00:00Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang petisyon ni Attorney Harry Roque
00:04na pigilan ang House Quad Committee na siya'y arestuhin at dumalo sa mga pagdinig at magsumite
00:11ng mga dokumento kaugnay ng investigasyon sa iligal na Pogo.
00:15Sa nilalaman ng desisyon, idineklara ng Korte na moot o wala nang saisay ang petisyon ni Roque
00:21matapos alisin ng Quad Committee ang contempt order laban sa kanya
00:26at matapos ang 19th Congress noong June 11 ng nakaraang taon.
00:31Kung matatandaan ilang beses inibitahan si Roque bilang resource person
00:35pero hindi ito dumadalo at hindi rin sumunod sa mga ipinagutos ng Komite.
00:41Dahil dito, inisyuhan siya ng show cause order, contempt at detention order na naguutos sa kanya
00:47para arestuhin, umakyat si Roque sa Korte Suprema para tanungin ang mga kwestyonabling hakbang ng Komite
00:54at iginiit na nalalabag ang kanyang karapatan.
Comments