00:00Bumilis sa 4.1% inflation rate ang bansa nitong Marso ayon po rin sa Philippine Statistics Authority.
00:06Ito ay bunso ng mataas na presyo ng langis.
00:09Gayon pa ma, nananatiling mababa pa rin ang presyo ng ilang bilihin gaya po ng pagkain dada.
00:14Yan ang ulat ni Denise Osor.
00:17Magandang balita para sa tenderang si Elsa Almenario ang pagbaba ng presyo ng kanilang benta nitong mga huling araw,
00:24lalo na nitong dumaang Semana Santa.
00:26Mas bumaba pa yung isda nung pumasok yung kira nyo.
00:31Sa iba ang tumaas hindi ito eh.
00:33Hindi sa pagkain kahit gulay mababa rin eh.
00:35Ito bumaba talaga yung isda.
00:37Bumaba sa sa init ang panahon.
00:38Pabor ito para sa mga consumer.
00:40Dahil kahit papano may aabot na sa kanilang mesa ng mga masusustansyang pagkain.
00:45Yung sa pangaraw-ngaraw, isda kung lahat ang bibili natin.
00:49Isda, baka, mahal, mahal.
00:51Kung kailangan talaga magtipid, tipid, tipid.
00:53Kung halimbayang ulam mo sa umaga, pwede mo pang ulamin sa gabi.
00:57Hanggang kinabukasan, pwede mo pang ulamin.
01:00Ganon.
01:01Hindi lang naman sa palengke binabantay ng dalaw ng presyo.
01:04Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry,
01:06mas mababa sa inaasahan ang March inflation
01:09na nakikitang positibong senyale sa gitna ng patuloy na paghamon sa mga gastusin.
01:14Ang expectation natin is actually closer to 5%.
01:17The fact na nasa 4.1 siya,
01:19kailangan natin na pasalamatan ang ating gobyerno kahit papano.
01:23First of all, nakontrol nila ang presyo ng major commodities sa groceries and supermarkets.
01:29Pero git ng PCCI,
01:30dapat din maunawaan ng karamihan ang natatanging kalagayan ng Pilipinas
01:34bilang isang bansang dumedepende sa inaangkat na langis at iba pang supply mula sa gitnang silangan.
01:39Ibig sabihin ito, kapag may pagyanig sa world market,
01:42hindi malayong agad itong maramdaman sa presyo ng petrolyo,
01:45pamasahe, kuryente,
01:47at sa kabuoang gastusin ng mga negosyo at mamimili.
02:02Ayon sa Philippine Statistics Authority,
02:04kabilang sa mga nagtala ng mas mabagal na taonang pagtaas ng presyo
02:07ang isda at iba pang seafood, gatas at iba pang dairy products,
02:11itlog, pati na ang mga ready-made food products.
02:14Pero kahit may pagluwag sa ilang pagkain,
02:17bumilis pa rin sa 4.1% ang headline inflation
02:20o overall inflation ng Pilipinas noong March 2026,
02:23mula sa 2.4% noong Pebrero.
02:26Umabot naman sa 2.8% ang average inflation rate ng bansa sa unang quarter ng taon.
02:31Isa sa mga pangunahing nagtulak dito,
02:33ang mas mabilis na paggalaw ng mga presyong may kinalaman sa transportasyon.
02:37Kuryente at iba pang fuel-related costs.
02:40Ayon sa datos,
02:42malakas ang pagangat sa transport index
02:44habang tumaas din ang galaw ng presyo sa housing,
02:46water, electricity, gas and other fuels.
02:49Sa food basket naman,
02:50hindi pantay-pantay ang naging takbo ng mga presyo.
02:53Umabot sa 3.0% ang food inflation nitong March
02:56mula sa 1.8% noong February.
02:59Sa kabila nito,
03:00nananatiling ramdam ng mga mamimili
03:02ang bigat ng gastusin sa araw-araw,
03:04epekto ng mas mataas na presyo ng petrolyo sa pamasahe,
03:08kuryente,
03:08at presyo ng iba pang bilihin sa mga susunod na buwan.
03:11Sa kabuuan,
03:12pinakamataas ang overall inflation ng March 2026
03:15mula noong July 2024 na nasa 4.4%.
03:19Kasabay nito,
03:20patuloy rin nararamdaman ang bigat ng transport costs
03:22na pinakamataas na galaw mula pa noong January 2023.
03:26Denise Osorio,
03:27para sa Pambansang TV,
03:29sa Bagong Pilipinas.
Comments