Skip to playerSkip to main content


-31 indibidwal kabilang ang isang senior, arestado sa 7 bahay na umano'y drug den


-Marcoleta, inusisa kung bakit may taas-presyo na kahit meron pang mas murang imbentaryo


-Maraming commuter, stranded o naglakad dahil kakaunti ang public transport


-Ilang shopping mall, pinaiksi ang operating hours para makatulong sa pagtitipid ng enerhiya


-Mga bansa sa Southeast Asia, kani-kaniyang paraan para tugunan ang kakulangan ng oil supply


-Rep. Zamora: Prosesong sinusunod ng House Justice Committee, bise ang humiling alinsunod sa SC Ruling


-DOF: Sa kalagitnaan pa ng Abril maaaring suspindihin o bawasan ng pangulo ang oil excise tax


-China, bukas sa pakikipagdayalogo sa Pilipinas kaugnay ng joint oil and gas exploration sa WPS


-BRP Benguet ng PHL Navy at barko ng PLA Navy ng China, muntik magkabanggaan


-Community pantry, nagbabalik para tulungan ang mga tsuper na apektado ng mega OPH


-Heart Evangelista x John Prats Reunion | "Forgotten Island"


-Church of England, itinalaga ang kauna-unahan nitong babaeng Archbishop of Canterbury


-Pagre-report sa klase ng isang estudyante, naabala nang may mag-chat ng 'I love you'



State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:04State of the Nation
00:15Sinalakay ng NBI Special Task Group ang 7 bahay sa San Pedro, Laguna na nagsisilbi umanong drug din.
00:2231 ang arestado, 28 sa kanila nagpositibo sa drug test.
00:27Kabilang ang isang senior citizen na umaming kababatak lang.
00:43Nakumpis kang mahigit 200,000 pisong halaga ng shabu.
00:47Pero sabi ng NBI, tawas ang naman ng ilan sa mga selyadong sachet na nakuha.
00:53Inihahalo raw ito para maparami ang ibinibenta.
00:57Nag-walk out sa inis si Sen. Rodante Marcoleta sa gitna ng pagdinig sa Senado.
01:02Nangyari yan ang kwestiyonin niya ang Department of Energy sa trabaho nitong i-monitor ang presyo ng langis.
01:10This is the frustration, Mr. Chair. Salamat po.
01:14Ba't kaaalis kung frustrated ka? Wala kang sagot na nakuha.
01:18Ha?
01:19Ayaw nila sa magkispo.
01:20Bakit ayaw? E kanina pang ilang oras na tayo dito, wala pa rin sagot.
01:25Tanong ni Marcoleta, bakit hinayaan ang mga oil company na magtaas ang presyo kahit meron pa itong imbentaryo ng murang
01:32langis?
01:33Punto ng DOE, ang taas presyo ay para sa pambili ng supply ng langis na mas mahal nang bibilihin ngayon
01:40sa mga kumpanya sa world market.
01:42Na ipapasaraw ito sa mga consumer dahil deregulated na ang oil industry ng bansa.
01:49Because, Mr. Chair, yung binenta kasi na yun will have to be replaced right after next week.
01:57So, kinulekta ho yung amount.
01:59So, ang nangyari, ang nangyari, ang nag-finance ang taong bayan.
02:03Yes, it's really...
02:05Hindi, yung exactly.
02:06It's passed on to...
02:08There should be a point where the replacement cost should begin.
02:13Saan ba magsisimula?
02:15Mr. Chair, we're not saying that that is right in the business the way it's now deregulated.
02:24Sa pagdiniig ni lahat ng mga oil company na may sapat pa naman silang imbentaryo ng langis hanggang Abril at
02:31Mayo.
02:31Pero wala raw katiyakan ng mga susunod na importasyon.
02:35Patuloy raw ang hamon sa pagkuhan ng krudo at mga finished product na langis,
02:39lalot na hinto ang replenishment dahil sa pagsasara ng Strait of Hormuz.
02:44Nauna ng sinabi ni Pangulong Marcos sa nagaanap ng Pilipinas ng iba't-ibang pagkukuna ng langis.
02:50Ayon sa Department of Energy, dumating na sa bansa ang unang shipment na mahigit 22.5 million liters na diesel
02:58sa ilalim ng Emergency Energy Security Program ng gobyerno.
03:02Kinupirma naman ng Malacanang ang lumabas ng ulat na isang barko na may sakay na mahigit 70,000 barrels ng
03:09Russian crude oil
03:10ang dumating sa Pilipinas kahapon.
03:14Kung hindi stranded, naglakad ang maraming commuters sa Metro Manila
03:17sa unang araw ng Nationwide Transport Strike.
03:20Pinag-aaralan naman ng gobyerno ang pag-arkila sa mga PUV driver at operator
03:24para matulungan sila at hindi rin mawala ng masasakyan ang mga commuter.
03:29May report mula kay Joseph Moro.
03:34Mula pagpasok kaninang umaga
03:37hanggang pag-uwi ngayong gabi, naging mandiligma sa lansangan ang maraming commuter.
03:45Sa Pasig, mapalalaki, babae o matanda, nakikipagsabayan, makasakay lamang.
03:50Halos ganyan din ang sitwasyon sa Pasay.
03:54Ang ibang papasok ng trabaho kaninang umaga na late o kaya napilitan na maglakad.
03:58Mula po. Mula ano, Pasig, naglakad lang po.
04:02Yun po dapat yung sasakyan ko. Sobrang nakaka-iiyak.
04:07Sine-text na rin ako ng manager.
04:09Late na nga po eh. Hamkaga ko pa dito tapos ganito po yung ano.
04:13Then ito lang po yung alternate na ano nila.
04:15Preno muna kasi sa pamamasada ang ilang jeepney driver ngayong araw dahil sa transport strike.
04:20Iba ba! Iba ba!
04:23Peso ng petrolyo!
04:24Ilan sa panawagan na mga transport group ay ibaba yung presyo ng produktong petrolyo
04:29at ipatupad sana yung binawi o kinansila na dagdag pisong pamasahe para sa mga tradisyonal na jeepney
04:36at dalawang piso para sa mga modern jeep.
04:39Limos na lang binawi nyo pa.
04:42Makihati naman kayo sa responsibilidad sa bigat ng presyo ng mga produktong petrolyo.
04:49Nanawagan din ang manibela na silipin ang bentahan ng oil companies
04:53at gamitin na ang emergency powers para suspindihin o bawasan ng excise tax sa mga inaangkat na petrolyo.
05:00Sa libreng sakay ng LGU, kumapit ang maraming commuter.
05:03Magabong ngayon na ito hanggang bukas din po.
05:07Maging sa probinsya, nakiisa sa nationwide transport strike ang ilang grupo.
05:11Malaki na ang problema ng transport sector dahil sa taas ang presyo ng krudo
05:16kung saan na po nagbabawas ng biyake ang ating mga pampublikong sasakyan.
05:22Tapos nadagda po pa ng tigilpasada.
05:25So it does not help anybody.
05:26Ayon sa LTFRB, kahit na walang tigilpasada, kapansin-pansin na ang paghaba ng pila ng mga pasahero.
05:33Pinag-aaralan na rin daw ang dalawang klase ng service contracting.
05:37Sa ilalim ng unang modelo, libre ang pamasahe.
05:40Sigurado pa ang kita ng driver dahil di na sila sasalo sa pagpapakarga ng langis.
05:44It's okay kasi ma'am kasi sigurado yung kita namin.
05:47Kahit walang pasahero ma'am, may kita pa rin kami.
05:50May arawan po kasi kami.
05:52Ang pangalawang modelo naman na pinapabura ng LTFRB, net service contracting.
05:57May babayaran dito ang mga pasahero pero discounted.
06:00Sisigil pa rin yung ating mga driver at operator at a discounted price.
06:04Tapos dadagdagan ang ating gobyerdo para di naman sila balugi.
06:07Kabilang ang Commonwealth at Ortigas sa pinag-aaralang ruta para riyan,
06:11pati ang mga secondary roads maging sa mga probinsya.
06:15Hihingi na ang LTFRB ng budget para sa service contracting,
06:19pati na ang dagdag na pondo para sa fuel subsidy.
06:22Pero kung drivers ang tatanungin, may ilan na mas gusto raw ang service contracting kaysa ayuda.
06:27Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:30Para makatulong daw sa pagtitipid ng enerhya,
06:33pinaiksinang ilang shopping mall ang kanilang operating hours.
06:36Ang SM Supermalls mula sa dating 10am na opening,
06:40magbubukas na ng 11am hanggang 9pm lunes hanggang biyernis.
06:4510am hanggang 9pm naman kapag weekend.
06:48Ang Robinsons at Ayala Malls naman,
06:5011am hanggang 9pm din ang mall hours kapag weekdays.
06:54At 10am to 10pm naman tuwing weekend.
06:57Epektibo ang adjusted mall hours sa mga nabanggit na mall sa March 30.
07:07Hindi tinanggap ng ira ng 15-point proposal ng Amerika
07:10para wakasan ang gyera sa Middle East
07:12at sa halip ay naglatag ng sarili nilang kondisyon.
07:16Milya-milya man ang layo sa digmaan sa Middle East,
07:19ramdam na ramdam ito sa Pilipinas
07:20at mga kasamahan nating bansa sa Southeast Asia
07:24na may kanya-kanya ng pagtugon sa sitwasyon.
07:26May report si Marie Zumali.
07:31Sa Asia dinadala ang 80% ng langis na idinadaan sa Strait of Hormuz
07:36batay sa datos ng International Energy Agency.
07:39Kaya kahit malayo sa Strait of Hormuz,
07:42damang-dama ng mga bansa sa Asia,
07:44gaya ng Pilipinas,
07:46ang bigat ng pagsasara nito,
07:47bunsod ng gyera sa Middle East.
07:49Kanya-kanya ang diskarte para di maparalisa.
07:52Tulad ng Sri Lanka na nagrarasyon na ng langis
07:55at ginawang public holiday ang miyerkule sa government offices
07:59para makatipid.
08:00Sa Myanmar, bukod sa pagrarasyon,
08:03may mala number coding scheme
08:04na ipinatutupad para sa private at non-essential vehicles.
08:08Ang Vietnam at China parehong naghigpit
08:11sa pag-iexport ng langis.
08:13Sa laos, nagpapatupad ng rotating schedule
08:16sa mga kawaninang gobyerno.
08:18Nagbibigay naman ang fuel subsidies
08:20ang ilang bansa tulad na Malaysia at Indonesia.
08:23Ang Pilipinas naman ang unang bansa sa buong mundo
08:26na nagdeklara ng State of National Energy Emergency.
08:30Sa visa nito,
08:31pwede nang magpatupad ng Fuel and Energy Allocation Plan
08:33tulad ng pagrarasyon ng petrolyo
08:35sa mga gasolinahan kung kinakailangan.
08:38Hanggat patuloy ang gyera sa Middle East,
08:40hindi tiyakong hanggang kailan papasanin ng Asia
08:43ang kalbaryo ng oil crisis.
08:46Ilang beses sinabi ni U.S. President Donald Trump
08:48na may diyalogo na sa pagitan ng Amerika at Iran.
08:51Ayon kay Trump,
08:53desperado ang Iran na magkaroon na ng kasunduan
08:55para matuldukan ang gulo.
08:57Pero takot daw ang Iranian officials
08:59na sabihin ito dahil sa pangamba na patayin sila.
09:02Nagpadala ang Amerika ng 15-point proposal sa Iran
09:05para matigil ang gyera.
09:07Kabilang dito ang paghinto ng Iran
09:08sa nuclear program nito
09:10at pagsuko ng kontrol sa Strait of Hormuz.
09:13Idinaan ang panukala sa Pakistan bilang intermediary.
09:16Pero ang Iran,
09:18itinatangging nakikipag-dialogo sila sa Amerika.
09:20Hindi rin ito tinanggap ang 15-point proposal ng U.S.
09:24Sa halip,
09:25naglatag ito ng sariling kondisyon.
09:27Dapat daw itigil na ng kanilang kalaban
09:29ang agresyon
09:29at iyaking di na mauulit ang gyera.
09:32Gusto rin ang Iran na kilalanin
09:34ang soberanya nito sa Strait of Hormuz.
09:36Humihingi rin ang Iran ng danyo sa pinsala ng gyera.
09:39Wala pang sagot si Trump sa mga kondisyon ng Iran.
09:42Pero binalaan niya ang Iran na maging seryoso
09:44sa pagkakaroon ng kasunduan
09:46bago mahuli ang lahat.
09:48Mariz Umali,
09:49nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:53Bumuelta ang House Committee on Justice
09:55sa pagkwestiyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte
09:58sa pagpapatawag sa kanya
09:59sa pagbiniig sa inaharap niyang impeachment complaint.
10:03Sila po ang humiling
10:05na ganitong proseso ang gawin.
10:09Nung sinabi po ng Korte Suprema
10:11na dumaan sa Committee on Justice
10:13na ibigay ang due process requirements
10:17sa respondent
10:20which we are doing right now
10:21dahil yun po ang dilatag ng Korte Suprema.
10:28Ngayon, nakapagtaka na
10:30kinikwestiyon din nila yun.
10:33Punto ni Congresswoman Isabel Zamora
10:36ng House Committee on Justice.
10:38Sinusunod lang nila
10:39ang ruling ng Korte Suprema
10:41na bigyan ang vice ng due process
10:43na mismong ang kampo rin naman ang vice ang humiling.
10:46Matatanda ang kinatigan ng Korte
10:48ang vice ng igit nitong
10:49di siya na bigyan ang due process
10:51nang idiretsyo sa Senado
10:52ang Articles of Impeachment
10:54laban sa kanya noong nakaraang taon.
10:57Sinagot din ng mga kongresista
10:58ang pagsabi ng kampo ng vice
11:00na fishing expedition
11:02ang pagpapasabpina ng Komite
11:04ng ilang dokumento at testigo.
11:06Guit ng Komite,
11:07di naman sila naghahanap
11:08ng ibang ebidensya.
11:10Ang ipinasosabpina lang daw nila
11:12ay yung mga nabanggit sa mga reklamo.
11:18Pusibleng sa kalagitnaan pa ng Abril
11:20mararamdaman ng pinirmahang batas ng Pangulo
11:22na nagbibigay sa kanya
11:24ng kapangirihan na suspindihin
11:25o bawasan ang excise tax sa langis.
11:28Paliwanag ni Palace Press Officer
11:31Undersecretary Claire Castro
11:32magiging efektibo ang batas
11:34matapos ang labing limang araw
11:36bula sa pagkakalathala.
11:38Ang 15-day publication rule
11:40ay requirement sa anumang ipinapasang batas.
11:43Kahapon,
11:44nilagdaan ang Pangulo
11:44ang nasabing batas.
11:46Sa pagdinig kanina sa Senado,
11:48sinabi ni Finance Undersecretary
11:50Carlo Adriano
11:51na sa kanilang pagtataya,
11:53April 12 o 13 pa ang pinakamaagang
11:55pwedeng mag-issue ang Pangulo
11:56ng executive order
11:58para sa suspension
11:59o pagbawas ng excise tax sa langis.
12:03Sinagundahan ng China
12:05ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos
12:07na baka may dahilan na
12:08ang Pilipinas sa China
12:09na magkaroon ng joint oil and gas exploration
12:12kahit sa pinagtatalo ng teritoryo
12:14gaya ng West Philippine Sea.
12:17Sa isang pahayag,
12:18sinabi ng Chinese Embassy
12:19na ang pagsasantabi
12:21sa mga hindi pagkakaunawaan
12:22at pagsulong ng joint development
12:24ang tamang daan para sa kapayapaan
12:27na pakikinabangan daw
12:28ng mga bansa sa hiyon
12:30at mga mamamayan nito.
12:32Magkakaroon na rao
12:33ng malalimang pag-uusap
12:35para sa joint oil and gas development
12:38sa South China Sea
12:39at umusad na rin daw
12:40ang diskusyon.
12:42Hanggat ipinapakita rao
12:43ng Pilipinas
12:44ang katapatan nito
12:45sa pakikipag-usap
12:46mananatili rao ang China
12:48na bukas sa dayalogo
12:49at kooperasyon.
12:51Sagot dito ng Malacanang
12:52hindi kailanman
12:53hindi naging sinsero
12:54ang Pilipinas
12:55sa pakikipag-negosyasyon.
12:58Sa lahat ng pagkakataon
13:00sa lahat ng okasyon
13:01ang Pilipinas
13:02ay laging sincere
13:04sa pakikipag-usap
13:06pakikipag-negosyasyon
13:07kung ano man po
13:08ang maaaring idulot
13:10ng anumang negosyasyon
13:11at ito ay magiging maganda
13:13para sa Pilipinas
13:14yan naman po
13:15ay hindi tututulan
13:17ng Pangulo.
13:18Bago ngayong gabi
13:19muntik ng magkabanggaan
13:21ang barko ng Philippine Navy
13:22at barko ng
13:23People's Liberation Army
13:24o PLA Navy
13:25ng China
13:26malapit sa Pag-asa Island.
13:28Ayon sa AFP
13:29Western Command
13:30Westcom
13:30nangyari yan
13:31habang nagsasagawa
13:32ng routine maritime operation
13:34ang BRP Benguet
13:36kahapon.
13:37Nilapitan daw ito
13:38ng barko ng
13:39Chinese Navy
13:39pero nakaiwas
13:41ang BRP Benguet.
13:43Sabi ng Westcom
13:44ipagpapatuloy nito
13:45ang maritime operation
13:46sabay na nawagan
13:47sa PLA Navy
13:48na sumunod
13:49sa international rules
13:51para maiwasan
13:52ng disgrasya.
13:56Nagbabalik
13:57ang community pantry
13:58sa Quezon City
13:58na sinimulan
13:59noong pandemya.
14:00Yan ay para tulungan
14:01ng mga chuper
14:02na pinadapan ng
14:03umaalagwang presyo
14:05ng petrolyo.
14:06Gaya noong pandemya
14:07muli nitong nanawagan
14:08na magbigay
14:10ng ayon sa kakayahan
14:11at kubuha
14:12ng batay
14:13sa pangangailangan.
14:15May mga tumugon dyan
14:16at nag-iwan
14:17ng bigas,
14:18gulay,
14:19prutas at itlog.
14:20Meron ding nag-iwan
14:21ng pera.
14:23Nagpapasalamat naman
14:23ng mga chuper
14:24na nakinabang
14:25sa community pantry.
14:30Heart Evangelista
14:32reunited
14:32sa dating
14:33ka-love team
14:34na si John Prats.
14:35Early 2000s
14:36nang magsama
14:37ang dalawa
14:38sa isang
14:38youth-oriented show
14:39at kalaunay
14:40naging real-life couple.
14:49Philippines Represent
14:50Tangpok ang kulturang
14:52Pilipino
14:52sa pinakabagong
14:53Dreamworks animated film
14:54na Forgotten Island.
14:56Nagbigay bose
14:57sa mga karakter nito
14:58ang ilang
14:59may dugong Pinoy.
15:00Sa panayam online
15:02ng GMA Integrated News,
15:03sinabi ni Liza Zoverano
15:05at Grammy Award winning
15:06film singer-songwriter
15:08na si Her,
15:09kung gaano sila
15:10ka-proud
15:10na maging bahagi
15:11ng pelikula.
15:12We are so immensely proud.
15:14It has always been a dream of mine
15:17to be able to be part of a project
15:21that is uniquely Filipino
15:23and really accurately represents the Philippines
15:26on a global scale.
15:28It's pretty incredible.
15:31I'm so proud
15:32to be Filipino
15:34and Black.
15:34Filipino culture
15:35is so unique
15:37and the fact that
15:38we touch on the folklore
15:39is amazing.
15:40You get to experience
15:42these creatures
15:43and these stories
15:45that we grew up on.
15:48Kasama rin sa voice actors
15:50ang ilan pang
15:51world-class
15:51Filipino talents
15:52na si Nalea Salonga,
15:54Manny Jacinto,
15:56Joe Coy
15:56at Dolly De Leon.
15:58Obri Carampel
15:59nagbabalita
16:00para sa
16:00GMA Integrated News.
16:05Sa kauna-una ng pagkakataon,
16:08isang babae
16:08ang itinalagang
16:09Archbishop of Canterbury
16:11ng Church of England.
16:14I solemnly commit myself
16:17before you
16:19to the service
16:20of the Church of England,
16:22the Anglican Communion
16:24and the whole Church of Christ
16:27throughout the world.
16:31Si Sarah Mulally
16:33ang magiging bagong
16:34spiritual leader
16:35ng 85 million Anglicans
16:37sa buong mundo.
16:39Dinaluhan ng
16:40libu-libong bisita
16:41kabilang sina
16:42Prince William
16:42at Princess Catherine
16:43ang installment ceremony
16:45ni Archbishop Mulally
16:47na isang dating nurse
16:48at civil servant.
16:56Perfect score sa klase
16:58o perfect score
16:59sa love life.
17:00Instant kilig
17:01ang pagre-report
17:02sa klase
17:03ng isang estudyante
17:04sa Cebu
17:04dahil sa unexpected message
17:06na padala ni Babe.
17:08Puso na yan
17:09sa report ni
17:10Obri Carampel.
17:14Okay, class.
17:16We are group one
17:17and we will be reporting
17:19about love.
17:21Ha?
17:22Ano raw?
17:23Ang seryoso sana
17:24class report ni Jamaica
17:26na abala kasi
17:28ng isang chat.
17:29Ang chat head
17:30may pa-I love you babe.
17:33Tili ang tuloy
17:34ang klase
17:35sa mensahe
17:35na literal na
17:37scene zone
17:37ng lahat.
17:39At ang may-ari
17:40ng cellphone
17:41panikmalala
17:42ang mensahe.
17:44Prank lang pala
17:45ng isang na klase.
17:46I love you na
17:48naging batopak.
17:50Obri Carampel
17:51ang nagbabalida
17:52para sa GMA
17:53Integrated News.
17:56At yan po ang
17:58State of the Nation
17:58para sa mas malaking
18:00misyon
18:00at para sa mas malawak
18:01na paglilingkod
18:02sa bayan.
18:03Ako si Atom Araulio
18:04mula sa GMA
18:05Integrated News,
18:06ang News Authority
18:07ng Pilipino.
18:09Huwag magpahuli
18:11sa mga balitang
18:11dapat niyong malaman.
18:13Mag-subscribe na
18:14sa GMA Integrated News
18:15sa YouTube.
18:16Outro
Comments

Recommended