00:00Patay ang isang minor de edad na nakamotorsiklo na kabilang sa mga inararo ng van sa Antipolo Rizal kagabi.
00:07Arestado ang driver ng van na aminadong nakainom.
00:12Yan ang unang balita ni Bam Alegre.
00:18Nagkarambola ang apat na sasakyan sa bahagi ng Marcos Highway sa Antipolo Rizal pasado alas 6 kagabi.
00:24Kita ang mga motorsiklong nakatumba sa kalsada at may bakas ng dugo sa simento.
00:28Sa investigasyon ng pulisya, isang puting van ang nangararo ng tatlong motorsiklo.
00:33Apat ang sugatan na nagpapagaling pa sa ospital.
00:36Dead on arrival naman sa ospital ang isang rider na minor de edad.
00:39Sinisigap pang makuna ng pahayag ang pamilya na nasawing biktima.
00:43Dahil nga po sa gusto niyang tumakas, nabangga niya din po itong motorcycle na papunta namang Southville.
00:54Nagkarambola na po yun.
00:55Naisugod po sila lahat sa kabading hospital.
00:58And then napagalaman po na itong rider ng vehicle 3 na motorsiklo is dead on arrival po siya sa ospital.
01:10Siya po ay 16 years old.
01:12Ayon sa pulisya, nakainom ang driver ng puting van.
01:14Nakainom po siya, kaya po siya nagkaroon ng human error.
01:18Umamin naman ang driver na siya ay nakainom at humingi ng tawad sa mga biktima.
01:22Wala po ako maalala sir, sana bangga ako.
01:25Mga nasa lima lang sir, kaso baba lang kasi alkohol content ko sir, pero mali ko po talaga eh.
01:31Kasalanan ko po talaga, pasyensya na po talaga.
01:33Sasampahan ng driver ng reklamang reckless imprudence resulting in homicide and multiple damage to property.
01:39Ito ang unang balita mula sa Antipolo Rizal, Bam Alegre para sa GMA News.
Comments