00:00Nagpulong naman ang mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue at Department of Information and Communications Technology nitong Marso
00:08para pag-usapan ang pagsasama ng ETIN sa eGovPH app.
00:13Ayon sa BIR, kabilang ito sa mga ginagawang hakbang ng ahensya upang mapabuti pa ang servisyo sa mga taxpayer.
00:21Sa pagpupulong, ipinresenta din ang kakayahan ng eGovPH app para maka-avail ng mga digital ID
00:27kung saan maaari din itong gawin para sa Electronic Taxpayer Identification Number, dagdag ng BIR.
00:34Bahagi lamang ito sa kanilang programa na Electronic Filing and Payment System na kasalukuyan pang pinagbubuti.
00:43Pinagsisiguro naman ang BIR sa publiko at sa mga taxpayer, patuloy nilang gagawin ang mga inisyatiba
00:50para sa digitalization ng mga transaksyon sa pagbabayad ng buwis at iba pang servisyo.
Comments