- 2 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Lunes March 30, 2026.
- 142,000 bariles ng diesel, dumating na sa bansa; supply ng petrolyo, inaasahang aabot ng hanggang 51 na araw
- P110 na taas-presyo sa 11KG na LPG tank, posible sa Abril 1, ayon sa LPGMA
- Halaga ng piso kontra dolyar, sumadsad sa P60.69
- Mga pasahero sa Batangas Port, mas kaunti ng 10% kumpara noong 2025, ayon sa PPA
- Mga pasahero, nagsimula nang dumagsa sa PITX; nadagdagan pa ngayong taon
- Mahigit isang oras na paghihintay ng masasakyang jeepney sa Baguio city, lumala pa
- Bentahan ng karne, matumal; presyo ng isda, bumaba
- Mga pasahero sa NAIA, dumami ngayong 2026; 1.3M kumpirmadong booking, naitala para sa Semana Santa
- Pagdinig sa impeachment complaint vs. VP Duterte, itutuloy ng komite sa kamara hanggang walang SC TRO.
- Balyenang nanghina at natagpuang may gamit pangisda sa bibig, tinutulungang makaalis ng mga rescuer
- Balisong technique, ibinida ni Bianca Umali sa isang performance; excited na sa nalalapit na pagtatapos ng "Encantadia Chronicles : Sang'gre"
- Dambuhalang triplet strawberry cake, hinati-hati at umabot sa 11,000 slices
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- 142,000 bariles ng diesel, dumating na sa bansa; supply ng petrolyo, inaasahang aabot ng hanggang 51 na araw
- P110 na taas-presyo sa 11KG na LPG tank, posible sa Abril 1, ayon sa LPGMA
- Halaga ng piso kontra dolyar, sumadsad sa P60.69
- Mga pasahero sa Batangas Port, mas kaunti ng 10% kumpara noong 2025, ayon sa PPA
- Mga pasahero, nagsimula nang dumagsa sa PITX; nadagdagan pa ngayong taon
- Mahigit isang oras na paghihintay ng masasakyang jeepney sa Baguio city, lumala pa
- Bentahan ng karne, matumal; presyo ng isda, bumaba
- Mga pasahero sa NAIA, dumami ngayong 2026; 1.3M kumpirmadong booking, naitala para sa Semana Santa
- Pagdinig sa impeachment complaint vs. VP Duterte, itutuloy ng komite sa kamara hanggang walang SC TRO.
- Balyenang nanghina at natagpuang may gamit pangisda sa bibig, tinutulungang makaalis ng mga rescuer
- Balisong technique, ibinida ni Bianca Umali sa isang performance; excited na sa nalalapit na pagtatapos ng "Encantadia Chronicles : Sang'gre"
- Dambuhalang triplet strawberry cake, hinati-hati at umabot sa 11,000 slices
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04Sama-sama tayong magiging sa Rakili.
00:11Aabutin pa rin na hanggang 51 araw ang sope ng petrolyo sa bansa.
00:15Pero kahit nadagdagan ng supply, hindi pa rin natatapos ang pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel at kerosene.
00:23Saksi si Rafi Tima.
00:28Higpitan pa lalo ang Sinturon dahil hindi pa tapos ang pagsirit ng produktong petrolyo.
00:32Ang diesel, tataas ng 12 pesos and 50 centavos kada litro, kaya maglalaro na sa 109 hanggang 144 pesos ang
00:40litro ng diesel.
00:422 pesos and 50 centavos naman ang itataas ng presyo ng gasolina, habang 2 pesos sa kerosene.
00:48Bagamat hindi pa rin pumipreno ang taas presyo, nadagdagan naman daw ang imbintaro ng bansa ayon sa Department of Energy.
00:54Dumating na kasi ang 142,000 na barilas ng diesel sa bansa, katumbas ng 22.58 milyon na litro.
01:02Bahagi ito ng 1.04 milyon barrels ng diesel na nakukuha ng pamahalaan na inaasang darating sa mga susunod na
01:08linggo.
01:09Galing ang mga ito sa Malaysia, Singapore, India at Oman.
01:12The country's total expected available day supply across all types increased from 45 days to 50.94 days. So ito
01:24na yung average natin.
01:25Sa kabila nito, pakiusap ng DOE, magtipid pa rin sa krudo at kuryente dahil wala pa rin nakakaalam kung hanggang
01:32kailan ang krisis na dulot ng gulo sa gitnang silangan.
