00:00Samantala, nagpulong ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center, NTC at local telecommunication companies
00:08kaugnay sa posibleng pag-block sa Roblox at iba pang kaparehong platforms.
00:14Ayon sa CICC, tiniyak ng mga telco ang kanilang kahandaan kung sakaling ipatupad ito laban sa naturang online gaming platform.
00:24Matatandaan na binigyan ng ultimatum ng CICC ang Roblox para tumugon sa concerns kaugnay sa umano'y mga iligal na
00:34aktividad sa kanilang platform
00:35kabilang na ang pedophiles at drug traffickers na nambibiktima umano ng underage users.
00:42Nananawagan din ang CICC sa mga magulang at guardians na bantayang mabuti ang online activities ng kanilang mga anak
00:50upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa loob at labas ng digital platforms.
Comments