00:00Sa Antipolo Rizal, patay ang isang lalaking motorcycle rider matapos sumemplang at bumanga sa isang utility van sa Sumulong Highway.
00:09Sa kuha ng CCTV, kita ang pagdausdos ng motorsiklo bago ito tumama sa utility van.
00:15Sa lakas ng impact, nagtalsikan ang ilang parte ng motorsiklo.
00:19Ang 21 taong gulang na rider naman na ipit sa unahang bahagi ng utility van.
00:23Naisugod pa sa ospital ang rider pero idineklar ang dead-on arrival.
00:27Tumanggi magbigay ng pahayag ang driver ng utility van na posibleng maharap sa reklamang reckless imprudence resulting in homicide.
00:35Patuloy pa ang investigasyon.
Comments