00:00Online shopping at online booking, mainit sa mata ng mga cyber scammers, lalo na sa mga bakasyonista.
00:07Kampanyang yes to summer, no to scammer, inibinsad ng CICC.
00:12Si Jem Thompson sa Sentro ng Balita.
00:17Ngayong papasok na ang summer season, mainit din ang mata ng mga cyber scammers sa mga bakasyonista.
00:24Yan ang hindi papayagan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC sa pangunguna ni CICC Executive Director, Yusek Aboy
00:34Paraiso.
00:35Ngayong araw, inilansad ang kanilang campaign na yes to summer, no to scammer, kasama ang national campaigner Mr. Ronald Gustilo
00:43ng Digital Pinoy at Ms. Pia Arellano ng Fintech Alliance Philippines.
00:48Ngayong malapit ng mag-summer break, dadami na naman ang mga Pilipinong mahuhumaling sa online shopping at online booking para
00:56magbakasyon.
00:57Hindi na bago ang online shopping scams ayon kay Yusek Aboy Paraiso.
01:01Simula January 1 hanggang March 15, nakapagtala ng 22,820 na kaso ng consumer fraud ang ahensya sa loob pa
01:10lang ito ng tatlong buwan.
01:11Kabilang sa mga report ay ang paniningil ng mga scammer ng advance fee para sa down payment kung saan bigla
01:18na lang itong mawawala na parang bula pagkatapos itong makuha.
01:22Kasama pa sa mga modus ay ang non-delivery of goods, fake sellers at iba pang kaugnay na ibang modus.
01:2852% pawang mga kababaihan target ng mga scammer samantalang 48% naman para sa mga kalalakihan.
01:37Maging ang mga minorde edad ay nagiging target na rin ng mga scammer.
01:41Aniya, maraming platforms o application ang ginagamit ng ordinaryong tao sa pang-araw-araw na tila harmless ngunit maraming natatagong
01:50kriminal.
01:51Patunay ito na walang pinipiling edad, lugar o okasyon ang mga scammer kung sino ang kanilang pupuntiriyahin.
01:59Layo ng kampanyang ito na bigyan ng kaalaman ng mga tao upang maireport agad ang mga nagtangka o nakaranas ng
02:06scam para agaran itong maaksyonan.
02:08We would take advantage of the provisions of the AFASA law na pag na-ideposito yung pera, pwede natin habulin.
02:15At pag na-transfer yung pera, hanggang doon sa level na yan, pag na-transfer yung pera na yan, pwede
02:20pa rin natin habulin.
02:22That's really the goal of this particular campaign.
02:25Yung mga kababayan natin, hininikayat na natin magsumbong.
02:28At dahil ho, pag magsusumbong kayo, magagawa natin yung siyasabi nyo na may mapapanagot tayo, may ma-identify tayo, may
02:36ma-prosecute tayo.
02:38Hanggat wala ho, nagsusumbong. Hindi po natin magagawa yan.
02:40Maaaring tumawag sa hotline na 1326 o di kaya mag-text o tumawag sa kanilang mga numero.
02:47Samantala, inaasahan na pupunta ang kumpanya ng Roblox sa bansa upang magkaroon ng pag-uusap kasama ang CICC.
02:55Tiniyak naman ni Yusek Paraiso na dahil sa lumalalang epekto ng video game na Roblox sa mga tao lalo na
03:03sa mga kabataan,
03:04naninindigan nito na hindi na maaari pang magpatuloy ang online video game na ito sa bansa.
03:11J.M. Thompson, para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.
Comments