- 6 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Isang oil tanker na kalgadong nasa 20,000 liter ng langis,
00:04ang bistadong nagsasali ng langis sa isang residential area pa man din sa Quezon City.
00:09At nang hanapan ng permiso ng barangay, wala o manong naipakitang permit ang mga nagsasali.
00:14Nakatotok si Katrina So.
00:16Exclusive!
00:19Kita sa videong ito na nakunan kakabi ang isang oil tanker na nakaparada sa harap ng isang bahay
00:25sa Scout Castor, Barangay Sacred Heart sa Quezon City.
00:28Ayon sa mga residenteng nakausap ng GMA News,
00:32umaga kahapon ang unang pumarada ang oil tanker sa lugar at agad umalis matapos masita ng barangay.
00:39Pero bumalik ito alas otso kagabi.
00:42Nag-discharge po sila ng oil dito sa isang fuel tank dito po sa loob ng isang residence.
00:52Tapos tuloy-tuloy po yung pag-discharge nila despite na tinatry po silang pigilan ng ating BPSO.
01:00May hose.
01:01Tapos po?
01:02Hindi ko alam kung paano nila tinatransfer pero may hose.
01:07From the tanker to the tanke. Parang ganun.
01:10Ano po yung nililipad?
01:12Krudo daw po eh.
01:13Pero nag-aamoy kami dito kagabi ng gasolina.
01:16So hindi ko alam kung krudo o gasoline pero ang dinig ko lang diesel.
01:21Sabi ng barangay, base sa pakikipag-usap nila sa driver,
01:25pumigit kumulang 20,000 litro ng diesel ang karga ng tanker na pang personal na gamit umano.
01:31Nagulantang po sila dahil bakit, ang sabi daw po sa anila, mag-iimbak daw ng diesel.
01:38So sinabi naman po sa amin na hindi naman daw ganun kadelikado.
01:41Kaya lang, ang problema, wala silang advice sa aming barangay.
01:46Wala silang permit, tapos sinanapan din po namin ang BFP permit, wala rin po silang may present sa amin.
01:53Dahil hindi mapigilan, pumingi na ng tulong ang barangay sa Quezon City Police at Bureau of Fire Protection at BFP.
02:00Dito pa lang daw sila tumigil sa pagsasalit.
02:04Ikinababahala ng mga residente ang insidente.
02:06Pwede ho kayong magkasunog kasi sila po dyan, sila nagwe-welding.
02:13Minsan nag-aamoy varnish kasi dito lang kami nakatira.
02:17Siyempre, bahay namin, light materials.
02:21May naninigarilyo.
02:24Hindi natin alam kung ano mangyayari pag aksidente na.
02:26Siguro natatakot na na mawala na tumakas na tumakas ng gasolina at diesel, diba?
02:32So yun, kaya lang, ito yung insidensyal to.
02:34Takot po ba?
02:35Sobrang takot kasi kahit yosi lang ang iba tumo doon.
02:40Diba, nasabong yan.
02:43Kasi nakalagay doon sa tanker, diba, 50 feet, gano'n.
02:47Diba nakalagay yun?
02:48Na walang smoke?
02:49Yes, na walang smoke.
02:50Bukas, magsusumiti ang mga residente ng petition letter sa Quezon City LGU para humingi ng tulong.
02:57Sinubukan namin punin ang panig ng may-ari ng compound, pero wala raw ito sa bahay.
03:02Hindi pa malinaw sa ngayon kung para saan ang sinasabing nailipat na petrolyo.
03:07Pero nauna nang sinabi ng Department of Energy na ang pagbili ng petrolyo at maglalagay sa fuel grade drums
03:13ay pwede kung para ito sa mga consumer na kailangan ito sa operasyon.
03:18Tulad ng fishing vessels at marine equipment operators, mga ospital at ibang pasilidad na gumagamit ng generator sets,
03:26telecommunications facilities, at mga negosyong mayroong lehitimong operational requirements.
03:32Katri Nason, Nakatutok, 24 Oras.
03:37Ang Department of Energy, iniimbisigahan na ang insidente.
03:43Sa gitna po na uwian ng mga nagbabakasyon o umuwi sa probinsya nitong Semana Santa,
03:48may disgrasya pa sa Occidental Mindoro nang sumadsada ang isang pampasaherong barko.
03:53Ligtas ang magit isang daang pasahero at crew nito.
03:57Mula sa Batangas Port, nakatutok live sa Bam Alegre.
04:02Bam?
04:06Pia, magandang hapon. Easter Sunday, back to reality na yung maraming mga kapuso natin na nagbakasyon.
04:11Dito sa Batangas Port ay walang insidente.
04:14Pero kaninang umaga sa nasugbu port, isang barko na may capacity na 160 passengers ang sumadsad.
04:23Kakaalis pa lang mula sa Tilig Port sa Lubang Occidental Mindoro nang sumadsad ang pampasaherong barko na MV Our Lady
04:30of Fatima,
04:31pasado las 7 ng umaga kanina.
04:33Papunta sa nasugbu port sa Batangas ang barko.
04:36Pinasok ng tubig dagat ang hull ng barko.
04:39Sa rescue operation ng Philippine Coast Guard, nasagip ang 162 na pasahero at 7 crew nito.
04:45Hinihintay pa ang advisory ng shipping line kung paano ang accommodation at travel arrangements ng mga apektadong pasahero.
04:52Sabi ng PCG, hindi overloaded ang barko.
04:55Wala namang nakita ang oil sheen sa paligid na nasa labas umano ng Marine Protected Area.
04:59Sa gitna ng imbestigasyon, inirekomenda ng PCG sa Maritime Industry Authority o Marina
05:04na suspendihin muna ang passenger's ship safety certificate ng barko.
05:09Sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro, nagsimula na magsiuwihan ng mga turistang doon pinili mag Holy Week break.
05:15No regrets ang rider barkada ni Carlo Labrador na nag-ride sa Puerto Galera.
05:19Mahal ang gasolina, oo, pero priceless naman. Aniya ang naging bonding nila.
05:24Yung ganda ng Puerto, wala. Yung gasos ninyo, di mo na masasabi na masakit.
05:30Di rin makagant over si Marisa Estomagio sa Galera getaway nilang high school classmates.
05:34At kung bibigyan kami ng pagkakataong ulit na pumalik sa Puerto Galera ay amin ulit gagawin kasi ibang kasiyahan talagang
05:43may bigay lalo't kasama mo ang iyong mga kaibigan.
05:47Pagdating sa Batangasport, dagsang ang mga nagbakasyon sa iba't ibang probinsya sa Mimaropa, Visayas at Mindanao.
05:53Wala pang tanghali, mahigit 3,000 na mga pasahero dito sa Batangasport.
05:58Mas marami yan kumpara noong nakarang taon na mahigit 3,000 rin ang biyahero pero buong araw na yun.
06:03Isang indikasyon daw ito ayon sa PPA na mas marami ang nag-commute ngayon.
06:07Pero sa rami ng mga sabay-sabay na nag-uuwian ay ikipag-unahan ng ilan sa mga pampasayarong bus paluwas
06:12ng Maynila.
06:13Medyo magulo siya kasi ano.
06:15Ngunit, pumunta ako dyan sa...
06:17Nandun ako kanina, tiling na ako kung saan yung dulo ng pila na para papundi.
06:21Nahanap ko hindi ko siya makita eh.
06:22Kasi nga nga, para nangyayon, nagiging unahan yung pila.
06:32Pia, ngayong alasais ng gabi, inaasahan yung pagdating pa nung ilang mga trips dito.
06:37Kaya mamaya pa ulit dadagsa yung mga pasahero dito sa Batangasport.
06:41Live mula rito sa Batangas, Bama Legre, nakatutok 24 oras.
06:45Maraming salamat, Bama Legre.
06:48Sa North Luzon, Expressway, nagsimula ng kumapal ang volume ng mga sasakyan.
06:53Silipin natin ang sitwasyon doon sa live na pagtutok ni Dano Tincuco.
06:58Dano!
07:02Ivan, buong umaga nga ngayong Linggo ng Pagkabuhay,
07:05maluwag ang daloy ng trapiko dito sa North Luzon Expressway.
07:09Pero dahil ngayong araw ang inaasahang pagluwas at pag-uwi ng mga nagbakasyon sa norte,
07:14hapon nagbigat ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng NLEX.
07:22Maluwag ang trapiko sa northbound at southbound ng North Luzon Expressway kaninang umaga.
07:27Sa Bukawetol Plaza, nakaraniwang dagsa ang motorista, maluwag din hanggang pasado tanghali.
07:33Bandang alas 3 ng hapon, nagsimulang bumigat ang trapiko sa bahagi ng Apalit,
07:37San Simon, Candaba sa Pampanga at Santa Rita, Giginto sa Bulacan.
07:41Nagtalaga na ng counterflow lanes ang NLEX sa southbound lane mula Daung hanggang San Fernando,
07:47Balagtas Tambubong hanggang Bukawe at Bukawe Pabalintawak.
07:51Para rin iiwas sa beriya, may libreng towing hanggang bukas ng alas 6 ng umaga.
07:57Para iiwas traffic, ang mga mula sa Dagupan City maagang lumuwas.
08:01Sana hindi po traffic and for sure madami pong nagbibiyahe ngayon kasi pabalik na po lahat ng mga bumiyahe ng
08:11Holy Week.
08:12Padagsana po yung mga pasahero natin, pabalik ng Maynila.
08:15Kaya yung mga minamahal naming mga pasahero, agapan nyo na lang po yung pagdating sa terminal.
08:22Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PTEX, nagsisimula na rin magdatingan ng mga pasahero.
08:28Sa talaan ng pamunawa ng PTEX, kaninang alas 2 ng hapon, halos 90,000 mga pasahero ang dumating sa terminal.
08:35Naka-reserve kami. Apo. So hindi naman po mahirap.
08:40Hindi po masyado unlike na dati, marami yung bus pero po ngayon hindi.
08:46Kaya halos ilan lang yung bus punuan.
08:49Dumating ako dito ng mga 2 o'clock na kumuha kagad ako ng ticket. Madali lang ako.
08:55Marami na rin pasahero ang nagabang ng bus sa BFCP East Metro Transport Terminal sa Marikina City.
09:02Matumal naman ang dating ng mga pasahero sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City at isang bus terminal sa
09:08Maynila.
09:09Ang LTFRB patuloy naman ang inspeksyon sa mga sasakyan para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
09:22At Ivan, traffic update lang tayo dun sa mga gagamit ng NLEX pa uwing.
09:26Kung hindi ngayon, e mamaya, medyo mabigat na ang daloy ng trafico sa southbound lane.
09:32Mula yan sa bahagi ng Angeles hanggang Mexico at San Fernando Pampanga.
09:38Medyo luluwag ng konti pero bibigat ulit yan mula pulilan.
09:43Dire-diretsya na yan hanggang Bukawetol Plaza pero maluwag na pagkatapos niyan.
09:47Balik sa Ivan.
09:49Maraming salamat, Dano Tingkungko.
09:52Ligtas na po sa panganib ang labing limang taong gulang na biktima ng pananaksak ng kanilang padre de familia sa
09:58Angono Rizal kahapon.
09:59Ay sa Angono Police, nagpapagaling na ang binatilyo na nagtamo ng saksak sa liig at bibdib.
10:05Sa pahayag niya sa pulisya, natutulog umano siya ng biglang pagsasaksakin ng ama.
10:11Tumigilan niya ang suspect nang marinig na gising na ang isa pang anak.
10:17Nagpatay-patayin umano ang binatilyo hanggang makachempo para hanapin ang bunsong kapatid
10:22at lumabas ng bahay para humihin ng tulong.
10:25Problemang pinansyalan niya ang sanhinang krimen na ikinasawi ng kanilang ina.
10:29Ligtas na rin ang suspect na sinaksak din ang sarili.
10:32Iniganganda na ang mga asunto laban sa kanya at tumanggi namang magbigay ng panayam ang pamilya ng biktima.
10:42Sinagip ng mautoridad sa Zamboanga City ang isang batang pinagmalupitan umano ng kanyang amain.
10:48Gamit ang kawayan.
10:50Naging kritikal pa ang kalagayan ng bata at nakatutok si Katrina Sor.
11:01Lupay-pay at puro pasa ang apat na taong gulang na lalaking ito ng datna na mga otoridad sa kanilang
11:07bahay sa barangay Mampang sa Zamboanga City nitong Pernes Santo.
11:11Rumesponde ang mga polis matapos magsumbong ang ina ng bata na sinasaktan ito ng amain.
11:16Ayon sa polisya, base sa pahayag ng ina ng bata, April 2 nagsimulang manakit ang kanyang kinakasama.
11:23Nakatakas yung nanay doon sa bahay habang nags-CR yung suspect natin.
11:30Kaya nag-report agad sa mga polis.
11:32Sa pag-respond din ng mga polis, nakita nila doon yung bata at yung nanay.
11:38Yung bata na puno na na yung pasa.
11:42Ayon sa polisya, kawayan ang gamit ng amain sa pananakit sa biktima.
11:47Nung pag-respond din ng mga polis, wala na doon yung suspect.
11:49According sa nanay, sir, sinaktan din po siya, sir.
11:53Na-confine sa intensive care unit ng ospital ang bata na nagtamo ng mga sugat sa muka,
11:58mga pasa sa katawan at bali sa ilong.
12:01Ayon sa lola ng bata, wala na siya sa ICU.
12:04Unti-unti nang bumubuti ang kanyang kondisyon at nakakakain na rin.
12:09Na-arresto kalauna ng suspect.
12:10I-statement niya, sir, nag-e-urge lang daw yung katawan niya na manakit daw doon sa bata.
12:16Nagustuhan niya lang, sir, nasaktan yung bata.
12:18Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng ina ng bata at ng sospek na nakapiit at naharap
12:23sa patong-patong na reklamo kabilang ang serious physical injuries in relation to child abuse.
12:29Dagdag pa ang kaukulang kaso kaugday ng umano'y pananakit at pang-aabuso sa kanyang kinakasama na ina ng bata.
12:36Katrina Son, Nakatutok, 24 Oras.
12:40Magigit isang libo ang insidente ng road crash ang naitala ng Department of Health nitong Semana Santa.
12:45Sa Quezon City, sugatan ang driver na isang truck na bumangga matapos dumulas o madulas dahil sa tumagas na langis.
12:53Nakatutok si Marisol Abdurama.
12:58Wasak ang harapang bahagi ng truck na ito nang sumulpok sa pader ng tunnel sa C5 Road,
13:03bahagi ng buwan ni Serrano, Quezon City, kagabi.
13:05Sugatan ang driver nito na si Carlos Castro Verde Jr.
13:09Ayon sa kanya, galing silang may kawayang bulakan at tauhin na sanang kandubang Laguna na mangyari ang aksidente.
13:16Madulas daw kasi ang daan at may langis pa kaya nawalan na daw siya ng kontrol.
13:20Doon sa may basa, may langis, langis pa rin.
13:23Doon ako nagsimula na, pag apply ko na pa rin, umano na siya, sumigsag na.
13:31Eh dito, dumirit siya ako rito sa may ano nito, pader.
13:34Nagtamu siya namang sugat sa binti at paa na agad namang binigyan lunas.
13:39Maayos na man daw ang kalagayan ng kanyang pahinante.
13:42Pusibling maharap sa reklamang damage to property ang driver.
13:46Sa kabila naman ng aksidente, nangpapasalamat ang truck driver dahil buhay sila ng kanyang kasama.
13:52May paalala naman ang mga otoridad sa mga driver.
13:55Hindi porket maluwang ang kalsada, ay bibilisan na rin po natin.
13:59Marisol Abduraman, nakatuto, 24 oras.
14:05Apat ang patay at 20 siyam ang sugatan matapos bumangga sa Center Island ng isang truck sa Alyosan, Cotabato.
14:13Sa CCTV, kitang nasa magkataming linya ang truck at ang motorsiklo na bahagyang nauuna.
14:18Pero maya-maya lumipat ang motorsiklo sa harapan ng truck.
14:22Napakabing tuloy ang truck para iwasan ang motorsiklo pero nasagi nito ang Center Island.
14:27Napunta ang truck sa kabilang linya sa may tumagilid at natumbok ang isa pang sasakyan.
14:33Tumila po ng mga sakay ng truck, kabilang sa apat na nasawi, ang isang bata.
14:38Hawak na puli siya ang driver ng truck habang iniimbisigahan ang insidente.
14:44Nakapagtala po ng mas maraming turistang dumayo sa Boracay ngayong Semana Santa kumpara noong nakaraang taon.
14:50At yan po ang tinutukan ni Kim Salinas ng GMA Regional TV.
14:58Buhay na buhay ang beachfront ng Boracay ngayong linggo ng pagkabuhaya.
15:02Humabol sa pagsiswimming sa lagat at iba pang water activity sa mga turista.
15:07Nagustuhan ng mga bata na maglawi-lagoy sila dito sa Boracay dahil dito ay napakaganda.
15:13Simula pa kahapon, dagsa na sa Cagban Jetty Port ang mga turista ang pauwi mula sa bakasyon sa isla.
15:19Nag-enjoy kami sa tubig.
15:29Ayon sa Malay Tourism, mula sa 53,000 tourist arrivals na naitala sa Semana Santa 2025,
15:35maigit 56,000 ang mga turista sa Boracay mula nitong Palm Sunday hanggang Holy Saturday.
15:42Di pa kasama sa bilang ang 1,500 ng mga turist ng lulan ng international cruise ship na dumaong sa
15:49Boracay kahapon April 4.
15:51Karamihan ay Chinese nationals.
15:53Ayon sa Malay Police, generally peaceful ang Holy Week sa Boracay.
15:59Mga pity crimes, mga bata manageable.
16:04Wala tayong mga significant event o drowning incident na nangyayari.
16:10Mula sa GMA Regional TV, Kim Salinas, nakatutok 24 oras.
16:17Ngayong tapos na ang pag-aayuno at pag-iwas sa karne dahil sa Semana Santa,
16:22pinilahan ang mga nagtitinda ng lechon sa Talisay City sa Cebu.
16:26Ayos ang mga nagtitinda sa lechon park sa poblasyon,
16:29umabot sa 30 hanggang 40 lechon ang kanilang naibenta ngayong araw.
16:34Sanay na raw sila sa nagsang ito dahil ngayong Easter Sunday,
16:37bumawi sa pagkain ng karning baboy ang mga iniwasan nito noong Lenten season.
16:41Perfect spot din daw ang kanilang pwesto na malapit sa isang public beach.
Comments