Skip to playerSkip to main content
Hindi rin sinanto ng mga pagbaha ang mga subdivsiion sa ilang mabababang lugar sa Rizal Province.


Ang ilang na-rescue, isinakay ng truck habang ang ilang residente, nag-watercraft.  


Nagdeklara na rin ng State of Calamity sa Montalban, Rizal.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, hindi rin sinanto ng pagbaha ang mga subdivision sa ilang mabababang lugar sa Rizal Province.
00:06Ang ilang na-rescue isinakay ng truck habang ang ibang residente nag-watercraft.
00:11Nag-deklara na rin ang state of calamity sa Rodriguez o Montalban Rizal.
00:16Narito ang aking pagtutok.
00:23Humahagupit ang hangin at bumubuhos ang malakas na ulan.
00:26Nang isagawa ng Philippine Red Cross ang rescue operation kaninang madaling araw sa Rodriguez Rizal.
00:34Lagpas bewang ang level ng tubig.
00:37Pakay ng rescue operation.
00:38Ang anim katao na umuuko pa sa bahay na ito na pinasok na rin ng baka.
00:44Mahirap man ang sitwasyon.
00:45Tagumpay na nailabas ng bahay ang mga residente.
00:48Naisakay sa rescue boat at naihatid sa evacuation center.
00:54Hanggang kaninang umaga, baha pa rin sa barangay Burgos sa Rodriguez.
00:58Umapaw kasi ang ilog na nagdulot ng abot dibdib na baha.
01:01Kahapon po, nag-start na tumaas po yung tubig sa amin.
01:06Kagabi po, mga bandang 11pm, umikot po ako eh.
01:10Bumababa na po yung tubig.
01:12Tapos, nung kaninang umaga, mga 6 or 5,
01:17umaangat na po ulit kasi lumakas po ulit yung ulan nitong mga madaling araw eh.
01:22Pagtaas na naman po, kaya ngayon, lumaki na naman po yung ilog.
01:26Ayon sa barangay, bumarang troso at basura ang sanhinang pagtaas ng tubig
01:31na kalaunay sinimulang alisin gamit ang backhoe.
01:36Sa bayan naman ng San Mateo,
01:38naipit sa dulo ng kalsada ang mga residente kahapon
01:42nang tumaas ang baha sa mababang bahagi ng kanilang daraanan.
01:46Kinaumagahan, tumambad ang lawak ng baka dahilan para hindi madaanan ang maraming kalsada.
01:52At bago magtanghali, hanggang tuhod pa ang baka gaya sa barangay Malanday.
02:01Bagaman humina ang ulan pagkutok ng liwanan,
02:04nanatiling lubog pa rin sa tubig ang ilang bahagi ng Rizal.
02:09Gaya na lamang sa Felix Avenue sa Kayinta kaninang umaga,
02:13kung kaya't nagdulot ito ng pagbagal sa usad ng trapiko,
02:16pero mas malala, malapit sa Marcos Highway sa Antipolo.
02:21Gaya sa Kingsville, na hindi na nakakaraan ng mga kotse o motorsiklo sa looban,
02:26ang isa sa mga residente, gumamit ng personal watercraft
02:30o kilala sa tawag na jet ski o wave runner
02:33para maasikaso ang mga dapat niyang gawin.
02:38Pero ang karamihan, walang magawa kundi ang lumusong sa baka
02:42para lumabas at makapamili ng mga kinakailangan.
02:46Dagdag gastos pa rin kasi kung magbabangka o magpe-pedicab.
03:04Pati mga delivery rider dumarain.
03:24Pero ang tinderang si Baby, geared up na sa epekto ng habagat.
03:29Salayan na po.
03:31Hindi naman ako gano'n nahirapan kasi may ganito naman eh.
03:34May suot naman pong ganito.
03:35Ang Village East, Vista Verde at iba pang nga sa Felix Avenue sa Kainta,
03:41pinadalhan ang munisipyo ng mga rescue truck para makalabas-pasok ang mga stranded sa subdivision.
03:47Sumusundu po ang ating mga kasama.
03:51May NDR mo naman, kababayan nating stranded dito sa subdivision.
03:54Sa Elfid, padulas o yan.
03:56So, yung nang hindi makalabas.
03:58Yung payon na lang o, yung payon.
04:00Yung payon.
04:01Yung nang hindi makalabas, yung mga kababayan natin, sinusundu po at sinasakay.
04:05Kapito ko yun.
04:07Ganito ko kahirap yung sitwasyon ng ating mga kababayan dito.
04:10Matasuo yung tubig dito sa area.
04:13Karamihan sa mga lubog pa rin, mga bahay na nasa tabi ng estero at umapaw na waterways.
04:18Ang mga senior citizen na sina Rudy at Marilyn iniwan ang kotse at umangkas sa rescue truck.
04:25Huwag lang sumablay sa doctor's appointment.
04:28Itong ino na binabaan.
04:29Opo, hindi na kukita yung bakit. Alam mo, nasa tubig.
04:33Kagabi ko, mas mataas ko ba?
04:37Saan ko kayo pupuntanin, ma'am, ngayon?
04:40Papapacheka po kayo.
04:41Ang 15-anyos namang si Joshua.
04:44Lakas loob na lumabas ng bahay para asikasuhin ang pangangailangan nilang pamilya.
04:48Wala na po kami ng mga basic goods and then sasilipin ko na rin po yun.
04:52Sakyin namin, naipart po namin sa talo.
04:54Si Mami, dati, nasa?
04:56Pareho po sila nga sa bahay po eh.
04:58Ano po, hindi na.
04:59Di ko na po sila pinaluusan po kasi baka po, mahalip, pero sasas po sila.
05:04Sana raw, gumanda na ang lagay ng panahon sa mga susunod na araw.
05:08Yung lugar namin, kami na po yung mga lungbog.
05:13Kami pa yung pinakamatagal lungbog pa yung mga disimpa.
05:16So, okay lang po eh.
05:17Brown on po.
05:18Pandang hapon, bahagyang bumuti na ang panahon sa ilang bahagi ng Rizal Province.
05:23Iba-iba ko yung sitwasyon.
05:26Meron tuyo, katulad ho nito.
05:27Wala akong tubig.
05:28Pero yung pinanggalingan namin kanina,
05:30kaya ko nung lugar na yun.
05:32Meron hong tubig, kaya kabewang, merong kapinto.
05:35Ayan naman yung mga kababayan natin.
05:40Ang pangalang Pilipino, kahit anumang problema, sila'y masiyain.
05:45Emil Sumangil, Nakatutok 24 Oras.
Comments

Recommended