Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Malacañang, pinabulaanan ang alegasyon ng 18 dati umanong miyembro ng Philippine Marine Corps na si PBBM ang nasa likod ng flood control scam | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinagot ng Malakanyang ang allegasyon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ito umano ang nasa likod ng flood control
00:08scam.
00:08Sabi ng Palacio, paulit-ulit na kasinungalingan ang bintang niyan.
00:13Kasabay niyan, sinagot din ng Malakanyang ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na kalat umano ang pamamahala ng
00:20administrasyon.
00:21Ang detalya sa report ni Kenneth Paciente.
00:27Mariing pinasinungalingan ng Malakanyang ang naging pahayag ng grupo ng dati umanong Marines na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:34umano
00:34ang nasa likod ng corruption scheme sa maanumalyang flood control projects.
00:39Sa pangungunan ni Atty. Levy Baligod, sinabi ng grupo na saksi umano sila sa pagpapadala ng bilyong-bilyong halaga ng
00:45kickbacks sa mga politiko mula sa mga proyekto kontrabaha.
00:49Sabi ng Malakanyang, ito ay kasinungalingan at bahagi ng propaganda para siraan ang Pangulo.
00:55Paulit-ulit na kasinungalingan laban sa Pangulo.
01:00Lousy script.
01:02Hindi pang award winning.
01:05Hindi malinis.
01:07Alam mo na may kasinungalingan.
01:10So sino ba ang nasa likod nito?
01:12Siguro dapat malaman nyo kung sino ba yung may ari ng sasakyan na siyang sumundo sa kanila matapos ang press
01:21briefing or press con nila.
01:25So, paulit-ulit na kasinungalingan.
01:28Trabaho ng umano ng mga kinaukulang ahensya ng gobyerno ang pag-iimbestiga sa mapanirang akusasyon.
01:34Nandyan ang NBI.
01:35Nandyan ang PNP.
01:37Dapat malaman nila ito.
01:40Obligasyon nila.
01:42Nakasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news.
01:46Dapat pa ba silang utusan?
01:47Hindi po.
01:48Obligasyon ng NBI, PNP, DOJ.
01:52Sinagot din ng palasyo ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte
01:56na tila walang kaayusan ang pamamahala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
02:01Sa isang interview nitong weekend, sinabi ng vice na kalat ang governance ng kasalukuyang administrasyon,
02:08bagay na pinabulaanan mismo ng Malacanang.
02:10Ayon dito, tingnan na lamang kung sino ang nagbitaw ng mga salita.
02:15Tama naman ah nito ang vice sa sinabi nitong hindi lahat ng kalihim ay magaling.
02:19Pinagtiwalaan siya ng Pangulo, pero sa bandang huli, aamin pala ang Vice Presidente
02:27na siya ay walang kaalam-alam sa pagiging DepEd Secretary.
02:33Sa totoo po yan, hindi po lahat ng Secretary na naiya talaga
02:38dahil sa tiwala ng Pangulo, sa paniniwala sa kanila, eh hindi pala talaga magaling.
02:45Doon pa lamang po sa mga ghost students, ghost vouchers, ghost food packs, ghost laptops, ghost school materials.
02:58Lahat ng multong ito ng Vice Presidente, nung siya ay DepEd Secretary, huwag niyang ipahid kay Pangulo.
03:06Nililinis na anya sa ngayon ng liderato ni DepEd Secretary Sonny Angara ang mga problema sa DepEd.
03:12Patungkol naman sa pagtalakay ng Justice Panel ng Kongreso sa impeachment complaints laban sa vice sa March 2 hanggang 4,
03:19sinabi ng palasyo na hayaan na lamang na gumulong ang proseso.
03:23Ang impeachment complaint na didinggin ay, ang sangkot naman po dito ay ang Vice Presidente.
03:30So kung ano magiging posisyon ng Pangulo at ng administrasyon, dapat lamang pong sundin kung ano proseso.
03:36Yun din po. Pauulitin lang po natin, dapat proseso at kung ano ang inilalahad ng ebidensya.
03:44Muli ding binigyang diin ang Malacanang na bagaman nabanggit na ng Presidente na may nakakausap na siyang mga personalidad at
03:50napipisil para sa 2028 elections,
03:53mas tutok pa rin daw sa ngayon ng Pangulo sa pagtatrabaho, lalo't malayo pa ang eleksyon.
03:59Ang sabi niya ay dapat naiintindihan ang patungkol sa inflation, pati ang paggawa ng trabaho at ang food supply.
04:08At mga tao dapat na leader ay hindi inuuna ang politika kung hindi kung paano paul na rin ang bansa.
04:16So sa mga nangunguna o inuuna ang pamumulitika sa ngayon, mag-isip-isip at baka hindi kayo qualified.
04:26So yun lang po. Dapat nag-isip-isip sila kung sila ba'y makakatulong sa bayan o makakapagpayaman lamang ng
04:35sarili.
Comments

Recommended