00:00Iginit ng isang senador na dapat magtipid ang gobyerno at wag gawing mag-arbo ang pag-host ng bansa sa
00:06ASEAN 2026 sa harap ng State of National Energy Emergency.
00:11Sinangayuna ng ilang senador ang deklarasyon ng State of National Energy Emergency at maging ang pagbuo ng Crisis Committee.
00:17Si Louisa Erispe sa report.
00:23Sinangayuna ng ilang senador ang deklarasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng National Energy Emergency sa buong bansa at
00:31ang pagbuo ng kumite na tutugon sa problema sa langis.
00:34Ayon kay Sen. Erwin Tulfo, nakasuporta siya sa hakbang ng Pangulo para matulungan ang mga Pilipino.
00:41Para naman kay Sen. President Vicente Soto III, maaaring nakita na ng Pangulo ang mga nananamantala sa krisis sa Middle
00:48East.
00:49Kaya ngayon, mababantayan na ng gobyerno ang presyo ng langis sa Pilipinas.
00:54Pero para kay Sen. Bam Aquino, dapat lawakan pa sa National Emergency ang deklarasyon ng Pangulo para magkaroon na rin
01:02ang price cap sa mga pangunahing bilihin.
01:04Bukod dito, kapag State of Emergency, pwede rin magamit ang Quick Response Fund ng mga LGU para tumulong sa kanilang
01:12nasasakupan.
01:13Pero naniniwala naman si Sen. Sherwin Gatchalian, sapat na ito sa ngayon.
01:18Para makabuo na ng contingency plan ang gobyerno, paano tutugunan ang problema sa langis.
01:24Ang aming panawagan sa kanila ay gumawa na ng National Contingency Plan na mayroong iba't ibang senaryos.
01:32Nabuo na itong uplift sa Senate Protect, sa Executive Uplift.
01:38Ina-expect namin na gagawa na sila ng National Contingency Plan.
01:43Handa rin naman anya makipagtulungan ang Protect Committee ng Senado sa Uplift Committee ng gobyerno kung may kinakailangang maipasa ng
01:51mga batas.
01:52Ang relationship between that uplift and protect will be on the budget level.
01:57So yun ang isa sa mga kailangan na nagko-coordinate ang legislative at ang executive sa mga ganitong bagay.
02:05Pero sa Sen. J. V. Ejercito, sana raw, pag-aralan din ang Crisis Committee na magkaroon din ang ayuda sa
02:12middle class kung talagang tatagal pa ang krisis.
02:15Aside from yung sa PhilHealth, siguro yung pong subsidy sa cash aid siguro pagtagal kung tumagal pa talaga ito.
02:26Dahil mabigat talaga, isang mabigat sa pinakamabigat dito dahil, siyempre kita natin kakaunti kung hindi tayo nakapasok, yung mga deferment
02:36na loan payments, these are the things that probably can be studied.
02:42Kung maaari din Anya, magtipid pa rin ng gobyerno.
02:46Bilang host country sa ASEAN 2026, huwag na itong gawing magarbo at gamitin na lang ang pagkakataon para makipagpulong sa
02:54ASEAN countries para sa krisis sa langis.
02:57Bukas, inaasahang muling magpupulong ang Protect Committee ng Senado.
03:02Sa oras na makabuo ng report, ang komite isusumiti ito kay Sen. President Vicente Soto III at kay Pangulong Marcos
03:09Jr. para sa posibleng implementasyon.
03:11Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments