Skip to playerSkip to main content
- 19-anyos na babae, tinamaan ng paputok habang nasa loob ng bahay


- Fireworks display at beach party, inaabangan ng mga turista sa Boracay


- Mga gustong magpalamig at mag-relax, piniling salubungin ang 2026 sa Baguio


- Mahigit P1.4M na halaga ng ilegal na paputok kabilang ang "Goodbye Philippines," kinumpiska, sinira at pinasabog ng pulisya


- Titulo ng ipinamanang lupa, natanggap na Christmas gift ng walong magkakapatid at kani-kanilang anak



State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Ilang minuto na lang, 2026 na.
00:14Buong pwersang tinututukan ng GMA Integrated News
00:17ang iba't ibang sitwasyon kaugnay sa salubong 2026
00:20kabilang ang mga ilang nasa ospital
00:23na tutugon sa mga pinangangambahang mapuputokhan.
00:26Pati na ang mga sasalubong sa bagong taon sa Baguio City at Boracay.
00:31Gayun din ang inaabangang Kapuso Countdown to 2026.
00:38Nakaalerto ang mga pangunayang ospital sa posibleng pang mabiktima ng paputok ngayong hating gabi.
00:44Kanikanina lamang may isinugod sa East Avenue Medical Center dahil sa BOGA.
00:49May live report si Jamie Santos.
00:52Jamie.
00:56Atom ngayong wala ng isang oras bagong taon na
01:00pinaiting palalo ang pagbabantay ng mga ospital sa Metro Manila.
01:04Bandang alas 10 nga ngayong gabi,
01:05isang lalaking ay sinugod dito sa East Avenue Medical Center
01:08matapos nga maputokan ng BOGA.
01:10Sa inisyal ng impormasyon,
01:12sumilip ang lalaki sa hindi pumutok na BOGA
01:15at sa kanyang pagsilip,
01:16saka ito pumutok at sa kanya tumama.
01:18Isang biktima rin at kahit na nasa loob ng bahay
01:22ay naputokan nga ng paputok.
01:26Naiiyak sa sakit ang 19-anyos na babae na ito
01:31ng datnan ng GMA Integrated News
01:33sa emergency room ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center.
01:37Habang nasa loob ng kanilang bahay,
01:39tinamaan siya ng paputok na sinindihan sa labas ng kanilang bahay.
01:43Malakas po. Mayroon pong nagpaputok sa labas ng bintana namin.
01:48Tapos nag-aayos po kasi siya eh.
01:51May mga pumasok pong sa mata niya.
01:54Eh mahap di daw po yung mata niya eh.
01:56Nagulat po sila, sumasakit na lang po yung mata nung bata.
01:59Nilagyan po ng anesthesia yung kanyang mata.
02:01So once po man hid,
02:02dun pa lang po ma-observe po
02:04and ma-physical examination po
02:06kung ano po yung damage po
02:08o kung ano pong nangyari po doon sa mata nung bata.
02:10Hindi bababa sa labing-animang naitalang firecracker-related injuries sa ospital.
02:15Simula noong December 21,
02:17karamihan mga menor de edad.
02:20Sa Tondo Medical Center,
02:21may mga designated areas na para sa mga naputokan.
02:24Para sa mga patients na may fireworks-related injuries,
02:28so dito namin sila minamanage.
02:30Parang hindi na sila mahalo dun sa ibang patients namin na
02:33may mga respiratory illness,
02:36tapos yung ibang may mga infections.
02:37May mga gamit dito gaya ng panglinis ng sugat
02:40hanggang sa pamputol sa mga buto kung kinakailangan.
02:44Sa ngayon, mahigit isandaan na
02:45ang naitalang kaso ng naputokan sa ospital.
02:48Halos doble kumpara noong nakaraang taon.
02:51Mas marami pa rin passive talaga
02:52yung mga napapadaan lang,
02:54tapos nakahagisan ang paputok.
02:56Dalawa rito ang naka-admit.
02:58Kabilang ang 19 anyos na lalaki
03:00na sabugan sa paa dahil sa plapla.
03:02Paputok na kingkong naman
03:04ang nakadali sa isang labing-tatlong gulang na lalaki.
03:06Sa East Ave Medical Center,
03:09basa sa Ligtas Christmas Tally,
03:116 na ang naitalang firecracker-related injury
03:14simula noong December 21.
03:16May isang insidente rin ng ligaw na bala
03:18na patuloy pang biniberipika.
03:20Ayon sa ospital,
03:22mas mababa ang bilang ng kaso ngayong taon.
03:25Pero nakastandby ang emergency room at trauma teams
03:27dahil sa pinangangambahang pagdami ng pasyente
03:30pagtapos ng hating gabi.
03:31Paalala natin parate kung sana pwedeng hindi na sila gumamit
03:36ng paputok sa pag-celebrate ng New Year.
03:40Kung sakali man din na iinom sila ng alak,
03:43eh huwag na po sila magmaneho ng motor o ng kotse.
03:46And yun sa mga kinakain at iniinom natin,
03:49always in moderation.
03:55Atong nananatiling handa ang mga ospital
03:58para tiyaking may agarang tulong sa oras ng pangangailangan.
04:01Mula rito sa East Avenue Medical Center,
04:03bumabati kami ng isang masaya at ligtas na Happy New Year, Atom.
04:07Happy New Year at maraming salamat, Jamie Santos.
04:11Beach party at engranding fireworks display
04:14ang inaabangan ng mga dumayo sa Boracay
04:16para doon sa lubungin ng 2026.
04:19May live report si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
04:22Kim.
04:23Atom, mapukulay, magical at world-class na fireworks display.
04:32Ito ang kinasasabikan ng mga turista dito sa isla ng Boracay
04:36ilang minuto bago ang New Year's countdown.
04:39Madaling araw pa lang pumatak na ang ulan sa Malayaklan.
04:46Pero hindi ito naging hadlang sa pagsidatingan ng mga turista
04:50sa Katiklan Jetty Port para makatawid sa isla ng Boracay
04:53kung saan sila magbabagong taon.
04:56Sa entrance pa lang ng port,
04:58mahigpit ng iniinspeksyon ang mga gamit at maleta ng inbound passengers.
05:02May ilang turista na first time rao magdiwang ng bagong taon sa isla.
05:07Trip nila mag Boracay kasi sa nightlife
05:10tapos yung epic celebration na New Year's Eve sa Boracay.
05:14So we joined them.
05:16Ang iba naman, ilang beses nang nagbagong taon sa isla gaya nina Dave.
05:21We've been in Tagaytay, Baguio, pero dabas kasi dito sa Boracay.
05:27Mas closer sa nature, sa beach, tapos less yung toxic, hindi siya traffic.
05:33Handa na siyempre ang labindalawang establishmento na lalahok sa fireworks display
05:38sa stations 1, 2, and 3 na magtatagal ng 7 hanggang 10 minuto.
05:43May beach parties, banda, at iba't ibang night activities din.
05:48All set na sila.
05:49Dinakamon na sila isang security and safety na lang.
05:53Anong nagkongabangka, kaya nga we refer to the inspection
05:57na gina-cross guard na ang safety sa nasang maghandal.
06:00Nagpapalopok.
06:01Habang naghihintay ng New Year's Eve,
06:04ini-enjoy muna ng mga turista ang picture-taking
06:06sa ilang tourist spots sa isla gaya ng Willis Rock.
06:10We saw it on social media a lot.
06:12TikTok.
06:14So we wanted to see it.
06:15It's beautiful, lovely people, the view is stunning, good food.
06:20Atom, kabi-kabila nang ang ingay ng turotot
06:29ang naririnig sa paligid dito sa isla ng Boracay
06:34mula sa mga taong nag-iikot dito sa isla.
06:38Magkita natin yung mga kapuso natin dito.
06:41Party moda talaga mga kapuso.
06:43And of course, sabang naglilinis.
06:45Atom, happy New Year na lang sa'yo.
06:47Hindi na makarinigan dito sa isla ng Boracay.
06:50Happy, happy New Year mga kapuso.
06:52Happy New Year. Maraming salamat.
06:54Kim Salinas ng GMA Regional TV.
06:57May inihanda namang fireworks display
06:59sa Baguio City na pinuntahan
07:01ng mga naisalubungin ng 2026
07:03sa gitna ng mas malamig na panahon.
07:06Live mula sa Baguio City,
07:08may report si Bam Alegre.
07:10Bam!
07:10Atom, happy New Year.
07:16Malapit na rin nga mag-2026 dito.
07:17Ilang minuto na lang at ready-ready na
07:19yung mga taga-Baguio.
07:20Lalo na, yun na dito sa Burnham Park
07:22sa kanilang New Year countdown concert
07:24na patuloy rak-rakan sa mga oras na ito.
07:31Habang lumalalim ang gabi,
07:32mas lalong nanunood sa buto.
07:34Ang lamig sa Baguio City.
07:35Umabot hanggang 14.4 degrees Celsius
07:37ang temperatura kanina madaling araw.
07:40Dito pinili mag New Year countdown
07:41ng mag-asawang Shari at Ryan Monzones.
07:43Walang panama ang ibang bansa.
07:45Baguio lang daw sa patna.
07:46It's far kasi if you go to other countries.
07:49So, here, we'll go by land.
07:52Akala ko malamig, magastos pala.
07:55Balik na naman si M. Gagni
07:56dahil dito sa City of Pines
07:58siya nag-aral at alam niyang
07:59masaya ang Baguio New Year.
08:01Bumiyahin siya mula Ilocos
08:02at may look forward daw
08:03na muli matikman ang strawberry taho.
08:05Maganda ang fireworks
08:06to experience
08:08vis-a-vis the celebration of New Year's Eve.
08:13Marami pa rin turista sa Baguio
08:14para sa lubungin ng bagong taon.
08:16Pero hindi na matindi ang traffic
08:17dahil nagsiuwi at narawang karamihan
08:18ayon sa lokal na pamahalaan.
08:21Kanina, tila maraming gumising
08:22ng maaga sa kanila
08:23para bisitahin ng mga pasyalan.
08:25Tulad ng bago sa pandinig
08:26at paningin na Mount Camisong Forest Park
08:28na tanyag sa Glass Bridge.
08:30Ang tulay na ito,
08:31likha sa bulletproof glass
08:33at kayong sumuporta
08:33na hanggang limang tonelada.
08:35Transparent ang design
08:36para makita
08:37yung ganda ng lugar.
08:39Sa buong holiday season,
08:40bawal mong kaputok
08:41dahil may ordinansa
08:42ang Baguio City laban dito.
08:43Pagpapaliwanagin
08:44ang mga punong barangay
08:45at police station commander
08:46kapag may dumagdag pa
08:47sa dalawang firecracker-related injury
08:49ng lungsod.
08:52Happy New Year!
08:56Okay, so Atom,
08:57naririnig nyo yung concert ngayon
08:59patuloy dito
09:00at hinihintay naman
09:01ng mga taga rito
09:02yung community fireworks display.
09:04At live,
09:05wala rito sa Baguio City
09:06kasama ng crew,
09:07si Kuya Eman
09:08at si Kuya Rick.
09:09Bamalegre po
09:10para sa GMA Integrated News.
09:12Happy New Year!
09:13Happy New Year sa buong team.
09:15Maraming salamat,
09:15Bamalegre!
09:16Arestado ang nagbebenta
09:19ng iligal na paputok onlines
09:21na nagpapasampol pa
09:22para makainganyo.
09:24Pinagsisira naman
09:25ang polisya
09:25ang mahigit isang milyong pisong halaga
09:27ng mga iligal na paputok
09:29na kanilang nakumpiska.
09:30May report sa John Consulta.
09:36Ani mo'y bombang nakas
09:37ng pagsabog ng paputok
09:39na Goodbye Philippines?
09:40Kung tamaan ka niyan,
09:42baka hindi ka lang
09:42mapag-Goodbye Philippines,
09:44kundi mapag-Goodbye Earth
09:46ka na rin.
09:47Ang Goodbye Philippines
09:48na sinasabi na kapatay
09:49sa 12-anyons na bata
09:50at nakasugot sa kaibigan niya
09:52sa Tondo, Manila
09:53nitong linggo.
09:54Pilikado po yun
09:55kasi nakita nyo naman
09:56parang mas malakas pa
09:59sa pagsabog ng isang granada
10:00yung tunog kanina
10:01at saka yung blowback nun
10:03is talagang napakalakas.
10:05Kabilang ang Goodbye Philippines
10:10sa mahigit 1.4 million pesos
10:12na iligal na paputok
10:13na kinumpiska,
10:14pinasabog
10:15at sinira
10:16ng NCR Police Office.
10:20Winasak din ng mga polis
10:22ang mga nasa
10:22Bataboga
10:23na isa
10:24sa pangunahin sanhi
10:25ng firecracker
10:26related injuries
10:26taon-taon.
10:27Inoperate din ng motoridad
10:29ang pag-ibenta online
10:30ng bawal na paputok.
10:31Tulad ng paputok na ito
10:33na idinay mo pa
10:34sa video
10:34ang lakas.
10:37Ayon sa polis siya,
10:38grupo ng online seller
10:39ang nasa likod niyan.
10:41Isa sa binibenta nilang paputok
10:42ay mas putindi pa rao
10:43sa illegal ding 5 star.
10:4550 times
10:46yung size ng 5 star.
10:49Ganun kalaki
10:49itong paputok na ito.
10:51Sa operasyon
10:52ng Calabar Zone Police.
10:58Arestado ang isang lalaki
10:59sa Cavite
10:59na nagbibenta ng naturang paputok.
11:02Nakumpis ka sa kanya
11:03ang mayigit
11:0350,000 pisong halaga
11:05ng paputok.
11:05Ang transaktyon
11:06nangyari dito
11:07sa May Laguna
11:07pero yung bayaran
11:09at yung abutan
11:11ng firecracker
11:12is dito nila
11:13hinatak sa Cavite.
11:15Inisubukan pa ng GMA
11:16Integrated News
11:17na kunin ang panig
11:18ng suspect
11:18na naharap sa
11:19reklamang paglabag
11:20sa RA 7183
11:21o an act
11:23of regulating
11:23the sale,
11:24manufacture,
11:25distribution of firecrackers
11:26and other
11:27fire-attemptive devices.
11:28Paalala ng PNP
11:29sa publiko
11:30para iwas
11:31disgrasya
11:31ngayon
11:32sa lubong 2026.
11:33Marami naman tayong
11:34kaldero
11:34na pwede nating
11:35pupukin,
11:36may mga lata dyan
11:37and merong
11:38bibili
11:38na torotot.
11:40Hindi na natin
11:40kailangan
11:41bumili pa
11:41ng paputok
11:42dahil
11:43peligro nga
11:44ang ibibigay
11:45nito sa atin.
11:47John Consulta
11:48nagbabalita
11:49para sa
11:50GMA
11:50Integrated News.
11:52Ending 2025
12:00with lots
12:00of surprises
12:01ang isang angkan
12:02mula sa
12:03San Luis Aurora.
12:05Lot titles
12:05o titulo sa lupa
12:07ba naman kasi
12:07ang natanggap nilang
12:08regalo
12:09nitong Pasko?
12:10Usuan na yan
12:11sa report
12:11ni Marie Zomali.
12:15Walang mag-aaway
12:17sa pamilyang ito.
12:19Dahil sa pagtatapos
12:20ng 2025,
12:21there's a lot
12:22of plot twists.
12:24As in,
12:25ang lote
12:26plotted na.
12:27Allotted pa
12:28ang mga titulo.
12:31Sorpresa yan
12:32sa walong magkakapatid
12:33kaya literal
12:34na merry
12:35ang Christmas
12:35ng Quizon siblings
12:37mula
12:37San Luis Aurora,
12:39isa sa mga
12:39nakatanggap
12:40tatay ni Joas.
12:42Kwento niya,
12:43saktong pagkatapos
12:43sa noche cuena,
12:45inanunsyo
12:45ng kanyang pinsan
12:46na lumabas na
12:47ang titulo
12:47ng pinaghahati-hati
12:49ang lupain.
12:50Walang lamangan,
12:51walang iringan,
12:52lahat,
12:53pantay-pantay.
12:57Di naman daw sila
12:58mga hasyendero
12:59at hasyendera
13:00tulad ng akala
13:00ng iba.
13:02Pero ibang tuwa
13:03na may papeles na
13:04ang bawat isa
13:05lalo't matagal
13:06ang proseso
13:07ng pagpapatitulo
13:08ng lupa.
13:08Pero di lang pala
13:09ang walong
13:10magkakapatid
13:10na may titulo
13:11dahil
13:12ang bawat
13:12na mana
13:13nilang lupa
13:13hinati-hati
13:15na rin
13:15sa kanita
13:15nilang mga
13:16anak.
13:17Kaya may titulo
13:17na rin
13:18pati
13:18sina Joas.
13:19Higit sa lupain,
13:20pinapahalagahan
13:21daw nila
13:22ang pinaka-iingatan
13:23nilang
13:23pamana,
13:24pamilyang
13:25may respeto
13:25at mabuting
13:26relasyon.
13:29Maris,
13:29umali
13:29nagbabalita
13:30para
13:30sa GMA Integrated
13:31News.
13:35Laway maging ligtas
13:36ang inyong pagsalubong
13:37sa 2026,
13:38mga kapuso.
13:40At yan po
13:40ang state of the nation
13:41para sa mas malaking
13:43misyon
13:43at para sa mas malawak
13:45na paglilingkod
13:45sa bayan.
13:46Ako si Atom Araulio
13:47mula sa GMA Integrated
13:49News,
13:49ang News Authority
13:50ng Pilipino.
13:53Huwag magpahuli
13:53sa mga balitang
13:54dapat niyong malaman.
13:56Mag-subscribe na
13:56sa GMA Integrated
13:58News
13:58sa YouTube.
14:00Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Be the first to comment
Add your comment

Recommended