00:00Sa ibang balita, dating Pangulong Rodrigo Duterte, isa sa ilalim na sa paglilitis ng International Criminal Court,
00:08matapos kumpirmahin ang mga kaso laban sa kanya.
00:11Si R.R. Tubice sa sentro ng balita.
00:17Kinumpirma na ng International Criminal Court, Pre-Trial Chamber 1,
00:21ang mga kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa umano'y crimes against humanity,
00:27kaugnay ng war on drugs ng dating administrasyon.
00:30Ayon sa desisyon ng ICC, may substantial grounds o sapat na ebidensya upang ituloy ang kaso sa full trial stage.
00:37Paliwanag ng Korte, ang confirmation of charges ay hindi pahatol,
00:42kundi isang legal na proseso pa lamang upang salain kung may matibay na basihan ang mga paratang,
00:48at para matiyak na hindi base sa haka-haka lamang ang pag-usad ng kaso.
00:53Pre-Trial Chamber 1 concluded that there are substantial grounds to believe
00:57that Mr. Duterte is responsible for the crimes against humanity of murder and attempted murder.
01:04These crimes were allegedly committed as part of a widespread and systematic attack
01:09against the civilian population on the territory of the Republic of the Philippines.
01:15Ayon sa desisyon, nangyari ang sistematikong krimen mula noong 2011 noong mayor pa lamang ng Davao City,
01:21si Duterte, hanggang 2019 noong siya ay maupo bilang Pangulo.
01:25Ayon pa sa prosecution, ang mga insidente ng pagpatay ay hindi isolated cases,
01:30kundi bahagi ng mas malawak na pattern na may kaugnayan sa anti-drug operations.
01:36Tinalakay rin sa desisyon ang mga posibleng pananagutan ni Duterte
01:39kabilang ang pagiging indirect co-perpetrator o bahagi ng isang common plan na nagresulta sa mga pagpatay.
01:46Kasama rin dito ang posibilidad na siya ay nag-utos, nag-udyok o tumulong sa pagpapatupad ng mga krimen
01:52batay sa iba't ibang mode of liability na pinag-aaralan ng korte.
01:57Nauna nang kinumpirma ng ICC Appeals Chamber na may horisdiksyon ang korte sa kaso
02:02dahil ang umano'y mga krimen ay naganap habang miyembro pa ang bansa ng Rome Statute.
02:07Ang desisyon ito ng ICC, nagsisilbing go signal para sa isang ganap na paglilitis.
02:14Mananatiling nasa kustodya ng ICC si Duterte habang inaabangan ang formal na pag-umpisa ng trial sa Dahig.
02:20RR Tubise para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments