00:00Samantala, target ng Senado na maipasa ang panukalang emergency powers kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para suspendihin ang excise
00:07tax sa langis.
00:09Tiniyak ni Senador Pia Cayetano, Chairperson ng Ways and Means Committee, na agad niyang i-sponsoran ang panukala sa sandaling
00:16matanggap nila ang versyon ng Kamara.
00:18Handa rin ang Senado sa Marathon Plenary Sessions para matiyak na maipapasa ang panukala bago mag-adjourn ang Kongreso,
00:26kung saan certified na urgent ang panukalang emergency powers, kaya't hindi ito kailangan dumaan sa ikatlong pagbasa.
00:34Umaasa rin si Cayetano na mapagkakasunduan ang dalawang kapulungan na i-adopt na lang ang isang versyon para hindi na
00:40ito dumaan sa bicameral conference.
Comments