Skip to playerSkip to main content
Halos dalawampung libong turista na ang dumating sa isla ng Boracay.
Bahagya namang nanlamig ang mga nais magbakasyon sa City of Pines sa gitna ng taas-presyo sa langis.
Mula sa Baguio City, may live report si Bea Pinlac.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Halos 20,000 tourists na na ang dumating sa isla ng Boracay.
00:04Bagya namang nanlamig ang mga nais magbakasyon sa City of Pines,
00:08sa gitna ng taas presyo sa langis.
00:10Mula sa Baguio City, may live report si Bea Pinlak.
00:14Bea?
00:19Atong pati mga maliliit na negosyo talagang umaaray
00:22sa epekto ng pagtumal ng mga turista dito sa Baguio City.
00:31Ramdam ang pagbaba ng bilang ng mga umaakyat sa City of Pines.
00:35If we're going to compare the traffic situation last year to this year,
00:39e talagang there is a significant change.
00:45Mas maluwag ngayon.
00:46Parang ako, konti ngayon maluwag pa.
00:49Lumuwag man ng traffic, tuloy pa rin sa pagsaway ang mga polis
00:52sa mga motoristang pumaparada sa tabing kalsada para magpapicture sa lion's head.
00:57May designated parking lot naman.
01:00Pero kapag nalagpasan na ito ng mga motorista,
01:02wala nang ibang bukas na paradahan.
01:05Para sa maraming turista,
01:07hindi kumpleto ang Baguio travel experience
01:09kung walang picture dito sa lion's head sa Kennon Road.
01:12Pero matumal ang dating ng mga turista
01:14kung ikukumpara raw nung mga nakaraang Semana Santa.
01:18Apektado ang maliliit na negosyo.
01:20Ang hirap anak ng buhay namin ngayon dito
01:23sa may ulo ng lion.
01:28Kaya, taste-taste lang.
01:31Wala kaming kikitain.
01:34Lalo na pa ngayon, pinag-ipit nilang.
01:37Tiniyak naman ang lokal na pamahalaan
01:39na may mga hakbang sila para alalayan ng mga maliliit na negosyo.
01:43Kung may impending na mga increases sa rentals,
01:49hindi na muna.
01:51Second is, siguro magbibigay kami ng sort of a tax relief.
01:59Yung aming programa ng fund,
02:03loan na walang interest.
02:06Para mapanatili ang kaayusan sa lungsod,
02:10mahigit sanliwong polis at force multiplier
02:12ang nakadeploy sa Baguio hanggang May 31.
02:17Binalik-balikan din ang mga lokal at banyagang turista
02:21ang isla ng Boracay.
02:23Sa datos ng malay-tourism,
02:25mahigit 19,000 tourists na ang dumating sa isla
02:28mula March 26 hanggang 29.
02:32Inaasahan pa yung madaragdagan ngayong Holy Week break
02:35kahit pa nagmahalang pamasahe at petrolyo.
02:38Yung atmosphere, yung vibe ng isla.
02:41Mga activities, island happen.
02:45Ating gusto rin din lang mga ATV.
02:48Hindi naka-plano siya since January.
02:50Higit sa pag-e-enjoy,
02:52sasamantalahin din daw ng ilan na magninilay-nilay.
02:55One week lang po kasi kami dito.
02:57Kung makapunta man po kami ng simbahan,
02:59siguro saglit lang.
03:01Paalala ng Malay LGU,
03:03sundin ang lahat ng protocols,
03:05gaya ng pagbabawal sa malakas na pagpapatugtog,
03:08lalo sa Good Friday.
03:10Lalo namang hinigpitan ang inspeksyon
03:13sa Kagban at Katiklan Jetty Ports.
03:16Pinagbabawal natin dyan ng unang-una,
03:18ang matatalas na bagay,
03:19mga pointed,
03:20ang mga barel,
03:22na hindi ano,
03:24tapos ang ibang mga ano natin,
03:26bawal din po dyan,
03:27yung mga playable.
03:33Atom, dito sa Baguio City,
03:35wala pang namamonitor na dagsa
03:36ng mga motorista,
03:38pero umaasa ang Baguio LGU
03:40na bahagyang dadami ang bilang ng mga turista
03:43simula bukas.
03:44Yan ang latest mula rito sa Baguio City,
03:47Bea Penlac, GMA News.
03:49Maraming salamat, Bea Penlac.
Comments

Recommended