00:00Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado,
00:04ilang mamimili ang may iba't ibang diskarte sa pagtitipid.
00:08Fuel assistance para sa sektor ng agrikultura
00:11sisimula ng ipamahagi ng Agriculture Department.
00:15Si Gab Villegas sa Sentro ng Balita.
00:19Maagap na nagtungo si Edith sa Mega Q Mart
00:22para mamili ng mga sangkap na kanyang iluluto para sa kanyang kantin.
00:26Apat na klase ng putahe ang kanyang iluluto ngayong araw
00:29kung saan naabot sa 300 pesos ang kanyang budget para mamili ng isda.
00:33Ayon sa kanya, tumaas na rin ang presyo ng kanyang mga pinamimili.
00:37Para mapanatili ang presyo ng mga panindan niyang ulam,
00:40mayroong diskarte si Edith para rito.
00:42Bawasan yung takal para hindi ka masyadong magtaas.
00:46Ang security guard naman na si Brian,
00:48kalimitan na umaabot ng 50 hanggang 60 pesos kada kilo
00:52ang kanyang binibili na bigas.
00:54Kanina ay first time niyang mamili ng murang imported rice
00:57mula sa Food Terminal Incorporated sa halagang 48 pesos kada kilo.
01:02Dahil tumataas na rin ang presyo ng mga bilihin,
01:05napapahigpit na lamang din si Brian para mapagkasya ang kanyang sweldo.
01:09Marunong ka talagang magtititir kasi pag hindi ka talagang marunong,
01:12alay eh,
01:15hubos ka agad.
01:15Ang presyo kasi ngayon na well-milled rice na ibinibenta ng mga rice retailer sa Mega Q Mart
01:21mula sa mga dealer,
01:22naglalaro sa 50 hanggang 52 pesos kada kilo.
01:2558 pesos kada kilo naman ang presyo ng premium rice,
01:28habang naglalaro sa 55 hanggang 60 pesos kada kilo ang special rice.
01:33Ang presyo naman ng tilapia,
01:35nasa 140 pesos ang presyo kada kilo.
01:37Ang galunggong naman ay naglalaro ang presyo
01:39mula 220 hanggang 240 pesos ang kada kilo,
01:44habang 245 pesos naman ang kada kilo ng bangus.
01:47Dahil sa patuloy na pagsipan ang presyo ng produktong petrolyo,
01:51dulot ng nagpapatuloy na kaguluhan sa gitna silangan,
01:54magsisimula ng mamahagi ang Department of Agriculture
01:57ng 5,000 pisong fuel assistance
01:59para sa halos 10,000 magsasaka.
02:02Layunin ang pamimigay ng fuel assistance na maibsan
02:05ang tumataas na gasto sa krudo
02:07na direktong nagpapataas sa production at transportation cost
02:10sa sektor ng agrikultura.
02:12May nakalaan na 50 milyong piso ang DA para sa programa.
02:16Gayunman, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tulaurel Jr.
02:20na nananatiling targeted ang makatatanggap ng tulong mula sa ahensya.
02:24Inilabas ang pondo matapos lumampas na ang bentahan
02:27ng kada bariles ng krudo
02:28sa halagang 80 US Dollars sa pandaigdigang merkado.
02:32Nakikita ng DA na panandali ang ginahawa lamang ang nasabing pondo
02:36dahil maliit lamang ito
02:37kumpara sa lawak ng epekto sa agriculture sector
02:40ng pabago-bagong presyo ng krudo.
02:42Ayon pa sa kagawaran,
02:44malaking bahagi ng ginagastos
02:46ng mga magsasaka para sa gastusin sa pagtatanim at pag-aani
02:49ay napupunta sa diesel.
02:50Samantala, patuloy na rin ipinamamahagi
02:53ang hiwalay na fuel subsidy para sa mga mangingisda.
02:56Kinilala rin ang kalihim
02:58ang mga limitasyon ng tulong pinansyal
02:59at sinabing patuloy na nagahanap
03:01ang pamahalaan ng karagtagang pondo.
03:03Gab Humilde Villegas
03:05para sa Pambansang TV
03:06sa Bagong Pilipinas.
Comments