor ng agrikultura ang epekto ng energy emergency
00:21bunsod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa geopolitical tension sa gitnang silangan.
00:26Upang bantayan ang mga ito, itinatag ng Department of Agriculture ang Food Security Task Force.
00:32Layo ng task force, nabantayan ang supply at presyo ng mga pangunahing agricultural products,
00:37magkaroon ng mas sistematikong monitoring system,
00:40araw-araw na situational briefing sa Malacanang at Kongreso,
00:43subaybaya ng mga disruption sa global shipping,
00:46mag-consolidate ng mga datos, makipag-ugnayan sa financial institutions,
00:50at magbukas ng mga alternatibong merkado para sa mga export products ng bansa.
00:54Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr.,
00:58apektado na rin ng sigalot sa Middle East ang mga exporter at mga pangunahing agri-exports ng bansa
01:03gaya ng saging at piña.
01:05Makikipag-ugnayan ang ahensya sa land bank at iba pang mga banko upang matulungan ang mga exporter.
01:10Tutuklasin din ang ilang mga posibleng alternatibong merkado tulad ng Africa, Australia, Europe at Southeast Asia.
01:17Titiyakin ng Food Security Task Force na may sapat na impormasyon ang pamahalaan
01:22upang matugunan ang epekto ng krisis at maprotektahan ang mga mamimili at producers.
01:27Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments