00:00Patuloy pa rin ang search, rescue and retrieval operations ng Bureau of Fire Protection sa mga na-trap sa gumuhong
00:05gusali sa Angeles City sa Pampanga.
00:07Tininyak naman ang pamahalaan na mananagot at mapatutunayang may pagkukulang sa insidente.
00:13Ang detali sa report ni J.M. Thompson.
00:18Tuloy-tuloy pa rin ang paghahanap ng Bureau of Fire Protection sa mga na-trap dito sa gumuhong ginagawang gusali
00:24sa parangay Balibago, Angeles City, Pampanga.
00:26Apat na ang kumpirmadong nasawi dahil sa pagguho ng gusali.
00:31Kabilang dito ang Malaysian National, dalawang construction workers at isang unidentified pang individual na posibling vendor malapit sa construction site.
00:41Tinatayang nasa 47 ang bilang ng mga biktima sa trahedya.
00:46Kabilang dyan ang ilang construction workers, ilang residente at vendors malapit sa gusali.
00:51Makikita rin malapit sa site ang ilang pamilya ng mga natabunan ng gumuhong gusali na nag-aantay ng update sa
00:58kanilang kaanak.
00:59Si Lea Kasilaw na kahapon pa nag-aantay.
01:02Susunduin sana siya sa Dao Bus Terminal ng kanyang asawa pero hindi na ito nangyari.
01:08Tumawag na lamang ang katrabaho ng kanyang asawa at dali-dali siyang nagpunta sa construction site.
01:15Gusto lang talaga namin, mabigay sila sa aming update kung ano nang nangyari.
01:20Hindi naman kami naghahanap ng sobrang ano na karakarakan na yan.
01:28Gusto ko, may update man lang dito pa.
01:31Kung may ganito pa, may buhay pa sa loob, magantay tayo.
01:34Ganyan, ganyan.
01:35Yun lang po ang hinahanap namin.
01:37Nagpunta rin si DSWD Secretary Rex Gatchalian para magbigay ng tulong sa pamilya ng mga biktima.
01:45Siguraduhin natin na yung mga pamilya ng biktima whether nagaantay pa sila na mahanap yung kaanak nila
01:52o nakalabas sila matulungan natin.
01:54So initially, yesterday yung mga social workers natin nandito to do grief counseling.
01:58Alam natin yun ang importante sa ganitong nga sitwasyon.
02:00Pangalawa, nag-extend tayo ng 10,000 na cash relief assistance immediately for the families,
02:06pati na rin yung mga nakalabas.
02:08Kasi importante na, I have to keep on pointing out na mga workers to, so no work, no pay.
02:13Obviously, walang work ngayon.
02:15Importante na natutulungan sila financially para may panggasa sila.
02:18Now, meron mga pamilya na umuwi na.
02:20Umuwi sa Camsor, umuwi sa San Jose del Monte, may mga pauwi pa kung saan-saan.
02:25Sisiguraduhin naman natin na may cash, na may sustainable livelihood grants para sa kanila.
02:29Kasi like I keep on pointing out, wala na yung breadwinner o hinahanap pa yung breadwinner.
02:34Importante yung pamilya na pangangalagaan.
02:37Now, di po may injuries, may medical needs, or later on, hopefully, huwag naman kung kailangan ng burial assistance,
02:43the department will also be around.
02:44Samantala, ayon kay Fire Superintendent Maria Lea Sahili, patuloy ang kanilang search and rescue operation
02:51dahil may labing pitong hinihinalang natabunan pa ng bumagsak na gusali.
02:56Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Angiale City, Pampanga sa owner at contractor ng gusali.
03:03Ayon kay Mayor Lazatin, hinihiling nila ang kooperasyon ng owner at contractor para makatulong sa kanilang search and rescue operation.
03:10Siyempre, kailangan po namin malaman kung ilan talaga ang mga workers na dineploy po nila dito sa site
03:19at para makapag-cross-reference po kami kung ilan po ang umuwi sa mga bahay-bahay po nila at yung
03:25mga naiwan po dito.
03:27Kaya hinahanap po natin yung owner at yung contractor para ma-verify po natin yung integrity ng mga reports.
03:35Makikita sa aking liguran ang gusali na nagmistulang pancake matapos itong gumuho bandang alas 3 ng madaling araw nitong linggo.
03:45Puspusa naman ang operasyon ng Bureau of Fire Protection para mailigtas sa mga biktima sa ilalim ng gumuhong gusali.
03:52Sisimulan lamang ang paggamit ng heavy equipment pantanggal ng mga bakal at bato matapos nilang masiguro na wala ng any
04:00signs of life sa ilalim ng gumuhong istruktura.
04:04Titiyaki naman ang otoridad na kung sino ang mapatutunayang dahilan ng pagguho ng gusali ay magkakaroon ng karampatang parusa.
04:15Mula rito sa Angeles City, Pampanga, J.M. Thompson para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments