00:00Alamin naman natin ang ilan pang mga naging kaganapan sa mundo ng international sports scene.
00:06Sir Report, teammate Justin Ilano.
00:10Sa tennis, nasungkit ni World No. 1 Arena sa Balengka ang kampinato sa women's singles ng Miami Open
00:18matapos talunin si Coco Gap sa score na 6-2, 4-6 at 6-3.
00:23Pinakita niya sa Balengka ang kanyang dominasyon sa pamamagitan ng malalakas na ground stroke winners
00:28na nagbigay sa kanya ng kalamangan sa una at ikatlong set.
00:32Dahil dito, naging kauna-unahan siyang manlalaro na nakakompleto ng Sunshine Double
00:37o ang pagkapanalo sa Indian Wells at Miami Open sa iisang season.
00:42Wala nang magawa ito ni Ika Shantek noong 2022.
00:45Umabot sa 1 hour and 11 minutes ang laban matapos mabreak ang serve ni Gap sa ikaapat na pagkakataon
00:51dahil sa isang malayong backhand.
00:53Sinubukan pang bumawi ni Gap upang maipilit ang ikatlong set
00:56ngunit nabigo siyang mapanitili ang momentum.
00:59Ito na ang ikalawang sunod na kampyonato ni Sabalengka sa Miami Open
01:02at nagbigay sa kanya ng 7-6 na kalamangan sa kanilang head-to-head record.
01:09Sa motorsports naman,
01:11nasong kit ng Mercedes driver na si Kimi Antonelli ang kampyonato
01:14sa Japanese Grand Prix noong linggo
01:17upang maitala ang kanyang ikalawang sunod na panalo sa Formula 1
01:20at maging pinakapatang championship leader sa kasaysayan ng sport.
01:24Ang 19-year-old na Italian driver na nagsimula sa pole position
01:28ngunit agad na bumagsak sa ikaanin na pwesto sa unang bahagi ng karera
01:32ay nagtagumpay matapos tumawid sa finish line
01:35na may 13.7 seconds ang kalamangan
01:38laban sa McLaren driver na si Oscar Payastri
01:41Habang pumangatlo naman si Ferrari driver na si Charlie Cliff
01:44Pumang-apat naman ang kakampi ni Antonelli na si George Russell
01:48Habang pumanglima ang kasalukuyang world champion na si Lando Norris ng McLaren
01:52na sinundan ni Ferrari driver Lewis Hamilton
01:54Dahil sa kanyang panalo sa Suzuka
01:57nakapagdala si Antonelli ng siyam na puntong kalamangan kay Russell
02:00sa kabuwang talaan ng championship standings
02:06Sa figure skating
02:08Muling nagbalik sa tuktok ng kanyang sport
02:10ang Amerikanong si Ilya Malinin
02:12matapos masungkit ang kanyang ikatlong world title
02:15at makabawi mula sa ikawalong pwestong pagtatapos sa nakaraang Olympics
02:19Ang 21-year-old na si Malinin na dumating sa Prague
02:22na may dalang matinding motibasyon
02:24matapos ang pagkabigo sa Olympic gold
02:26ay nakapagtala ng 218.11 points sa kanyang free program
02:31na may kasamang 5 quadruple jumps
02:33para sa kabuwang 329.40 points
02:37Dinala ni Malinin ang malaking kalamangan
02:39papasok sa final sa O2 Arena sa Prague
02:41matapos magtala ng personal best
02:43na 111.29 points sa short program
02:47na nagbigay sa kanya ng higit sa siyam na puntong lamang
02:50sa kanyang mga kalaban
02:51Ang kanyang free program na pinamagatang The Voice
02:54ay may kasamang kanyang sariling voiceover
02:56ay hindi umapot sa kanyang world record
02:59na 238.24 points
03:01na naitala sa Grand Prix Final noong Desyembre
03:04kung saan nakapagperform siya ng 7 quadruple jumps
03:07kabilang ang quad axle
03:08isang talo na siya lamang na nakagawa sa isang kompetisyon
03:12Justin Ilano para sa pambansang TV
03:15sa Bagong Pilipinas
03:17sa Bagong Pilipinas
Comments