00:00Sumadsad sa pinakababa sa kasaysayan ang palitan ng piso contra dolyar sa gitna ng Gerasa Middle East.
00:06Sabi ng inaikononista, posibleng maapektuhan ng gulo ang mga nagbabalak mamuhunan sa bansa.
00:11Balitang hatid ni Maki Pulido.
00:16Patuloy ang palitan ng airstrike ng Israel at Iran na ngayon nasa ika-apat na linggo na.
00:22Sa gitna nito, lalo pang bumulusok ang halaga ng piso contra dolyar.
00:27Nagsara ang palitan sa panibagong record low na 60 pesos and 30 centavos kada dolyar.
00:34Paliwanag ng isang ekonomista, resulta ito ng patuloy na pressure sa Philippine Peso
00:39dahil malaki ang demand sa US Dollars na pambili ng nagmamahal na petrolyo sa world market.
00:45Palagay ko hindi na yan bababa pa sa katulad nung dati na nasa 57, 58.
00:51Malaki ang demand natin sa dolyar kasi kailangan natin bumili ng petrolyo sa mas mataas na presyo.
00:58Mula ng sumiklab ang gulo sa Middle East, bumaba na ang Philippine Stock Exchange ng mahigit 500 points.
01:05It's a natural reaction to uncertainty, right? With what prices in the commodities market are also showing.
01:13Maybe it's really a knee-jerk reaction. It's not driven by fundamentals, right?
01:18It's driven by the reaction knee-jerk of a lot of the investors.
01:22So as long as we're good in terms of the macro fundamentals.
01:26Ayon sa financial analyst na si Jonathan Ravelas, ang pagbenta ng stocks kung may masamang pangyayari, walang epekto sa kita
01:33ng mismong kumpanya.
01:35Mas aalalahanin daw ng mga negosyo, halimbawa ang pagmahal ng transportasyon at kuryente na epekto ng gera sa ekonomiya.
01:42Walang epekto sa kanila yun. Kung baga, yung pera na yung de-list nila, ang ginagamit na yan ng kumpanya,
01:51nakuha na nila yung pera na yan.
01:53Yung binibenta lang is the ownership na meron.
01:56Pero mga foreign investor na may balak mamuhunan ng negosyo sa bansa, maaaring ipagpaliban muna ito o kaya umatras kung
02:03tumagal pa ang gulo, ayon sa isang ekonomista.
02:06Maaaring umatras ang mga foreign investor na kasalukuyan ng namumuhunan sa bansa, pero hindi raw ito agaran.
02:13Ang mga foreign investors ay mag-iisip din paano yung magiging cost of production nila dito sa Pilipinas.
02:20Ang unang-unang titignan nila dyan is yung kanilang gastos sa utilities. Tataas ba ang sinil sa kuryente? Tataas ba
02:29ang sinil sa tubig? Gano kataas ang aabuti ng pagtaas ng presyo ng petrolyo?
02:35Mandato ng Banko Sentral ng Pilipinas ang pag-stabilize ng halaga ng piso at kontrolin ang inflation o bilis ng
02:41pagmahal ng presyo ng bilihin sa pamamagitan ng pag-issue ng mga pulisiya.
02:46Inaabangan ang desisyon ng Monetary Board na sa April 23 pa ang nakatakdang pulong.
02:52Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments