00:00Umuwing luhaan ng ilang delivery rider na pumila para sa 5,000 piso ayuda dahil wala sila sa listahan.
00:06Saksi, si JP Sarayag.
00:21Kalmado lang ng una ang 72 taong gulang na si Mang Jaime,
00:24habang ikinakwento kung bakit siya hindi nabigyan ng ayuda kapon.
00:28Nagbiru pa nga sa isang punto.
00:35Pero maya-maya pa.
00:37Mr. President, nakakailak lang po.
00:44Wala na po kami makapitan.
00:47Wala na tumutulong, walang mautahan.
01:11Ang gusto niya, maituloy ang pamamasada ng jeepney na 37 taon na niyang ginagawa para itaguyod ang pamilya.
01:19Napanood yan ni Pangulong Bongbong Marcos, kaya inutusan ang Department of Social Welfare and Development.
01:26Kaya kanina personal siyang binisita at pinaliwanagan ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.
01:32Naipaabot na rin ang tulong at nabanggit din ni Lolo Jaime ang iba pang tsuper na wala sa listahan.
01:38Yung kay Lolo Jaime yung kanyang entitlement na 5,000 pero GP, si Lolo Jaime isa lang sa marami na
01:45nangangailangan ng tulong.
01:46Ang instruction ng Pangulo, oo, tulungan na hanapin namin si Lolo Jaime pero lahat tulungan.
01:51Walang tsuper na qualified ang maiiwan.
01:54Hanggang kanina, halos walang nabago sa sistema ng paayuda naman sa mga delivery rider bilang alalay para maituloy ang hanap
02:01buhay kahit sobrang mahal ng petrolyo.
02:04Pasado alas jistang umaga, ganito po kahaba ang pila ng mga kababayan nating riders na kukuha po ng payout na
02:125,000 pesos bilang ayuda sa nangyayari po ng krisis sa Middle East at pagtaas ang presyo ng produktong petrolyo.
02:17At bagaman may mga naabutan ng tulong tulad ni Mark.
02:22Dati yun, nakaka-san libo pa ako, simula alas 6 hanggang alas 10. Ngayon wala na ako. Minsan nakaka-uwi
02:29kami, 300 na lang, 400.
02:32Marami pa rin nagsakripisyo ng kita pero wala sa listahan na mga pwedeng tumanggap ng ayuda.
02:38Sabi sa amin, tanungin namin sa company. Sabi naman nung company namin, tanungin namin sa LTFRB.
02:46Parang pinagpasapasaan lang kami.
02:47Dahil sayang sa oras na pwedeng ginugul nila sa trabaho, posibli kayang malaman nila online kung wala sila sa listahan
02:54para dumerecho na sa registration ingwis na pumunta agad sa payout center.
02:59Hindi patiya kung pwede yan pero sa ngayon, pinag-register muna ang mga wala sa listahan sa nakapaskil ng QR
03:05code at kinuha na ng detalye sa LTFRB booth para macheck sa mga kumpanya at maghintay sa itatakdang schedule ng
03:13special payout sa mga wala sa listahan.
03:15Gas pa lang namin. Mag-ikot-ikot kami, sobrang laki.
03:19Kaso ngayon, wala pa yung pangalan nyo?
03:21Okay lang sir, mag-taste. Antayin natin kung meron.
03:24Hindi pa rin pulido ang listahan. Kahit kung tutusin, may karanasan na ang gobyerno sa pamamahagi ng ayuda noong pandemia.
03:32Pandemia pa lang, rider na ako eh. Wala niyo pangalan ko eh. Sabi ko, ba't ganun?
03:38Ayon sa DSWD, ang listahan ay galing sa LTFRB na galing sa mga operators. Bagay na patuloy pa rin daw
03:45sa pakitiyak na updated.
03:48They're being updated as we go along. That's the sad part in the sense na meron si LTFRB ng operators
03:55pero alam naman natin rin sa baba, yung drivers mabilis magpalit eh.
03:59But hindi niya na nadideclare sa LTFRB. So we really have to make sure na mabuo natin yung list.
04:04Ayon sa LTFRB, hindi masasama sa listahan kung kulang ang impormasyon ng isang benepesyaryo tulad ng birthday, address at buong
04:13pangalan.
04:14Nakatakdaan nila silang magpulong ng DSWD at ng mga LGU para ayusin ang mga ito.
04:20Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, ang inyong saksi.
04:26Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:29Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments