Skip to playerSkip to main content
Sinusuportahan ng Israel ang pansamantalang ceasefire sa pagitan ng Amerika at Iran, pero hindi raw nito sinasama ang Lebanon.


Kaya ang Pilipinong naiipit sa gulo roon, hinihikayat na umuwi at sumama sa mga repatriation.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinusuportahan ng Israel ang pansamantalang ceasefire sa pagitan ng Amerika at Iran, pero hindi raw nito sinasama ang Lebanon.
00:09Kaya ang Pilipinong naiipit sa gulo roon, hiniikayat na umuwi at sumama sa mga repatriation.
00:18Nakatutok si JP Soriano.
00:23Sa kuha kahapon ng OFW sa Lebanon na si Glenda, kita ang makapal na usok sa isang bahagi ng Beirut
00:29sa Lebanon.
00:30Ganito raw ang sitwasyon itong mga nakaraang araw.
00:33Hindi pa rin po sila tumitigil. Tapos po everyday po yung drone sa taas, laging ikot ng ikot, hindi kami
00:41makatulog.
00:43Nagpapasabog pa rin po sila. Ganon pa rin po ang sitwasyon. Hindi pa rin po matahimik.
00:48Isa si Glenda sa tinatayang 14,000 Pilipino sa Lebanon.
00:53Bagamat sinusuportahan ng bansang Israel ang dalawang linggong ceasefire sa pagitan ng Amerika at Iran,
00:59sinabi ng tanggapan ng Israeli Prime Minister na hindi nito isinasama ang Lebanon.
01:05Nagsimula ang pag-atake ng Israel sa Lebanon nang paulanan sila ng rockets ng Hezbollah bilang pakikiisa sa Iran.
01:12May pangamba pa rin kami, nervyos ganon dahil siyempre hindi nga kasali dito.
01:17So, lagi naman kaming nagpe-pray. Sana naman po, maano po yung magbago yung isip ng taga-Israel.
01:26Sana po makasama kami para maging matahimik na rin po dito.
01:31Lagi kami po yat, hirap pa sa trabaho. Puyat pa kami lagi.
01:35Dahil po sa mga naririnig namin, nag-iingat din po kami.
01:40Kaya nananatili pa rin ang alert level 3 ng gobyerno ng Pilipinas para sa Lebanon
01:45at hinihikayat pa rin ang tinatayang 14,000 mga Pilipino doon na umuwi na at sumama sa mga repatriation.
01:53Ayon sa Department of Migrant Workers, hindi bababa sa walong chartered flights pa
01:57ang nakaschedule na sumundo sa mga Pilipinong apektado ng gulo sa iba't ibang bahagi ng Middle East.
02:04Pero bilyon-bilyong piso ang kailangan kung iuuwi ang lahat ng tinatayang 400,000 OFWs na direktang apektado ng gulo.
02:13So all told, it's around 7.3 billion, Mr. Chair, 5 billion for financial assistance,
02:201 billion for the chartering and other commercial flights,
02:24and the rest would be costing with respect to food and transport and medical assistance.
02:31Paalala ni DMW Secretary Hans Kaktak sa mga Pilipinos sa Middle East,
02:36makinig at sundin ang mga alituntunin ng mga host countries dahil sila ang may kontrol sa kanika nilang teritoryo.
02:44Kaya't makinig at merong mga ilang inanunsyo ng mga curfews,
02:50merong mga inanunsyo ng advisories,
02:52ang ilang host governments o sa Monsari, all across the Gulf.
02:55Kaya't patuloy lang ang ating magbamanman ng sitwasyon sa larangan na ito.
02:59JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended