00:00Dandaan ang nahuli sa Maynila sa Oplan Galugad bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga ordinansa roon.
00:05Kabilang sa kanila ang isang kusinero na kinwestiyon ang paghuli sa kanya.
00:10Nakabreak lang daw siya sa trabaho kaya nasa labas siya.
00:13May unang balita si Jomer Apresto.
00:22Nag-iyakan ng mga kabataang dinampot ng mga otoridad sa pagpapatupad ng curfew at iba pang ordinansa sa Maynila.
00:28Dadalhin sila sa tanggapan ng Manila Department of Social Welfare at doon susunduin ang kanilang magulang.
00:34Hindi pa man nakakaalis ang sasakyan, hinimatay ang isa sa kanila.
00:39Ayon sa MDSW, posibleng nahirapan huminga ang babae dahil walang sapat na ventilation sa loob ng sasakyan.
00:45Agad naman siyang dinala sa ospital para masuri ang kanyang kalagayan.
00:50Napasugod naman sa istasyon ang pulisya ang ilang kaanak na mga minorde edad tulad ng tinderang si Beth, hindi niya
00:55tunay na pangalan.
00:56Ang 12-anyos kasi niyang anak na nagtitiktok lang daw sa tapat ng barangay, isa sa mga dinampot.
01:02Problema raw nila ang pambayad sakaling matikitan ng bata dahil sa paglabag sa curfew.
01:07Sa Ermita Police Station, umabot sa mahigit dalawandaan ang nahuli dahil sa iba't ibang paglabag.
01:12Karamihan daw sa mga ito ay yung mga nakatambay pa sa labas.
01:16Pero sasalain pa raw yan ang pulisya para malaman kung sino ang mga titikitan para magbayad ng multa.
01:22Ang kusinerong si Aliastoni, kinwestiyon ang paghuli sa kanya habang nasa labas siya ng kanilang restaurant.
01:28Oras ng break time ko, so iniilawan ako na hindi ko naman alam.
01:34Nagla akong dinampot.
01:37Sana yung gawin nila, maayos naman kasi naka-uniform naman yung tao, napapahinga.
01:44Hindi naman ako pakalat-kalat eh.
01:46Wala po kaming dinadampot na walang violation.
01:48Alam po namin na kami po ay mapapahamak pag mag-violate po kami ng police operational procedure.
01:53Kaya kami po, tinitiya ko po na lahat ng mga nahuli lang dyan ay may violation po.
01:57Either city ordinance or other laws na na-violate nila.
02:01Ang isang tricycle driver, inaresto naman matapos mahulihan umano ng pinatuyong dahon ng marihuana.
02:07Inamin naman niya ang krimen at sinabing gagamitin niya sana ito bago matulog.
02:12Nasa limang puri nang nahuli sa tondo na mga lumabag din umano sa mga ordinansa.
02:16Kumpara nung unang sabak natin doon sa ating implementations ng ordinansa,
02:23maka sampung beses bumabalik yung ating mga mobile cars sa pagkahakot lamang ng mga violators.
02:28Ang senior citizen na si Mang Danilo, nahuli dahil bukod sa pag-inom ng alak sa labas ng bahay,
02:34nakasuot pa ng tinabas na uniforme ng AFP. Hindi naman siya pumalag.
02:39Salamat po na ayos na ang mga ganyan. Sabi na, sabi ko nga nga siya, mga kasama mo,
02:45ayun ang pinutupad ni Rimulya na bawal na mag-inom. Bahala po sila. Kung ikukulang nila ko, hindi.
02:53May gitlimampung individual naman ang dinala sa Moriones Police Station.
02:56Sa Quezon City naman, tatlong kabataan ang nahuli na nagiinuman sa labas ng kanilang bahay sa barangay Gulod.
03:03Umabot naman sa tatlongpung menor de edad ang dinala sa outpost dahil sa paglabag sa curfew.
03:07May lima rin sinita dahil walang suot pang itaas.
03:10Sa kamuning, labin tatlo ang natikitan dahil sa paglabag sa iba't ibang ordinansa,
03:15kabilang ang pag-inom ng alak sa pampublikong lugar at walang suot na damit pang itaas.
03:20Sinita naman ang apat na menor de edad na inabutang pagalagala sa kalsada kahit 10 oras na ng gabi.
03:26Wala silang pahayag.
03:28Ito ang unang balita.
03:30Jomer Apresto, GMA News.
Comments