Skip to playerSkip to main content
  • 9 minutes ago
Karagdagang supply ng langis, paparating na ayon sa DOE; pamahalaan, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa upang mapagkunan ng langis | ulat ni Elijah Canlas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Si Negundo Han ng Department of Energy, ang pagtitiyak ng Malacanang, na walang krisis ng langis sa bansa,
00:07sa katunayan parating na umano ngayong linggo ang karagdagang supply ng mga produktong petrolyo,
00:12si Elijah Canla sa Sentro ng Balita.
00:17Tiniyak ng Department of Energy ang pagdating ng karagdagang supply ng langis sa bansa ngayong linggo
00:23para mapatibay ang ating buffer stock.
00:25Kinumpirma ni Energy Secretary Sharon Garin na nakatanggap na ang pamahalaan ng mga kumpirmadong order ng langis
00:31mula sa Korea, Japan, India at China.
00:35If everybody remembers, the President announced that we had about 55 or 57 days during the start of the conflict.
00:44But now po, hindi po na ganun pa rin yung number of days natin
00:50kasi may nadadagdag po ng mga deliveries po galing po sa ating mga supplier countries like Korea, Japan, even China.
00:59Inaasahang aabot sa isang milyong bariles ng langis ang darating sa Pilipinas kung saan 400,000 rito ay mula sa
01:05Southeast Asia
01:06habang ang nalalabing 600,000 naman ay mula sa labas ng rehyon.
01:10Ayon sa kagawaran, sapat pa ang kasalukuyang imbentaryo para sa susunod na 45 araw
01:16basta't mapananatiling maayos at well-regulated ang distribution nito sa merkado.
01:21Naglaan ang pamahalaan ng 20 bilyong piso para makuha ang target na hanggang 2 milyong bariles ng langis
01:26bilang bahagi ng estrategiya sa supply security.
01:30Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Garin na limitado ang kakayahan ng bansa
01:33na mag-imbak ng mas malaking supply dahil sa kakulangan ng storage facilities at kaakibat na limitasyon sa gastos.
01:40Binigyang di-indi ng DOE na prioridad sa alokasyon ng supply ang transport sector
01:45dahil ito ang pangunahing servisyong ginagamit ng mga Pilipinos sa araw-araw na pagbiyahe.
01:50Hinggil sa mataas na presyo ng petrolyo sa bansa, nilinaw ng DOE na tayo ay lubos na umaasa sa importasyon
01:56dahil limitado ang ating indigenous source sa ilalim ng isang unregulated industry.
02:02Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa DFA, PNOC at DTI ay kabilang ang pakikipag-negosasyon sa Japan
02:09upang masiguro ang tuloy-tuloy na daloy ng enerhiya sa bansa.
02:12Why we have been successful also in our supply, there has been close coordination with the Department of Foreign Affairs
02:18and PNOC, DOE, even DTI.
02:24We are brewing G2G dialogues to ensure that the supplies come in and that has been successful also.
02:31Kasabay nito nanawagan ng DOE sa publiko na magtipid sa paggamit ng enerhiya at isulong ang demand management sa gitna
02:38ng sitwasyon sa pandaigdigang merkado.
02:40Ibinahagi naman ni Director Patrick Aquino na naging efektibo ang work-from-home setup at compressed work week
02:46sa apat na raang ahensya ang kanilang na spot check upang mabawasan ang konsumo ng kuryente.
02:52Sa panig ng enforcement, kinumpirma ni USEC WIMFI Puentabella na katuwang nila ang PNP sa pagbabantay sa mga gasolinahan,
02:59lalo't apat na raang istasyon na ang naitalang nagsara sa bansa.
03:02Po yung sinasabi ng Department of Energy, we are here.
03:07The objective is not to close the gasoline stations, but in fact, ang objective po natin,
03:15maging katuwang ang ating mga gasolinahan.
03:17Bukas ito, making the petroleum products available on the ground in every corner at patas po ang kanilang pag-ooperate.
03:28Inaanyayahan din ang kagawaran ng bawat isa na makilahok sa paparating na Earth Hour ngayong paparating na Sabado
03:34mula 8.30 hanggang 9.30 ng gabi at sama-samang magpatay ng ilaw bilang simbolo ng pagtilipid ng enerhiya.
03:42Elijah Canlas mula sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended