00:00Nanindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. na igagalang niya ang proseso ng impeachment complaint laban sa kanya.
00:08Kumpiyansa ang Pangulo na wala siyang nilabag na batas at wala siyang nanawang impeachable offense.
00:14Nagbabalik si Clazel Pardilla.
00:18Sinabi na po ng Pangulo na alam niya na wala siyang ginawang mali, wala siyang ginawang paglabag sa batas at wala siyang ginawang impeachable offense.
00:26Kaya kumpiyansa siya sa sarili niya.
00:30Nanindigan ang Malacanang na walang nilabag na batas si Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:37Taliwas sa mga impeachment complaint na inihain laban sa presidente.
00:42Ngayong araw, dininig na ng House Committee on Justice ang mga reklamo kay Pangulong Marcus.
00:48Dalawa ang idineklarang sufficient in form.
00:51Hindi pa ito ang hatol o desisyon sa kaso pero nangangahulugan na kumpleto ang requirement ng reklamo.
00:59Gaya ng pirma ng complainant, pag-endorso at panunumpan ng naghain.
01:05Kabilang sa may sufficient in form ang isinampa ng makabayan block kung saan 35 ang pumabor.
01:13Siya maang tumutol habang isa naman ang nag-abstain.
01:16Mayorya rin ang bumoto na kumpleto ang requirement sa impeachment complaint ni Atty. Andre De Jesus.
01:24With 46 votes in favor, one vote against and one abstain.
01:33The chair declares the De Jesus complaint as sufficient in form.
01:37Nire-respetoan niya ng palasyo ang proseso ng pagdinig sa impeachment complaint kay Pangulong Marcus.
01:45So that's the process. We have to respect that.
01:47Ilan sa mga basihan ng impeachment complaint kay Pangulong Marcus ay ang pagkakaugnay-umano sa maanumalyang flood control project,
01:57kanyang paglabag sa konstitusyon at betrayal of public trust.
02:01Mismong si Pangulong Marcus ang nanguna sa paghabol sa mga tiwaling nasa likod ang flood control scam.
02:08Dahil diyan, naipakulong na ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways na nasasangkot sa isyo.
02:16Himas Reyes na rin ang mag-asawang Diskaya na kontraktor sa ilang ghost project.
02:21Sinibak na rin ang ilang gabinete habang patuloy na gumugulong ang investigasyon.
02:27Kaya buwelta ng palasyo sa akusasyon ng Makabayan Block na si Pangulong Marcus umano,
02:33ang biggest fish sa katiwalian sa flood control projects.
02:37For us, irrelevant.
02:40May mababago pa po ba sa mga sinasabi na mga Makabayan Block?
02:45Madali po kasing magbintang, madaling magsalita sa harapan ng media, sa harapan ng kamera.
02:51Pero ang mahirap po dito ay patunayan ang kanilang pagbibintang.
02:55Kaleizal Bardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas!
Comments