01:34As a country, this is our major appeal to our fellow Filipinos that we support each other, sama-sama tayo
01:43and let's try to be, magtipid tayo sa electricity and fuel.
01:48Pero ang challenge nga po, paano natin ito papaabutin sa ating mga barangay, lalong-lalo na sa isla, lalong-lalo
01:57na sa kabundukan.
01:58Bukod sa patuloy na paghahanap ng mapagkukunan ng krudo, inamamadali na rin daw ng DOE ang ilang renewable energy projects.
02:05Ako si Rafi Timang inyo, Saksi!
02:10Malakihang taas presyo si LPG ang nakaambas sa Merkulis, April 1. Pusibling umabot yan sa 10 piso kata kilo. Ating
02:18saksihan!
02:22Ang liquefied petroleum gas o LPG na karaniwang gamit sa pagliluto, inaasa ang tataas daw pagpasok ng Abril.
02:30Sa tansya ng LPG Marketers Association, 10 piso kata kilo ang taas presyo.
02:36Katumbas yan ng 110 pesos na taas presyo para sa karaniwang tangke ng LPG na labing isang kilo ang laman.
02:44Ang initial info na lumalabas sa forecast po nila is up by $150 per metric plan.
02:51So na-expect po namin that that will be in a round of 10 pesos per kilo,
02:56or kaya 110 per 11 kilogram cylinders ang maidadagdag by April 1.
03:02Yung itinaas po na mga kulang-kulang 500 pesos, it's equivalent to 17 pesos additional per day ang kanilang gasto.
03:10So sa tingin namin, hindi naman ganun kalaki ang impact pagdating sa 80% of our consumer, which is the
03:18household consumer.
03:20Pasakit para sa mga mamamayan.
03:22Sa gas namin, almost 1,3 na po.
03:25Dati, nasa 900 plus lang.
03:27Ang laki po ng tinaas, sobra.
03:29So paano pa tayo tutubo ng maayos niyan?
03:32Pero wala naman daw choice sa mga gaya ni Melissa na sa LPG nakasaralay ang negosyo.
03:37Ang ginagawa na lamang daw niya ngayon, patayin agad ang tanke pagkaluto ng pagkain.
03:42Sinisiguro rin niyang nakasaraang tanke at walang singaw.
03:46Hindi pa masabi ng LPG MA kung tuloy-tuloy ang pagtas ng presyo ng LPG,
03:51pero sakaling humupa ang tensyon sa Middle East, asahan daw na babagsak din ang presyo ng LPG.
03:58Ang ilang kalang de-huling ang gamit gaya ni Mario na sumasideline sa pagbebenda ng sabawat kape sa Camonium Market
04:05sa Quezon City.
04:06Malaking tulong din yan kasi binin mo yung gasol eh, 3 weeks lang ang gamit.
04:11Dati uling-bili 1-1, ngayon 1-5 na.
04:133 weeks lang yun laki eh yung uling 70 sa lutuan tsaka laking ano, minus yun pag gumamit tayo ng
04:20uling.
04:21Gumagawa din ang kalang na gawa sa bakal at simento si Mario sa halagang 700 pesos.
04:26Ang mga kapit-bahay ko dito, nagluluto din.
04:29Sa akin nagpapagawa, tala yung mga nagluluto ng sago, namamalang saga, saka matibay.
04:34Naabot ito ng limang taon, kahit gamitin araw-araw.
04:37Pero pati uling nagmahal na.
04:39Kung tingi ang bibili, nagtaas na ng nasa limang piso kada plastik ang uling.
04:44Presyo po namin ngayon, isang sako dati, 450.
04:47Ngayon tinaasa na po kami ng 20, nagiging 470 na po.
04:51Dahil sa mahalo ng gasolina, at saka sa mahalo din nun ng gas ngayon,
04:55nagiging mabili po ang uling namin ngayon.
04:58Dahil lahat na lamang halos nagmamahal, tipid-tipid muna ang marami.
05:01Para makatipid po kayo ng 20% sa inyong pagluluto,
05:05pagsabay-sabayin po ninyong lutuin,
05:07ibig sabi ang agregado po ay nakhanda na para po mas maging mabilis ang pagluluto.
05:12Hindi po kayo magpanik bumili,
05:15sapagkat hindi naman po tayo nasa short days.
05:19Madali pa rin po kayo makakuha ng produkto.
05:21Medyo mataas nga lang ang presyo.
05:23Ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
05:27Muling sumadsad sa panibagong all-time low ang halaga ng piso kontra dolyar ngayong araw.
05:32Umabot ang palitan sa 60 pesos and 84 centavos sa Intedrate Trading.
05:37At nagsara sa 60 pesos and 69 centavos kada dolyar.
05:41Ikapitong beses ito nagtala ng all-time low ang piso kada dolyar ngayong buwan.
05:46Sa gitna pa rin yan ang tumitinding sigalot sa gitnang silangan.
05:53Marami pa rin mo mabiyahe sa mga pantalan pero napawasan daw ito kumpara noong nakaraang taon.
05:59Isang online system para makita ang mga bebyahing barko ang ipinasusubo ngayon sa ilang pantalan.
06:04Mula sa Batangasport, saksi si Bam Alegre.
06:10Hanggang ngayong gabi, patuloy ang pagdating ng mga pasahero sa Batangasport.
06:14Nananatiling mahigpit ang seguridad.
06:16Bawat bagahe ay sinusuri.
06:18Sa pag-inspeksyon ng Philippine Force Authority kaninang umaga,
06:21naabutan nila ang kumpol ng mga pasahero sa pantalan habang kainitan ng araw.
06:25Pila ito para sa oras o Online Registration Assistance System.
06:29Teknolohiya na nag-testran ngayon sa Batangas at Lucenaport.
06:32Kapag wala pa ang ticket ng pasahero, kailangan nilang iscan ang QR code ng oras
06:36para malaman kung ano-ano mga biyahe ang available.
06:39Pwede itong gawin in advance bago pumunta ng pantalan.
06:42Pero para sa mga pasahero ang walang online access, may helpdesk na maaaring lapitan.
06:46Round o'clock ang operasyon ng mga helpdesk.
06:49Si Venus na galing panggasinan, hindi pag-aano maintindihan ang bagong proseso.
06:53At dahil maalinsangan sa labas ng pantalan, pinalipat na ng PPA ang pila sa loob ng Batangasport.
06:58Kailangan magkaroon ng kasiguruhan.
07:02Ang mga kababayan nating sumasakay, sigurado kung anong barko ang sasakyan nila,
07:07sigurado kung anong pecha, sigurado kung anong oras,
07:11at sigurado makakarating sila sa kanilang destinasyon.
07:14Ayon sa Philippine Force Authority, sa parehong panahon noong nakaroon,
07:18lunesanto, ay nasa 24,000 to 25,000 daw yung mga pasahero dito sa Batangasport.
07:22Pero ngayon taon, sa kanilang estimate, nasa 17,000 to 19,000 na lamang daw.
07:2810% daw ang nabawas.
07:30Na-anticipate natin na medyo babagal yung turnover ng mga pasahero
07:36kasi nagbawas yung mga ibang shipping lines natin ng mga biyahe nila.
07:42Ang report sa atin, may mga shipping lines din na bumagal ang biyahe
07:47dahil medyo nagtitipid yata sa crew doon.
07:50Kung ang estudyanteng si Anton ang tatanungin, hindi na sana siya babiyahe
07:53papuntang Kalapan, Oriental, Mindoro.
07:55Nagmahal kasi ang pamasahe sa barko.
07:57Pero mas mahal niya ang kanyang mga kaanak dito na miss na miss na raw niya.
08:02Sa barko naman po, dating 400 lang.
08:05Ngayon 480 na nabawas din po kasi sarili kong pera.
08:10Kaya medyo malaki din po yung kalkas mo.
08:12Kasi po, gusto ko po makita yung aking pamangkin.
08:14Nakulayan naman ang dating drawing na outing ni Naram sa group chat.
08:17Ngayon pupunta na sila ng Puerto Galera.
08:20Patunayan nila ito na ang mga biglaang lakad, yun patalaga ang natutuloy.
08:25Masaya, medyo nagka-close po kami kahit nagka-plastiken lang po.
08:29Ay, okay naman po kasi pamasahe medyo pasok naman sa budget kahit papano.
08:35Kahit na halid at tumataas yung presyo ng gas.
08:38Ako si Bam Alegre, ang inyo saksi.
08:41Mas dumami ang mga pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
08:45Ayon sa pamunuan ng PITX,
08:48mas pinili ng karamihan na mag-commute na lang kaysa magdala ng sasakyan.
08:52Mula sa PITX Saksi Live, si Katrina Son.
08:55Katrina!
09:00Marisol ngayong Lunes Santo, nagsimula ng maramdaman dito sa PITX
09:05ang pagdami ng mga pasahero na bumabiyahe sa kani-kanilang mga probinsya.
09:14Balikbansa si Francia Lunas matapos magtrabaho ng mahigit tatlong taon sa Lebanon.
09:19Ngunit imbes na magpasundo sa kanyang pamilya, minabutiwmano niya na mag-isa na lang umuwi.
09:26Dati sinusundo, ngayon hindi na kasi mahalang gas.
09:31Dati buong pamilya.
09:33Dati doon buong pamilya ang sumusundo.
09:36Ngayon mag-isa na lang, kailangan bumiyahe mag-isa para makauwi sa pamilya.
09:41Kasi mahalang gas.
09:43Sa ganitong paraan daw kasi, mas malaki ang kanyang matitipid.
09:47Imbes naman na magmaneho pa-uwi, magbabas na lang daw pa-uwi sa kanilang probinsya si Serafine Gubat.
09:54Ano dahil po nga po sa punuan ng bus, tsaka ang mahalang gas.
10:01Ang magkapatid naman na si James at Jerome Almario.
10:05Nag-usap daw na agahan ang kanilang pag-uwi sa Nagas City.
10:09Mahirap daw kasi sumabay sa dagsa ng mga taong magsisiuwian.
10:13Masinunahan na lang po namin yung mga ibang pasahero.
10:17Opo. Para sulit po yung pag-uwi namin. Masulit namin yung oras namin.
10:23Actually po, kanina pa kami naghihintay dito. Mga alas 7 pa lang po nandito na kami.
10:28Tapos pinalipat po kami sa ibang bus.
10:30Ayon sa pamunuan ng BITX, dahil tagtipid ang marami, mas nadagdagan pa rao ang mga bumiyahe ngayong taon.
10:37Mas marami rao ang gumamit ng pampublikong transportasyon sa halip na magdalaan ng sariling sasakyan.
10:43Compared to last year, para meron lang tayong point of comparison, Palm Sunday last year umabot tayo 165,000.
10:50This year, Palm Sunday, 178,000.
10:53So that's a significant increase.
10:55So inaasahan natin na that will be the same for the rest of the week.
11:03Marisol, base naman sa pinakauling datos na ibinigay sa atin ang pamunuan ng BITX,
11:08as of 7 p.m. ay aabot na sa 160,000 ang mga pasahero rito ngayong araw sa BITX.
11:15At maikting na rin ang ipinapatupad dito na seguridad.
11:18At live mula dito sa BITX, ako si Katrina Zorn, ang inyong saksi.
11:24Problema ngayon ng ilang bus driver papasok at palabas ng Baguio City ang pagkaunti ng mga pasehero.
11:30Sa City Proper mismo, maraming tsuper na mga pampublikong sasakyan ang tumigil sa pamamasada.
11:37Saksi si Bea Pinla.
11:42Sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras, marami na tayong pwedeng magawa.
11:47Pero para sa college student na si May-Anne, madalas, ubus na agad yan sa pila pa lang para makasakay
11:53ng jeep.
11:54Kaya apektado na raw ang pag-aaral niya.
11:56Na-absent na, tapos everyday na ganun-ganun na lang.
12:00Tapos wala na talaga, as in nahirapan na talaga mag-commute.
12:04Late, tas absent.
12:05Kapag wala na talagang masakyan.
12:09Si Olivia naman, buhat pa ang dalawang taong gulang na anak habang nakapila sa sakayan ng jeep.
12:15Dati-dati kasi, inaantay kami ng jeep. Ngayon, kami na yung nakapila.
12:20May hirap talaga sa mga iba talaga.
12:22Babot talaga ng 2 hours, 1 hour yung mga antayan ng jeep.
12:25Sabi ng Baguio City Administrator,
12:28dati ng problema ang batagal na paghihintay ng mga commuter.
12:31Pero pinalala raw ito nang walang tigil na pagmahal ng presyo ng diesel.
12:36Maluwag nga ang kalsada pero ang mahal ng crudo.
12:39Before naman, ang triggering points niyan, ayaw bumalik nung iba dahil wala na nga silang iba backload.
12:45Matra-traffic pa sila going back to the city to get the passengers.
12:49So, yun palang grabe yung operational costs nila just to cover that.
12:55Sa Baguio City, umaabot ng 138 pesos ang presyo ng kada litro ng diesel at lagpas 100 pesos naman sa
13:04gasolina.
13:05Kaya nalalaga sa narawang hanay ng mga PUV driver habang patuloy na nauubos sa diesel ang dapat sana ikita na
13:11iuwi nila sa kanilang pamilya.
13:13Yung mga kasama namin na mga driver operator, hindi na nagbibiyahi na.
13:19200 pesos lang ang nauiwi namin. Wala na.
13:23Pero mahirapan naman kung mahirapan ng mga estudante namin kung hindi kami magbiyahi.
13:29Yun lang ang inaintindi namin.
13:31Para matugunan ang problema ng mga commuter at syoper,
13:34pinag-aaralan na raw ng Baguio LGU ang pagpapatupad ng Emergency Mobility Support Program.
13:40We will cover the jeepneys expenses na para at least mitigated yung mga babayaran niya.
13:47Yung biyahe niya pabalik.
13:48Pagbabalik ulit dun sa normal, we have to be aggressive in addressing yung fleet management system
13:54ng mga driver's associations natin, staging areas, provisions for more jeepney terminals.
14:03Makakatulong naman kung yung sabihin nilang ganun.
14:07Pero kung kami lang talaga, ako lang talaga. Kailangan namin magdagdag ng pamasay.
14:11Kung mahaba ang pila para makasakay ng jeep sa Baguio,
14:14ang mga bus naman. Suwerte na kung mapuno ng mga biyahero.
14:18Hindi pa kami puno.
14:19Pagyas ng oras hanggang mapuno.
14:22Noong nakaraan, nagsaan ng pasehero pero ngayon wala.
14:24Kung walang 20 na pasehero, hindi kami makakabiyahi niya siya.
14:30Kung sampo lang.
14:32Ako si Bea Pinlock, ang inyong saksi.
14:35Gumaba pa ang presyo ng isda sa ilang palengke ngayong Lunes Santo.
14:39Pero ang bentahan ng karne, matumal. Yan ang aking sinaksihan.
14:48Matumal ang bentahan ng karne kanina sa Mega Q March sa Quezon City.
14:52Ang pwestong ito, nakakabenta raw na nasa 500 kilo ng karning bagoy kada araw.
14:57Pero ngayon, pahirapan naan nila ang 200 kilo.
15:00Mas kaunti na raw ang namimili dahil mahal.
15:03Nasa P340 na ngayon ang bawat kilo ng karne ng baboy.
15:07P420 naman ang liyempo.
15:09P10 hanggang P15 na mas mahal kesa noong nakaraang linggo.
15:13Minsan kasi halos kailangan ibargain mo na yung ibang tingdam.
15:16Yung mobilization niyan, yung transportation niyan.
15:19That is the cost of high, ano yung high na mataas na puhunan eh.
15:24Kapag nagmahal pa raw,
15:25Titipid na siguro.
15:27Hindi na bibili ng pork.
15:29Telewas naman ang sitwasyon sa bentahan ng isda na bumaba pa ang presyo.
15:33Marami kasi ang ano ngayon supply eh.
15:35Local yan yung galunggong.
15:37Dito lang sa atin, mas mura.
15:40Mahal na ang mga bilihin.
15:42Lahat nagmahal.
15:43Mas mabinta po sa amin ang pangulam yung isda.
15:47Kasi bukod sa mura na marami pang peraso pag binili mo.
15:50Ang galunggong halimbawa na 260 hanggang 300 pesos kada kilo nung nakarang linggo,
15:55nasa 160 hanggang 180 na lang ngayon.
15:58Wala rin naman daw gaanong pagdaas sa presyo ng gulay ayon sa mga nagtitinda.
16:03Nagtaas muli ng presyo ng bigas sa palengke.
16:05Nasa 60 pesos ang bawat kilo ng premium na bigas.
16:08Sir, maggalang tina sa presyo ng mga bigas po?
16:115 pesos po.
16:12Posible pero po bang pumaas?
16:14Oo po.
16:15Ayon sa Department of Agriculture, normal ang mga pagdaas ng presyo ng mga agricultural products
16:20sa gitna ng pagdaas ng presyo ng produktong petrolo dahil sa gulo sa Middle East.
16:25Pero hindi anila dapat sobra.
16:28That is because of the additional cost for the movement and transport or logistics cost
16:34ng mga agricultural commodities.
16:37Kung magkani nagagasos na gasolina, toll fee from one place to another.
16:43Handa raw ang Agriculture Department na mag-imbisiga kung may hoarding
16:46upa na naman tala base sa tamang presyo ng mga agricultural commodity.
16:51Sasampahan ang karampatang reklamo ang sinumang lalabag.
16:55Netong nakaraang linggo, sinabi ng DA sa Senado na ang nakikita nilang worst case scenario
17:00kung magpapatuloy ang gulo sa Middle East.
17:03Ay posible lumapas sa 500 piso ang kilo ng baboy.
17:07Pero sa sitwasyon daw ngayon, hindi nila nakikita na mangyayari yan
17:10dahil sasapatan nila ang supply.
17:13Nakabase raw ang projection na iyan kung papalo.
17:16Sa $200 kada barrel ang fuel at matagal ang pagtaas.
17:20Hanggang July, August pa ako sakali, ay meron tayong sapat na supply.
17:25Plus, yung ating imported na bigas na dumating,
17:29first three months, nasa more than 900,000 metric tons na,
17:35which is a little higher compared to the same period last year.
17:39Pangalawa, yun ay projection na walang gagawin ang gobyerno, particular ang DA.
17:47At pangatlo, yun ay projection na pang local production lang, hindi nakonsidera ang import level natin.
17:57Niring tol, buong Abril, at mapapaiklip ang biyahe mula Taguig hanggang Paranaque,
18:02lalas sa bagong bukas na bahagi ng Cabitech C5 Link.
18:05Sa na iyan naman, sinamantala ng ilang biyahero na hindi pa nagmamahal ang fuel surcharge.
18:10Saksi si Jonathan Andal.
18:16Iisang flight lang ang binok ng pamilya ni Franz Olazo papuntang Palawan.
18:21Pero nitong Webes, sinabisuan silang pag-ihiwalayin sa tatlong magkakaibang flight.
18:25Hassle po. Okay lang sana kung sanay sila.
18:28Eh, first time nilang limay.
18:30Sa sila pang mauna?
18:31Sila pang mauna.
18:32Ito ang nagiging pangalawang problema.
18:34Silang mauna, saan sila mag-stay?
18:38First solo international tourist trip naman ni Rishel Sana,
18:41ang pagpunta sa Hong Kong, na ginastusan niya ng 40,000 pesos.
18:45Pero in-offload ng immigration officer,
18:48kahit meron na niyang return ticket, hotel booking, space slip, bank statement at pera.
18:53Hindi naman ako mag-DTNT doon.
18:55Kasi taga-probinsya po ako, gusto ko lang talaga ma-experience ng first international travel.
19:00Hinanapan daw siya ng apidavit ng taong mag-i-sponsor ng kanyang biyahe,
19:04pati passport nito at dokumentong patunay ng ugnayan nila.
19:08Dapat may kikilala daw ako doon.
19:09Hindi ko self-sponsor lang po talaga.
19:12Hindi na po talaga pwede magpaliwanag kasi isang tanong, isang sagot lang talaga sa kanila, sir.
19:19Hindi umubra ang paglapit niya sa satellite office ng Bureau of Immigration
19:22na pinayuan si Rishel na lumapit sa kanilang central office sa Intramuros, Maynila.
19:27Useless na labang kukuha ng passport at gusto ko kasi talaga ireklamo, sir.
19:30Kahit may state of national energy emergency ngayon,
19:34tumaas ang average na bilang ng mga pasahero sa nai-terminals kada araw kumpara noong nakaraang taon.
19:39Ayon sa Madin International Airport Authority,
19:42aabot sa 1.3 milyon na mga pasahero ang may confirmed booking para sa buong huli week ngayong taon.
19:48Marami ang tuloy yung biyahe, nalo't bihirang magkaroon ng pahinga mula sa trabaho.
19:52Siyempre medyo ano, nagdadalawang isip nga because of the situation,
19:57pero kasi with God's help naman, I'm sure hindi kami pababayaan.
20:01Anong dinu-look forward mong gawin sa doon?
20:03Kung sasakay ka sa bangkatapos, babitawan mo yung letter doon.
20:06Anong i-wish mo?
20:08Matapos na tong crisis na to.
20:10May ibang pasahero, nabibili lang yung ticket nila the day before.
20:14So yung ibig sabihin, hindi pa masyadong ramdam yung taas ng presyo.
20:18Sinasamantala rin ng ilan habang di pa nagmamahalang fuel surcharge sa mga flight na hiwalay pa sa mismong pamasahe.
20:24Magiging level 8 na yan mula April 1 hanggang 15 o hanggang mahigit 6,000 pesos sa international flights.
20:31Posibleng tumaas pa yan.
20:33Baka umabot tayo ng level 15.
20:36Hindi natin masasabi.
20:37Possible kasi tumataas ang presyo ng jet fuel.
20:40Iyan naman yung surcharge na yan.
20:42Iriwanag ko lang.
20:43Hindi yan base fare.
20:45Suspendido naman ang flights ng Philippine Airlines
20:47sa puntang Riyad at pabalik ng Maynila hanggang April 8 dahil pa rin sa gyera sa Middle East.
20:51Ang mga apektadong pasahero pwede raw mag-avail ng free rebooking o refund.
20:55Binuksan naman kaninang umaga ang isa pang bahagi ng Cavitech C5 link
20:59na magpapay-kliraw ng biyahe mula tagiganggang Paranaque.
21:03Ang pakalaking savings ito sa gasolina, sa krudo, sa fuel.
21:08At hindi maliit na bagay ang mabawasan mo, ang biyahe mo
21:12mula sa isang oras ka lahat, hanggang 15 minutes.
21:16Malaking savings yan.
21:1736,000 na motorista ang tinataya makikinabang sa bahagyan ito ng Cavitech kada araw
21:22na makababawa sa mga dumaraan sa mga maliliit na kalsada sa Paranaque at Taguig.
21:27Pati biyahe mula Cavite patungong Taguig,
21:30mapapabilis na rin daw dahil sa bagong expressway.
21:32Toll free ito buong Abril para naman mapagbigyan ang ating mga kababayan na dumadaan dito
21:40lalong-lalo na ngayon na huliwik na ngayon at maraming bumabiyahe.
21:44Ayon din sa Pangulo, bubuksan na bukas ang Central Luzon Link Expressway o SELEX
21:50na magdurog tong sa Esetec sa Tarlac City at Maharlika Highway sa Kabanatuan City na Vazia.
21:56Ang datian niyang maygit isang oras na biyahe sa pagitan ng Tarlac at Kabanatuan magiging 20 minuto na lang.
22:03Ayon naman kay DPWH Secretary Vince Dizon,
22:06ngayong biyaheng Semana Santa,
22:07pilit tinitiyak ng kagawaran na walang obstruction sa Maharlika Highway
22:11na tumatagos mula Luzon hanggang Mindanao.
22:15Ako si Jonathan Andan, ang inyong saksi.
22:19Nilinaw ni Vice President Sara Duterte at kanyang defense team
22:22na hindi sila klonsulta ng mga humilin sa Korte Suprema
22:25na ipatigil ang pagdinig sa mga impeachment complaints
22:28laban sa pangalawang Pangulo, ang House Committee on Justice.
22:32Itutuloy raw ang mga pagdinig hanggat hindi ito pinatitigil ng Korte Suprema.
22:38Saksi si Tina Panganiban Perez.
22:43Hanggang walang ipinalalabas na temporary restraining order ang Supreme Court,
22:48tuloy lang ang House Committee on Justice sa hearing nito sa impeachment complaint
22:53laban kay Vice President Sara Duterte.
22:55Kaya tuloy raw ang hearing ng Komite sa April 14, 22 at 29.
23:01Noong isang linggo, hiniling sa Korte Suprema na mga abogadong sumusuporta kay Duterte
23:07na ipatigil ang pagdinig sa Kamara.
23:10Pangulo lang po yun eh.
23:12Kasi gulo sa lahat, hindi naman po yung pangalawang Pangulo po yung nag-file po ng petisyon po na ito.
23:19Nilinaw ng Vice at kanyang abogado na hindi raw sila kinonsulta na mga naghain ng petisyon.
23:25Ako personally, hindi ako nakonsulta. Wala kaming naging pag-uusap upol dito.
23:31Kami ba yung magpa-file ng SEC petisyon, hindi ba? And I always say that's a real possibility.
23:36Pero duda rito, si Justice Committee Member, Representative Terry Ridon.
23:41Magkakasama po sila nung ilang sa mga petisyon na sa Incablado, doon po sa araw ng Dabao.
23:47So tingin ko magkakasama at alam na pangalawang Pangulo ito po nga kaso dito.
23:54And more importantly, doon po sa previous case last year, ganoon din naman po eh.
23:58Yung pong nag-file na civilian suit, taxpayer suit, kasabay po na kanyang mga kaso, doon po sa pagpapatingil ng
24:08nakarang impeachment complaint,
24:10ay isa po doon sa main petitioner din dito pong complaint na ito.
24:14Tingin pa ni Ridon, tila pinipigilan ng Vice na lumabas ang mga ebidensya.
24:20Bagay na itinanggi ni Atty. Michael Powa.
24:22We're not trying to suppress anything here. We're saying there's a proper time for everything, proper forum for everything.
24:30So we're not delaying anything. Wala po kasi sa totoo lang, kung ito'y maakyat sa Senado, lalabas din naman
24:36yung mga yan.
24:36Hamon ng abogato ng PC.
24:38We have no problems kung iakyat na nila. In fact, may mga haka-haka na or may mga statements na
24:44na merong numero na.
24:45But again, it cannot be said na due process was not afforded to her because like what we had previously
24:53stated, in each and every stage of the proceeding, meron po ang puwang, mayroon pong pagkakataon.
25:00Ang pangalawang Pangulo na sumagot.
25:02Ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
25:08Stranded ang isang balyena ng mapadpad sa mababaw na bahagi ng Baltic Sea malapit sa Germany.
25:14Natagpuan ng mga rescuer ang humback whale na nanghihina.
25:18May iritasyon sa balat at may nakauseng gamit pangisda sa bibig.
25:22Hindi likas na nakatira sa Baltic Sea ang ganitong uri ng balyena.
25:25Kaya tinutulungan itong makaalis ng mga rescuer.
25:28Umaasa silang nagpapalakas lang ang balyena ang tinawang nilang si Timmy hanggang matutunan itong makaalis.
25:40Astig at angas ang Plenex ni Bianca Umali.
25:43Nang magpakitanggila siya sa kanyang balisong technique performance.
25:47Very proud naman ang kanyang boyfriend na si Ruro Madrid na nangpamalas din ang galin sa Filipino martial arts.
25:53Excited na daw si Bianca sa nalalapit na pagtatapos ng Encantaja Chronicles Sangre.
25:59Kung saan gumagalap siya bilang Sangre Tera.
26:05We're down to our last four or five taping days.
26:09Wow.
26:10Malabe.
26:11Five years.
26:12After three.
26:13Congratulations my love.
26:16After three years.
26:17Three years, Tom?
26:18Three years of taping.
26:19Kasi five years siya nag-training.
26:20Pero I trained for two years before starting.
26:23So five years of my life.
26:24Simula 2021.
26:25Exciting.
26:26At Abisala Eshma sa lahat ng mga sumupot.
26:28Abisala Eshma.
26:34Tatakam-takam ang damuhalang triplet strawberry cakes sa La Trinidad, Binget.
26:39Ginamitan nito ng mahigit isang tunilalang strawberries.
26:43500 kilo ng strawberry jam at Italian buttercream.
26:46Apat na araw yung binuo ng dalawampung baker, ayaw na pong volunteer at mga construction crew.
26:53At ang hati-hatiin na, umabot ito sa 11,000 slice.
26:57Bagsak presyo itong ibinenta mula 70 pesos, laging 20 pesos na lang.
27:02Bahagi pa rin ito ng strawberry festival sa La Trinidad na magpapatuloy hanggang Abril.
27:12Salamat sa inyong pagsaksi.
27:14Sa ngalan ni P.R. Kanghel, ako po si Marisol Abduraman.
27:18Ito ang GMA News.
27:20Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
27:23Noon at ngayon, serbisyong totoo.
27:26Hanggang bukas, sama-sama tayong magiging saksi!
27:38Kali Sama tayong magas.
27:38Outro
Comments