00:04Quaresma
00:05Sa panahon ng Quaresma,
00:07nakaugalian na ng mga Pilipino ang gawaing nagpapatibay ng kanilang pananampalataya
00:13gaya ng Visita Iglesia, Stations of the Cross, at Senaculo.
00:18Ang Quaresma ay mula sa salitang Latin na Quadragesima
00:23na ang ibig sabihin ay 40 araw ng pag-alaala sa pagpapahirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Yeso Cristo.
00:32Ito ay nagsisimula ng Merkoles ng Apo o Ash Wednesday at nagtatapos naman ng Linggo ng Pagkabuhay.
00:40Ang pamilya ni Jocelyn de la Cruz sinisiguro na nakakabisita sa iba't ibang simbahan
00:46ng magkakasama para magdasal at magpasalamat sa lahat ng natatanggap nilang biyaya.
00:52Ilan sa mga simbahan na kanilang pinupuntahan ay Nuestra Señora del Santísimo Rosario Parish,
00:59Santa Elena Emperatriz Parish, at Our Lady of Mount Carmel Parish.
01:04Ayon sa kanya, naging panata na ito ng kanyang pamilya tuwing Semana Santa.
01:10Bukod sa nakakagala, ito rin ang nagiging paraan nila upang mas mapalapit ang bawat miyembro ng kanyang pamilya sa Panginoon.
01:19Pinatitibay rin ito ang samahan ng kanilang pamilya sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan.
01:26Si Jack Padilla naman, 13 years na sakristan o altar server sa kanilang simbahan.
01:33Nakaugalian rin ang kanyang buong pamilya ang pagpunta sa iba't ibang simbahan tuwing sumasapit ang kwaresma dahil sa impluensya ng
01:41kanyang namayapang ina.
01:43Actually, si Mama talaga ang ana namin, parang naging instrument ni Lord patungo sa amin sa pag-serve namin.
01:49Kasi si Mama, ano siya, wala bang, I mean wala pa kami, kaming mga anak na.
01:56Nag-serve talaga sila, nagka-quire na sila, tapos hanggang siya, naging ano siya, Paska.
02:01Paska yung mga nagpituro sa schools ng mga, ano, mga religious.
02:05Tapos sa yun, hanggang sa si Papa, in-invite niya rin na mag-lay minister yung mga, yung nagsusubo ng
02:13ostya.
02:14Tapos si ate sa lektor, si Kuya sa choir, tapos ako sa altar server.
02:19Pero si Kuya din dati, nag-altraserver siya.
02:22Naging panata na rin ni Jack ang pagsali sa sinakulo,
02:26kung saan ay papakita niya ang kanyang abilidad sa pag-arte sa teatro,
02:31ganun din sa likod ng entablado.
02:33Ito aniya ang nais ng kanyang ina.
02:36Maging makulay, maligaya, at magkaroon ng buhay na puno ng pag-asa.
02:42Ayon sa isang humiling ni Rev. Fr. Marion Makiraya,
02:46hindi lang makikita sa pagsisimba ang pananampalataya ng mga tao.
02:51Kailangan nasundan ng mga tao ang pangako ng Diyos.
02:56Ngayong panahon ng pagninilay-nilay,
02:59mayroon tayong kanya-kanyang paraan upang alalahanin ang buhay na inalay ng Heso Kristo
03:05para sa buhay na mayroon tayo.
03:07J.M. Thompson para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments