00:00Wala ng hanap buhay ang maraming nagtitinda sa dating Commonwealth Market na nasunog kanina madaling araw.
00:05Ang sunog umabot sa ikalimang alarma.
00:08Nakatutok si Bea Pinlak.
00:13Bangungot na sunog ang bumulabog sa mga tindera sa Bonbon Market na dating Commonwealth Market sa Quezon City,
00:20pasado las dos imedya ng madaling araw kanina.
00:23Marami sa kanila, nagpumahog isalba ang panindat habang mabilis na nilamon ng apoy ang malaking bahagi ng palengke.
00:32Ang iba, halos wala nang nailigtas.
00:35Siyempre mahirap.
00:37Tulala, nangihinayang saan kami nilipat.
00:40Ang hirap po. Hindi namin alam kung paano kami mag-uumpisa ulit.
00:44Automatic po yung malulugi po kami ngayong araw na to.
00:47Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na nirespondehan ng halos 60 truck ng bombero at fire volunteer.
00:54Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa imbakan ng frozen meat at kumalat hanggang second floor ng
01:01palengke.
01:02Puro dry goods po, ukay-ukay ang karamihang laman.
01:07Doon po nahirapan tayo na mag-apula.
01:10May mga kantin po sa loob.
01:12Yung mga LPG po siguro na nandoon, yun po yung mga naririn nating mga nagpuputukan.
01:18Hamon din sa pag-apula ng apoy,
01:20nang magkasalubong ang mga manininda at mamimili na palabas ng palengke habang papasok naman ang mga bombero.
01:27Yung mga paninda po nila, nakaharang po sa daanan ng mga kabomberohan natin.
01:32Beya Pinlak, nakatutok 24 oras.