00:00Ipinatupad ng Department of Energy or DOE ang Emergency Security Program para mas mapatatag ang oil reserves sa bansa.
00:08Target nito ang 2 milyong bariles para protektahan ang iba't ibang sektor at industriya mula sa matinding pagdaas ng presyo
00:15ng nangis sa panindigigang merkado.
00:18Yan ang ulat ni Elijah Canlas.
00:22Siniguro ng pamahalaan ang sapat na supply ng enerhiya sa bansa, sa gitna ng nagpapatuloy na pagalaw ng presyo ng
00:29nangis sa mundo.
00:30May reserba na ngayon na mahigit 22 milyong litro ng diesel upang pigilan ang banta ng kakulangan sa ating lokal
00:37na inventaryo.
00:38Agad na ipinatupad ng Department of Energy or DOE ang Emergency Energy Security Program sa ilalim ng Executive Order No.
00:47110 na naglalayong patatagi ng ating fuel reserves.
00:51Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy ang operasyon ng PNOC at PNOC Exploration Corporation sa pamamagitan ng
00:59DOE.
01:00Target ng bansa na makamit ang dagdag na 2 milyong bariles na fuel supply para sa strategic reserve ng bansa.
01:07Layunin ang hakbang na ito na protektahan ng sektor ng transportasyon at mga pangunahing industriya mula sa matinding pagtaas ng
01:15presyo ng petrolyo sa global market na direktang tumatama sa bulsa ng mga Pilipino.
01:19So sa ngayon po, ang malampaya po steady po ang presyo, hindi po maakit, dahil sa atin yun eh, hindi
01:26siya imported.
01:27Yung mga imported natin, yung LNG, mga triple na yung presyo, kaya nakakadagdag sa problema po yung imported.
01:37So magandang discovery to, kasi po this will maintain our energy security, saka yung presyo natin po sa electricity hindi
01:47affected.
01:47Bilang bunga ng negosasyong ito, noong Merkules ay dumating na sa bansa ang unang batch ng 144,000 bariles ng
01:55diesel mula sa Japan.
01:57Inaasahan naman ang pagdating ng karagdagang 850,000 bariles sa mga susunod na linggo.
02:03Bukod sa Japan, nakapag-angkat na rin ang Pilipinas ng krudo mula sa Russia, simula nang magbukas ito ng export
02:09sa mga karating na bansa.
02:11Bagamat nakabatay ang presyo sa pandaigdigang merkado na nagre-resulta sa mataas na singil sa mga gasolinahan,
02:17iginiit ni Energy Secretary Garin na hindi papayag ang kagawaran na maantala ang hanap buhay ng bawat Pilipino.
02:23Kinausap natin lahat, Japan, Thailand, Korea, South Korea, pati po Brunei, Malaysia, Indonesia, yan po lahat po,
02:34ng mga neighbors natin, mga kaibigan natin, kinausap natin.
02:38Tapos kinausap rin namin India, ngayon po kinakausap namin Argentina, Colombia, Canada, lahat po kinakausap para diversified tayo.
02:49Patuloy naman ang panawagan ng DOE na magtipid sa konsumo ng enerhiya sa lahat ng paraan upang makabawa sa gastusin
02:56sa gitna ng lumulobong presyo ng langis.
02:59Elijah Canlas mula sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments