Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Pagbuo ng Ad Hoc Committee na susuri at tutulong sa pagtugon sa epekto ng mga krisis at sakuna, pinagtibay ng Senado | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bonsod ng nangyayaring krisis sa bansa, bubuo ng isang kumite ang Senado na tututok at tutugon sa mga suliraning kinakaharap
00:07ng bansa.
00:08Yan ang ulat ni Louisa Eriste.
00:12Nagkaisa ang Senado na bumuo ng isang kumite na tutugon sa mga problema na kakaharapin ng bansa tuwing may krisis
00:19at isa na rito ang sigalat ngayon sa Middle East.
00:22Sa ilalim ng ipinasang Resolution No. 350 ng Senado, bubuo ang mataas na kapulungan ng Ad Hoc Committee na susuri
00:30ng epekto ng gulo sa Middle East sa ekonomiya ng Pilipinas at pagbuo ng contingency plan para sa bansa.
00:38Sina-Senate President Vicente Soto III, Majority Leader Juan Miguel Subiri at Minority Leader Alan Peter Cayatano ang mayakda ng
00:46resolusyon.
00:46I think in this time of need and emergency situation, especially in the Middle East, we need to move proactively
00:53on how we can plan our actions in the near future, especially with prices of fuel.
01:01Si Sen. Sherwin Gatchalia naman ang uupong chairperson ng komite at ang magiging miyembro ay ang mga chairperson ng iba
01:07pang mga komite ng Senado kasama ang agriculture, energy at trade.
01:12Nakikita po natin, itong epekto ay inisyal pa lang. Ito ay paumpisa pa lang. Dahil kung ito po ay magtuloy
01:21-tuloy, ito po ay kakalat na sa ating ekonomiya.
01:24Makikita natin, mataas, tataas po ang presyo ng pagkain, tataas po ang presyo ng bilihin.
01:30Being proactive ay isang napakaganda pong hakbang na gagawin ng Senado.
01:36So, yung mga recommendations po natin ay napakaganda rin po. Ang akin ninanay, sinohop ko hindi po natin magamit yung
01:43recommendation at solution dahil sana ay bumalik na po sa normal.
01:47Ayon naman kay Minority Leader Kayatano, papalakasin ng Ad-Hoc Committee ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno,
01:56LGU at pribadong sektor sa pagtugon ng problema ng bansa.
02:00Suportado rin ang iba pang mula sa Minority Block ang resolusyon.
02:04Tungkol po ito sa araw-araw na buhay ni Juan de la Cruz.
02:09Ito po ay tungkol sa jeepney driver na araw-araw ay kinakabahan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel.
02:18Tungkol po ito sa mga mamimili at maliliit na negosyante na napipilitang magtaas ng presyo upang makasabay sa gastos.
02:27At higit po sa lahat, tungkol po ito sa pamilyang Pilipino na pilit pinagkakasya ang kita sa gitna ng patuloy
02:35na pagtaas ng mga bilihin.
02:38Ang panukalang ito ay ang legal at moral na obligasyon ng Senado upang protektahan ang ating bansa mula sa nakaambang
02:48krisis pang ekonomiya.
02:50Ayon naman kay Gatchalian, inaasahang sa susunod na linggo ang unang pagpupulong ng Ad Hoc Committee.
02:57Samantala, hinggil naman sa naging suspension sa fair hike, naniniwala si Gatchalian pansamantala lang naman ito habang bumubuo pa ng
03:05mekanismo na makatutulong sa mga tsuper.
03:07Hindi naman ito pang matagalan na suspension. So temporary lang ito para magbigay yung mga ibang mekanismo tulad ng pantawid
03:20-pasada at iba pang mga direct subsidies.
03:24Nakikita rin niya na posibleng magdomino sa presyo ng pagkain at taas sweldo ang taas pasahe. Kaya mas maiging unahin
03:32muna ang tulong sa mga tsuper.
03:34Kasi kalaban talaga dyan, inflation. Pag nagtaas ng fair hike, sigurado ako itataas ng mga manufacturers yung kanilang produkto.
03:43Kasi pass on yan, magkakaroon ng pass on, pass on. So inflationary talaga ang fair hike. Kasi mga empleyado hihingi
03:56rin ng additional sweldo.
03:57Ayon naman kay Senate President Vicente Soto III, mas makabubuti nga rin kung uunahin muna ang subsidia kaysa fair hike.
04:05Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended