Skip to playerSkip to main content
  • 11 minutes ago
State of national energy emergency, iiral sa bansa ng isang taon; 'Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport' o 'UPLIFT', ipatutupad | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, inaasahang iigting pa ang pagtugon ng gobyerno sa epekto sa bansa ng krisis sa
00:08Middle East.
00:09Ito'y sa harap ng pagdeteklaran ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. ng National Energy Emergency.
00:15Ang maging aksyon ng pamahalaan at ang halaga nito sa kasalukuyang sitwasyon ng bayan, alamin natin sa sentro ng balita
00:23ni Kenneth Paschente.
00:27Sa visa ng Executive Order No. 110, idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. ang State of National Energy Emergency.
00:35Sa harap ito, nang nagpapatuloy na tensyon sa Middle East na nagbabanta sa supply at presyo ng langis sa pandaigdigang
00:42merkado.
00:43Kabilang na rin ang mga pagsasara sa mga kritikal na ruta ng langis tulad ng Strait of Hormuz na nagdudulot
00:48ng pagkaantala sa daluyan ng petrolyo sa buong mundo.
00:51Ayon sa kautusan, may rektang epekto ito sa bansa na posibleng magdulot ng kakulangan sa enerhiya.
00:58Lalot bilang isang net importer ng langis, nananatiling umaasa ang Pilipinas sa supply mula sa ibang bansa, kaya't mas apektado
01:06sa pagtaas ng presyo at kakulangan ng supply.
01:09Dahil dito, ipinatutupad ang mga agarang hakbang upang matayak ang katatagan at sapat na supply ng enerhiya sa buong bansa.
01:16Kabilang na riyan ang pagbuo ng UPLIFT o Unified Package for Livelihoods Industry Food and Transport Program.
01:23Isang whole of government response para panatilihin ang tuloy-tuloy na serbisyo at protektahan ng mga mamamayan.
01:30Pangungunahan ng Pangulo ang UPLIFT Committee kasama ang mga pangunahing kalihim ng gobyerno upang mga siwa sa implementasyon ng mga
01:37pulisiya.
01:37Kabilang sa mga tungkulin nito, ang pagtiyak sa tuloy-tuloy na supply ng langis, pagkain, gamot at iba pang pangunahing
01:45pangangailangan.
01:47Pagpapanatili ng operasyon ng transportasyon, mga ospital, utilities at iba pang kritikal na serbisyo.
01:53Pangalagaan ng katatagan ng ekonomiya habang pinoprotektahan ang vulnerable sector laban sa epekto at matitinding pagkaantala na tulot ng patuloy
02:03na krisis sa Middle East.
02:04Pagtiyak sa agaran, episyente at walang sagabal na paghahatid ng mga serbisyong pangpubliko, kapilang ang pagpapabilis at pagpapasimple ng lahat
02:13ng proseso.
02:14Gayun din ang pagbuo ng mga pangmatagalang solusyon at estrategiya sa demand upang mapababa ang konsumo ng mga produktong petrolyo
02:21sa mga kabahayan, maging sa commercial, industrial at public utility sectors.
02:26Sa ilalim ng EO, inatasan ang Department of Energy na manguna sa pagpapatupad ng mga energy supply management measures,
02:34kabilang ang pag-optimize ng supply, load adjustments at mahigpit na energy management,
02:40bilang bahagi ng hakbang upang mapanatili ang katatagan at sapat na supply ng enerhiya sa bansa.
02:45Mahigpit ding pinababantayan sa ahensya ang pag-aksyon laban sa hoarding, pananamantala at manipulasyon sa supply ng langis.
02:53Pahihintulutan din ang agarang pag-aangkat o procurement ng langis at iba pang energy supply kasama ang pagbibigay ng advance
03:00payments upang masiguro ang sapat na inventaryo.
03:03Ipatutupad din ang mga regulatory measures sa electricity market, kabilang ang posibleng suspensyon ng wholesale electricity spot market kung kinakailangan.
03:12Iniutos din ang pagpapabilis ng mga permits at approvals para sa mga bagong mapagkukunan ng enerhiya upang madagdaga ng power
03:19supply sa bansa.
03:20Inatasan naman ang mga kagawaran, ahensya at tanggapan ng pamahalaan na ipatupad ang kailangang hakbang upang maibsa ng epekto ng
03:27patuloy na krisis sa Middle East,
03:29alinsunod sa kanilang mga mandato.
03:31Ang DOTR ang naatasan para suportahan ang public transport sektor sa pamamagitan ng pagbibigay ng fuel subsidy.
03:38Pagpapatupad ng libreng sakay, ganyan din ang pagtiyak na mababawasan ang transport cost sa mga pampublikong sasakyan.
03:45Inatasan ng DSWD na pabilisin ng paglalabas ng tulong at magbigay ng suportang pangkabuhayan sa mga apektadong sektor,
03:52kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, mangingisda at iba pang vulnerable group.
03:57Pagbabantay at pagkontrol sa labis sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ang TOCA sa DTI
04:03at pagpapatupad ng mga programa para suportahan ang mga negosyo.
04:07Dapat namang matiyak ng DA ang sapat na supply ng pagkain at mga agricultural inputs sa abot kayang presyo
04:14at magpatupad ng mga hakbang at programa upang suportahan ang mga magsasaka at mangingisda.
04:19TOCA sa DMW, ang matiyak ang kaligtasan at agarang pag-uwi ng mga OFW yung apektado ng krisis
04:25at magbigay ng tulong pinansyal at suporta sa kanilang muling pagbangon at pagtatrabaho.
04:30Inatasan ang Department of Finance, DBM at DEV-DEV na bantayan ang epekto ng krisis sa ekonomiya
04:36at tiyakin ang sapat na pondo para sa mga programa.
04:40Habang ang PNP ay inatasan para siguruhin ang kaayusan at siguridad sa buong bansa
04:45habang ipinatutupad ang mga hakbang ng pamahalaan.
04:48Inatasan din ang mga lokal na pamahalaang makipagtulungan at magpatupad ng mga hakbang
04:52upang matiyak ang sufficiency ng energy supply sa kanilang nasasakupan.
04:56Habang hinihikayat naman ang mga pribadong sektor na makipag-ugnayan sa pamahalaan
05:01at magpatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya at pagpapatatag ng operasyon.
05:06Mananatiling epektibo ang deklarasyong ito sa loob ng isang taon,
05:10depende kung palalawigin o babawiin ng Pangulo.
05:14Kenneth Pasyente
05:15Para sa Pambansang TV
05:17Sa Bagong Pilipinas
05:22Augnay niyan, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
05:26na pinag-aaralan ng Pilipinas ang posibilidad
05:28na makakuha ng supply ng langis mula sa Russia
05:31na hindi tradisyonal na trading partner ng bansa.
05:35Sa isang interview sa Bloomberg, sinabi ng Pangulo na patuloy na tinutupad
05:39ng mga kasalukuyang partner ng Pilipinas ang kanilang mga kontrata.
05:44Sa kasalukuyang, kumukuha ang Pilipinas ng pataba mula sa Indonesia at China,
05:49refined fuel mula sa Japan at South Korea,
05:52at langis mula sa Malaysia.
Comments

Recommended